Dahil sa ako ay Excited at kayo ay excited, ito na po ang chapter 12, enjoy guys :)
LIZA's POV
Pumunta kami sa Hospital na sinasabi ni Nanay Nadia, habang nasa labas, bigla akong kinabahan, bakit kaya? Bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko? at saka sino kaya ang andito sa hospital?
Pumasok na kami ng hospital, naunang naglalakad sila Nanay Nadia at si Jas, nakasunod naman kami ni Lance, magkahawak kamay kaming magkapatid.
"Ate bakit parang ang lamig ng kamay mo?" tanong sakin ni Lance
Kinakabahan ako ng oras na iyon, hindi ko man lang alam kung bakit.
"Hindi ko alam, sandali punta lang ako sa c.r." sabi ko
"Samahan na kita" sabi niya
"Hindi na, para makasunod ako, tawagan kita kung nasan kayo" sabi ko
"Sige" sabi niya, bumitaw ako sa pagkahawak sakanya at naghanap ng c.r.
Nang makakita ako ng C.R. pumasok ako agad dito, mukhang walang tao, dumiretso na ako sa lababo.
Napatingin ako sa sarili ko sa salamin na nasa harap ko, kinakabahan parin ako,
"Bakit ganito?" napabulong ako sa sarili ko habang nakatinign sa salamin at habang nakahawak sa aking dibdib sa bandang puso.
"Inhale!"
"Exhale!"
Pinipilit ko mapanatag ang sarili ko, nang medyo kumalma ang tibok ng puso ko, pumasok ako sa isang cubicle at umihi.
Matapos umihi at saka medyo ok na ang tibok ng puso ko napagpasiyahan kong lumabas ng c.r
Pagkalabas ko, nakita ko si Ace, nakatalikod ito sakin na naglalakad, alam kong siya iyon, likod pa lang kasi alam ko na.
"Ace!" sigaw ko pero hindi niya ako pinansin
"Ace!" sigaw ko ulit pero wala parin, alam ko naman na maririnig niya ako, pero bakit hindi niya ako pinapansin? Galit kaya siya sakin? Nagtatampo?
"Ace! uy!" lakad takbo na ang ginawa ko para lang malapitan ko siya, pero ang bilis niya, bigla na lang siya nawala sa harap ko, saan kaya siya pumunta? Grabe naman galit niya sakin, hays
Kriiinnnnggggg! Kriiiiinnnnggggg!
Hinanap ko ang cellphone ko at tinignan kung sino tumatawag, si Lance.
"Hello" sabi ko nang sagutin ko ang tawag ng kapatid ko
"Ate asan ka na? Andito kami sa ICU" sabi niya
"Ok sige punta na ako diyan" sabi ko
ICU???
Sino naman ang nasa ICU???
Siguro iyong asawa ni Nanay Nadia? Eh ano naman sakit ng asawa ni Nanay Nadia??
Bakit hindi na lang ako pumunta doon ng malaman ko ang mga sagot sa katanungan ko?
Dumiretso na lang ako sa ICU, nang malapit na ako, nakita ko si Ace.
Si Ace???
Palapit kay Jas, at saka . . . at saka niyakap ito . . . sabay sabing . . .
"Hon"
pero bakit? at saka paano?
Nananaginip ba ulit ako? Teka wala akong maalalang natulog ako?
Ano gagawin ko? Lalapitan ko, ikukumpruntahin ko ulit sila tulad ng ginawa ko sa panaginip ko?
O aalis na lang ako at isiping walang nangyari?