LIZA'S POV
Nabigla talaga ako sa sinabi ni Jas kanina . . .
"ka-kasi po, nawala ang kapatid ko dahil sa akin" paulit ulit niya binibigkas ang mga salitang iyon habang umiiyak.
Hanggang sa hindi na niya napigilang ikwento ang nangyari.
Naaawa ako sakanya dahil siya ang sinisisi ng kanyang mga magulang sa pagkawala sa kanyang kapatid. Pati siya, mukhang sinisisi niya ang sarili niya.
Pero my mas nakakabigla pa doon, dahil sa pangalawang sinabi niya na nakakakita daw siya ng hindi nakikita ng pangkaraniwang mata.
Oo, Nakakakita din siya ng Multo!
Halos maghapon kaming nag usap, madami siyang naikwento sakin mas lalo na ang tungkol sa nakakatanda niyang kapatid.
Pauwi na ako, medyo padilim na din.
"Liza!" biglang sulpot nanaman ni Ace pero hindi ako nagulat, napatingin lang ako sakanya.
"Anong nangyari?" tanong niya sakin, kasalukuyan kaming naglalakad pauwi
"Nakausap ko iyong isang studyante ko" sabi ko
"Sino?" sabi naman nito
"Si Jas, sinabi na niya problema niya sakin, naaawa ako sakanya pero hindi ko alam paano siya tutulungan" sabi ko
"Pasensya na hindi ko din alam paano siya tutulungan" sabi nito
"ano ka ba hindi naman kita i-noobliga na tulungan din siya" sabi ko na nakangiti
"ayaw ko lang kasi na madami kang iniisip" sabi niya, kahit multo siya ramdam ko ang sinseridad sa kanyang sinabi.
Titignan ko na sana siya nang bigla na lang ito nawala na para bang bola. As usual. Hays.
Umuwi ako ng bahay na madaming iniisip pero kahit ganoon hindi ko parin tatalikuran ang pangako kong tutulungan ko si Ace. Kaya naman inayos ko ang aking sarili at nag research sa laptop ko.
Ilang oras din ang lumipas, madami akong nabasang article about sa mga disgrasya sa lugar na iyon pero parang wala parin akong lead tungkol kay Ace.
hays!
"suko na ba?" biglang sabi ni Ace, nakangiti ito pero nakikita ko ang lungkot ng kanyang mga mata.
"Hindi pa noh!" sabi ko saka pinagpatuloy ang pag reresearch.
Natapos ang buong WEEKEND ko na nasa harap ako ng laptop ko, pag tinatawag lang ako ni Mam Gina saka ako napapaalis sa harap ng Laptop, minsan kasi doon na din ako kumakain sa harap ng laptop.
Ayaw ko sumuko, ayaw kong ipakita kay Ace na pinanghihinahan na ako ng loob mas lalo na sa tuwing nakakabasa ako ng article na kalaunan ay walang koneksyon kay Ace.
Sa tingin ko kailangan ko bumalik ka Nanay Nadia.
Kinaumagahan (Lunes)
Hindi ako makafocus sa aking klase dahil sa mga iniisip ko mas lalo na ng hindi pumasok si Jas sa klase. Nagpa surprise quiz na lang ako dahil sigurado akong hindi ko maipapaliwanag ang lesson namin ng mabuti.
**************
Fast Forward . . .
Mabilis na tumakbo ang oras, halos isang week na din ang nakalipas nang simulan kong tulungan si Ace sa paghahanap ng pagkatao niya.
Ilang ulit ako nagpabalik balik kay Nanay Nadia, lahat ng sinasabi niya sinusubukan ko din tignan sa internet at doon ko naman nakikita ang mga detalye ng lahat ng naikwento niya sakin. At doon din ako nawawalan ng pag asa, dahil lahat ng kwinento sakin ni Nanay Nadia ay walang koneksyon kay Ace.
Minsan gusto ko nang sumuko pero pag nakikita kong malungkot si Ace parang nasasaktan ako. Parang gusto ko siya yakapin at sabihin na malalaman din namin ang lahat .
"Alam mo, si Nanay Nadia, parang my hindi siya sinasabi" biglang sabi ni Ace isang araw sakin
"ikaw talaga, hindi naman siguro" sabi ko
"Siguro nga" sabi naman nito ulit.
***************
ACE's POV
Isang hapon . . .
Uwian na nila Liza nun nang nagpakita ako sakanya. Nagkasabay na lang kaming lumabas ng school nila.
"Ano plano mo ngayon?" tanong ko sakanya
"punta ulit kay Nanay Nadia" sabi niya sakin, nagkibit balikat na lang ako saka sumunod sakanya.
"Alam ko nasa isip mo" biglang sabi ni Liza sakin
"Multo ka na rin?" pagbibiro ko
"Hindi, ang sinasabi ko, iniisip mo na wala tayo ulit mapapala kay Nanay Nadia, tama ba?" sabi niya
Nagkibit balikat na lang ulit ako at hindi na nagsalita.
Malapit na kami sa lugar na hula namin eh doon ako nadisgrasya nang bigla na lang my bike na mabilis na dumaan sa gilid ni Liza na halos ikatumba niya ito buti na lang naagapan niya.
"Jas!" biglang sabi niya at bigla itong tumakbo habang sinusundan ang bike na medyo mabilis.
"Jas! Sandali Jas!" sigaw ni Liza habang tumatakbo kasunod ako at saka . . .
Biglang lumiwanag ang lahat sakin.
Biglang my eksenang nangyayari sa aking mga mata.
Para bang Flashback. . .
at boooooggggggg!
Sigawan ang lahat ng taosa paligid.
Bigla akong natumba, nanghina, bigla akong naging duguan, umiiyak, nabibingi, halos hindi ko na marinig ang sigawan, hindi ko marinid ang mga sinasabi ng mga nasa paligid. Bigla ko nakita doon ang mga taong naglalako malapit sa pinangyarihan, andoon sin si Namay Nadias pati na din si . . .
*****************
LIZA's POV
Nabigla na lang ako nang matigilan si Ace, nagsisigaw ito habang hawak ang kanyang ulo.
Nakalimutan ko na si Jas na hinahabol ko, bigla akong bumalik kay Ace. Mukha itong nasasaktan. Naaawa ako sakanya, kung pwede ko lang siya yakapin tulad ng sa pelikula para mawala ang sakit na nararamdaman niya pero wala ako magawa. ni hindi ko siya mahawakan!
"Ace!" sabi ko
Dahan dahan itong tumingin sakin, parang nawawala na iyong sakit na nararamdaman niya.
"Liza" sabi niya tumingin lang siya sakin.
"Liza, my naaalala na ako" sabi niya na hindi ko alam kung ikakatuwa ko o hindi dahil sa isipin na pag naalala na niya ang lahat ay baka mawala na lang siya na parang bula hindi lang pansamantala kundi habambuhay.
"Talaga?" sabi ko hindi ko alam kung ngingiti ba ako o hindi
"Oo, si Jas! Si Jas!" sabi niya na paulit ulit.
. . . Itutuloy . . .
Si Ace na nga kaya ang kapatid ni Jas? Malalaman na kaya ni Liza ang lahat ng tungkol ka Ace? Abangan natin sa Next Chapter. . .
Lagi pong tandaan: Ang konsepto ng kwentong ito at ang mga pangalan ng tauhan ay kathang isip lamang ng ating manunulat. Kung ang kwento ay tugma sa inyong karanasan ito ay hindi sinasadya.
NO TO COPY + PASTE Plagiarism is NOT ALLOWED
Like + (Positive/Negative) Comment is always welcome.
