Chapter Eleven

386 18 1
                                    

Suzy's POV

Pumasok na kami sa Ice cream parlor and I'm super happy!

"So ano yung gusto mo?" Tanong ni Meljun, habang tinitignan ang mga iba't-ibang klaseng Ice Cream.

"Yung 'Chocolate Festival'." Sagot ko.

"Namaaaan! Ang mahal kaya nun!" Alfred.

"Wala akong nakikitang Choco-- eh? Ang mahal naman,Suz." Drake.

Ang chocolate festival kasi ay composed of different flavours(na may chocolate) na ice cream. I love chocolate kasi eh! It costs 550 pesos, sulit naman kasi Malaki!

"Share-share naman tayo." Sabi ko.

"K.finneee." Sabay nilang sabi.

Naghanap naman ako nang upuan. May nahanap naman ako which is malapit lang sa window at malapit sa kanila---daddy.

"Suz,you ok?" Sulpot ni Drake.

Yumuko naman ako tapos pumunta na sa table. Ito pa lang naman ang vacant table. Todo yuko naman ako hanggang sa umupo na si Drake sa harapan ko.

"Oi." Drake sabay poke sa cheek ko.

Mayamaya dumating naman sina Alfred at Meljun.

"Nandito na ang ice cream!" Alfred sabay latag sa malaking bowl of ice cream.

"Anyare sayo Suzy?" Meljun.

Kumuha nalang ako nang spoon at kumain nang mabilis sa ice cream.

"Oi, magka brain fre--" drake.

"Arrgghh! Brain freeze!" Sabi ko sabay bitaw sa spoon ko at napahawak sa ulo ko at minasahe ito.

"Sabi ko sayo eh." Drake.

"May lakad ka ba?" Alfred.

Napairap naman ako kay Alfred.

"Ate? Ate maganda! Ikaw nga!"

Napalingon naman kaming apat sa bata--- si Chris. Ngumiti naman ako.

"Ate Ganda! Meant to be pala tayo!" Chris sabay hug sakin.

"Grabe ka naman, nagkita lang ulit-- meant to be agad?" Natatawa kong sabi.

Tumayo naman si Daddy at si Tita Isabel.

"Oh Suzy! Nagkita ulit tayo." Tita.

Tumingin naman ako sa kanila at napairap.

"Sana nga hindi tayo nag kita eh." Mahina kong sabi.

"Ate, may sinasabi ka?" Tanong ni Chris.

Tinignan ko naman ulit si Chris at kinurot ang cheeks niya nang mahina.

"Wala, mukhang aalis na kayo. Sama ka na sa parents mo." Nakangiti kong sabi.

"Ate..galit ka?" Tanong ni Chris.

Fotek! Anong klaseng bata to? Tumawa naman ako--fake laugh.

"Di nuuh! Ang saya ko nga eh! May nanlibre sakin nang ice cream." Sabi ko at tinignan ang mga kasama ko.

"Ate bagay kayo." Chris sabay turo sakin at ni Drake.

"Appir baby boy! Bagay talaga sila no?" Meljun sabay appir kay Chris.

"Uhhmm.. Suzy, mga kaibigan mo?" Tanong ni Daddy.

"Opo." Sagot ko.

"Alagaan niyong maigi si Suzy." Daddy at unang umalis.

"Sam!" Tawag ni tita Isabel tapos humarap ulit samin. "Chris, let's go na." Dagdag niya.

Sumunod naman si Chris tapos na wave siya nang good bye.

"See you soon, ate ganda!" Chris.

Ngumiti lang ako. Nung wala na sila, tahimik kong kinain ang ice cream.

"May naamoy akong kakaiba." Meljun.

Napatingin naman ako kay Meljun tapos kay Alfred na nasa tabi ko lang.

"Ahh." Alfred.

"Maypagka hawig kayo nung lalake. Kamag-anak mo Suz?" Drake.

"Oo nga eh, may angle na magkamukha sila nung tatay." Meljun.

Tumawa naman ako-- awkward.

"I-i don't know him." Sagot ko nalang. "I don't know them." Dagdag ko.

It Started With A ClickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon