End😞💗

19 1 0
                                    

Hindi ko kayo matiis! :( Hindi na ako magtatag!

Ang Huling Kabanata

LIZA'S POV

"Ate! Ate si Kuya Brian! Dalian mo, punta ka dito" sabi bigla ni Lance na aking kinabigla.

Dali dali akong tumayo at saka lumabas ng bahay, sa may gate nakasalubong ko si Mam Gina

"saan ka pupunta Liza?" tanong niya sa akin

"Sa hospital Mam Gina, sige punta na ako." sabi ko saka dali daling nagpara ng taxi.

Nang makarating ako sa hospital, lumakas nanaman ang tibok ng puso ko mas lalo na nang nasa ointuan na ako ng ICU. Orihinal na akda ni Kirby, no to copy paste.

nanginginig akong binuksan ang pintuan ng ICU, nakita ko sila Lance, nanay nadia, jas at Bryl na nakatayo sa gilid ng kama kaya hindi ko makita si Ace.

"Ate" sabi ni Lance nang mapansin ako, lahat sila napatingin sakin, lahat sila umiiyak kaya naman hindi ko na din napigilan ang pag iyak nang biglang . . .

"Liza"

Nagulat ako sa narinig, alam ko kung kaninong boses iyon!

"A-a-ace?" sabi ko si Jas na nakaharang kay Ace ay biglang lumipat para makita ko mismo ito at laking gulat ko nang nakaupo na ito, nakangiti pero nakasaksak parin ang mga aparato sa kanyang katawan, pero parang ang lakas lakas na nito.

Nakangiti ito sakin, ang ngiti na dahilan kung bakit ako nagkagusto sakanya.

"Halika" sabi nito

Lumapit ako, pero nakakapagtaka, parang my mali, buhay si Ace pero bakit iba ang iyak ng mga kasama namin, Orihinal na akda ni Kirby, no to copy paste. bakit imbes na magdiwang o tears of joy bakit parang iyak ng matayan o iyak na nasasaktan ang nangagaling mula sakanila.

Nang makalapit ako bigla niya hinawakan ang aking kamay.

"Bryan!" sa sobrang saya niyakap ko siya. Niyakap niya din ako, nagyakapan kami na para bang wala ng bukas.

"Salamat bumalik ka" sabi ko sabay iyak, ngumiti ito pero ngiting malungkot.

"Liza, sorry" biglang sabi niya

Napakalas ako sa pagkayakap ni Bryan at saka tinignan ko siya na nagtatanong.

"Bakit? huwag mong sabihin-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko, humagulgol ako na para bang wala ng bukas.

Umupo ito mula sa pagkakahiga, binigyan naman ako nila Nanay Nadia ng upuan kaya magkaharap kaming dalawa, hinawakan niya ang aking mga kamay.

"Humiling lang ako sa Itaas na sana kahit saglit lang ibalik ako sa katawan ko dahil gusto ko magpaalam sainyo lahat" sabi niya saka tumingin sa mga taong nasa paligid niya, hindi na din niya mapigilan ang pag iyak.

"Hindi ko na sana hihilingin na bumalik kung saglit lang pero hindi ko kayo kayang iwan na hindi man lang nagpapaalam" sabi pa niya.

Lahat kami hindi umiimik, lahat kami umiiyak.

"Nanay, maraming salamat sa pagmamahal niyo sa akin, salamat dahil hanggang sa huli pinaglaban niyo ako" sabi niya,Orihinal na akda ni Kirby, no to copy paste. lumapit si Nanay Nadia saka niyakap ang anak nito.

"Jas, ikaw na bahala kay Bryl, alam ko naman na mahal niyo ang isa't isa, sana matupad niyong dalawa ang mga pangarap niyo", sabi ni Bryan, tumango naman si Jas

"Bryl, huwag mo pababayaan si Nanay, mahal na mahal ko kayong dalawa" sabi nito saka niyakap ang kapatid

"makakaasa ka" sabi naman ni Bryl

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

OMG! Oh My Ghost! 😱Where stories live. Discover now