LIZA'S POV
"Si Jas?" nabiglang sabi ko
"Oo, tingin ko isa siya sa makakapagpaliwanag ng lahat" sabi ni Ace sakin
"Pero paano?" sabi ko
"Bakit hindi natin alamin sakanya?" tanong ni Ace sakin sabay turo sa cellphone ko
"sige" sabi ko sabay dial sa number ni Jas
Pagkadial ko pa lang bigla na lang nagvibrate ng cellphone ko tanda ng pagsagot ng tawag ko.
"Hello!" sabi ko
(You have zero balance in your-)
"oh anong sabi?" sabi ni Ace
"eh kasi ano" sabi ko
"ano?" tumaas na ang kanyang kanang kilay
"wala daw ako load" nahihiyang sabi ko habang kinakamot ang ulo
"hahahaha" bigla na lang humagalpak ng tawa si Ace kaya naman bigla na lang nag init ang aking mga pisngi na para bang napahiya.
"ikaw talaga! Tara na nga at magload" sabi niya, nagpatiuna pa siyang maglakad.
Nang matapos kaming mag load, nagyaya na siyang umuwi, sabi niya doon ko na lang daw tawagan si Jas sa bahay.
Nang makarating kami sa bahay, nagtaka ako nang makita kong parang madaming anino na nag uusap usap mula sa bintana.
"My bisita ata si Mam Gina" sabi ko
"Hindi, nandiyan sila mama mo" sabi bigla ni Ace na nakapagkunoot ng noo ko
"paano mo nalaman?" tanong ko
"Narinig ko" sabi niya sabay nawala.
"Ate Liza! Ate Liza!" rinig kong sabi ng kapatid ko, kaya naman patakbo akong sinalubong ang kapatid ko.
"Lance!" sabi ko sabay yakap sa kapatid ko
"Ate, labas tayo!" sabi niya na natataranta
"Kararating ko lang lalabas na ulit tayo? Saan tayo pupunta? Sino kasama mo? Huwag mo sabihin na mag isa mo lang?" sunod sunod na tanong ko
"Kasama ko sila mama, halika na!" sabi niya sabay hila sakin. Nakakapagtaka.
"Teka, Lance! Pupuntahan ko lang sila mama saka tayo lumabas ok?" sabi ko
"Hindi na please, ate please" sabi niya
"Bakit ba kasi? My nagawa ka bang kasalanan? Huwag mo sabihing nakabuntis ka?" tanong ko sakanya
"What!? ATE!? ako talaga makakabuntis!? Ang ewwwwyyy mo naman!" sabi niya na masukasuka
"Tigilan mo nga ako Lance!" sabi ko sabay irap, dahil sa nabitawan niya ako nagkaroon ako ng pagkakataon na makapasok ng bahay.
"Hello ma! Pa!" sabi ko sabay mano at yakap sa mga ito
"Liza" sabi ni mama na alanganin
"My problema ba ma?" tanong ko
"Je-Jess"
Nagulat na lang akonnang biglang my yumakap sakin mula sa likod at tinawag akong Jess
"Si-sino po kayo?" tanong ko habang kumakalas sa pagkayakap ng ale.
"Jess, anak ko" sabi pa nito na umiiyak
"Ale, hindi po ako si Jess, hindi niyo po ako anak" sabi ko habang nakatingin kina mama.
Nagtataka ako bakit hindi man lang magsalita sila mama, nakayuko lang ang mga ito.
"Hindi, anak kita, ikaw si Jess, ikaw si Jessica" sabi pa nito habang pinipilit niyang yakapin ako.