"Liza!"
"ay butiki!" sabi ni Liza nang bigla na lang sumulpot ang lalaki sa kanyang tabi, kasalukuyan itong naglalakad patungo sa eskwelahan, napatingin tuloy ang mga ibang taong tumitingin,
"masyado ka naman magugulatin" sabi pa ng lalaki
Hindi sumagot si Liza bagkus, tinignan niya ang loob ng dala niyang shoulder bag at my hinahanap, dahil sa curiosity, napatingin din ang lalaki sa bag niya na para bang nakikihanap din
"ayon!" sabi ni Liza sabay labas ng headset sa kanyang bag.
"San mo gagamitin iyan?" tanong ng lalaki
Hindi parin sumagot sila, nilagay niya ang headset sa kanyang magkabilang tenga saka nagsalita,
"Oh yan! Pwede na tayo mag usap" sabi nito sa lalaki
"Wow! Ang talino mo naman!" sabi ng lalaki
"Ako pa! teka wag mo nga ako bolahin, pwede ba, huwag na huwag mo na akong gugulatin kung ayaw mong hindi kita tulungan!" sabi ni Liza
"Sorry naman, hindi ko naman alam na magugulatin ka! Teka napag isipan mo na ba kung tutulungan mo ako?" sabi ng lalaki
"Oo, tutulungan kita, sigurado naman kasing hindi mo ako patutulugin" sabi nito sabay irap
"Hindi naman ako gan-"
"hep! huwag ka na magsalita, sabihin mo na lang kung ano ba ang hinihingi mong tulong"
"Gusto ko sana-"
"hep! Teka bago mo sagutin, sabihin mo muna sakin ang pangalan mo" sabi nito, para lang siyang nakikipag usap sa kanyang cellphone gamit ang kanyang headset.
"Iyon nga sana ang hihingin kong tulong saiyo" sabi ng lalaki sabay kamot
"Iyong ano?" tanong ni Liza sabay kunot ang noo
"Na malaman kung sino ako, kasi hindi ko maalala kung paano ako naging multo, kung paano ako namatay? Ano ba nangyari sakin? at kung bakit andito pa ako?" sabi nito na lumungkot ang mukha
"abba, pati pala multo nagkaka amnesia" bulong ni Liza
"Narinig ko iyon!" sabi naman ng lalaki
"ah eh" napakamot na lang si Liza
"Ano tutulungan mo ba ako?" tanong nito
"Oo nga ang kulit! Haynaku! Teka, dapat my itatawag ako saiyo? Ano gusto mo?" sabi ni Liza
"Hmmm? Honey? Sweetheart? Hon? Babe?" sabi naman ng lalaki
"What??" nakataas ang kilay na sabi ni Liza
"sabi mo kasi itatawag mo sakin"
"wow naman! Just Wow! Itatawag, I mean pangalan, ano kala mo tayo na? Duh! Like duH!" sabi ni Liza sabay irap sa lalaki
"ay ganun ba, ano ba gusto mo?" sabi niya
"Hmn! Pag iisipan ko muna, sige dito ka na at papasok muna ako..ok?" sabi ni Liza sabay iwan sa lalaki na unti unti din naglaho na parang bula.
******************************
LIZA's POV"Tama ba ang desisyon kong tulungan si . . . ano nga ba ang itatawag ko sakanya? Gwapo siya, matangos ang ilong, maputi . . . pantay pantay ang ngipin. . . at saka . . . naku!" sa isip ko.
Napatingin ako sa paligid, nakiramdam, sana naman wala siya para hindi niya narinig ang nasa isip ko.
"Makapasok na nga sa klase" sabi ko na lang saka naglakad patungo sa silid aralan.
