Chapter 7

6 0 0
                                    

LIZA'S POV

Krrriiinnnnggg Krrriiinnnngggg

Napabalikwas ako agad nang marinig ko ang tunog ng alarm clock ng cp ko. Bigla ako napatingin sa wall clock at boom

"Halla, 8:00 na"

Dali dali akong tumayo at lumapit sa kabinet, nilabas ko ang aking susuotin.

"Bakit ba naman kasi ako nagpuyat hays!"

"uy, ano ginagawa mo?" biglang sulpot ni Ace

"Huwag ngayon malalate na ako" sagot ko

"te-"

"shhhh! Mamaya na lang" sabi ko, hindi ko na pinatapos sasabihin niya dali dali kong kinuha ang aking tuwalya at saka lumabas ng kwarto.

Lakad takbo na ginawa ko para makapunta ng banyo.

"Goodmorning Liza" bati sakin ni Mam Gina na hindi ko napansin dahil sa kamamadali. Kasalukuyan itong nasa hapag kainan.

Pagpasok ko ng banyo. . .

“aaaaaahhhh!" sigaw ko

"Uy Liza ano nangyayari saiyo? My problema ba?" Sigaw ni Mam Gina, saka ako lumabas ng banyo.

"Mam anong araw ngayon?" tanong ko

"Sabado" sagot niya. Napatampal ako sa noo ko.

"Akala mo friday noh?" dagdag pa niya sabay sinabayan ng mahihinang halakhak

Napatawa na lang din ako sa sarili ko.

"sige po tulog po ulit ako" sabi ko saka bumalik sa kwarto ko.

Nang makarating ako sa loob nadatnan ko doon si Ace na tumatawa. Kulang na lang ang paggulong sa aking kama habang hawak niya ang kanyang tiyan.

"Tawa pa more!" sabi ko na nakasimangot

"eh paano hahahaha hindi ka hahaha nakikinig sakin" sabi niya sa pagitan ng kanyang pagtawa

"hey tumigil ka!" sabi ko saka lumakad palapit sa aking cellphone

"ikaw kasi eh!" sisi ko sa cellphone ko

"kung hindi ka sana nagring, hayyys! Grrrrr!" sabi ko pa

"Bakit ka ba nag alarm eh hindi naman kita pinag aalarm ng sabado!" sigaw ko sabay duro sa cellphone ko

"Chillax lang, actually hindi naman iyang nag alarm eh, my tumatawag lang saiyo, ewan ko ba bakit parehas ang alarm at call ringtones mo" sabi niya na umiiling pa

"Ay sorry naman" sabi ko sabay unlock ng cellphone ko my Tatlong missed call na nakalagay.

Pagbukas ko, number lang naman nakalagay.

"Sino kaya ito?" bulong ko sa sarili ko

"Hindi mo malalaman kung hindi mo itetext o tatawagan" sabi naman ni Ace

"wala ako load eh" sabi ko

"edi magload"

"wala ako pera"

"naku poorita ang teacher!" bulong niya na kinataas ng kaliwang kilay ko, kahit bulong iyon narinig ko iyon ng malinaw.

"Ito na nga oh...Magloload na!" sabi ko sabay labas ng kwarto, sumusunod ito sakin.

"Papalod lang po ako" paalam ko kay mam Gina na nasa kusina parin, huminto muna ako para hintayin ang sagot niya

"Sige" sabi niya

Tinuloy ko na ang paglalakad habang sumusunod parin sa akin si Ace.

Nang nasa tindahan na kami kung saan lagi akong nagpapalod at bumibili.

OMG! Oh My Ghost! 😱Where stories live. Discover now