Chapter Nineteen

158 12 0
                                    

Elle at the top! Si Jisoo pa yan ng Blackpink! Ang pretty niya talaga no?

Suzy's POV

Matapos ang klase ay na isipan bigla ni Alfred na tumambay sa Park, sila Drake, Meljun, at Elle naman gustong sumama.

"Ohemgee, first time kong gumala!" Elle sabay yugyog kay Alfred at tumili ng tumili sa sobrang excited.

"Woah, ganito siguro epekto kung palaging libro ang kaharap." Meljun.

"Di naman, mahiyain kasi ako. Tapos iba talaga ang na fi-feel ko ngayon, parang gusto ko talagang gumala." 

"Na pasyal mo na ba ang kabuuan ng park, Elle?" Tanong ni Alfred.

Umiling naman si Elle tapos ngumiti. "Hindi pa, pero alam ko ang mga pasulok-sulok dun dahil sa map." Sabi niya.

Naiinip na ako kaya pinatigil ko sila sa pagsatsat. 

"Akala ko ba papasyal tayo? Eh ba't andito pa rin tayo sa school?" Nakataas kilay kong sabi.

"Suz, take a chill pill." Meljun na agad nag back-off nung nag action akong suntukin siya. 

"Oo nga, tama si Suzy. Mag-usap nalang kayo habang naglalakad." Drake habang nag papalit ng SD Card.

With that naglakad na kami patungo sa park since malapit nga ito, lalong-lalo na kung sa shortcut kami dadaan. Shortcut nga diba?

"Alfred, malaki yung park. Anong una nating destinasyon?" Elle habang hawak ang maitim niyang notebook at ballpen.

"Dun tayo sa mini zoo!" Alfred.

Napatigil naman ako sa paglalakad at napatingin ni Drake na tumatawa ngayon, kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kainis 'tong Drake nato!

"Anyare sa inyo uy!" Meljun habang tinitignan kami ng masama pero halatang may halong lito ito.

"Wala, napatigil lang ako kasi naman 'tong si Drake napaka weirdo." Naiinis kong sabi at naunang naglakad. "Tara na!" Sigaw ko sa kanila nung namalayan kong nag-usap usap pa sila.

Nag uusap sila... with matching tawa... uggghh kahiyaaa! Ba't ang daldal ni Drake?! Nakakahiyaaa!

"Hoy Suzy! Ba't di mo sinabi yung nangyari sa inyo ha!" Alfred na may malaking ngisi sa mukha.

Ang sarap niyang sampalin, sampalin sa katotohanang hindi ako makapag share dahil sa family drama namin.

"Hindi naman kasi yun mahalaga." Pagdadahilan ko nalang at nagmadaling umalis. Bahala sila! Maiwan na ang maiwan, sanay naman kasi ako.

"Suzy!" Dinig kong sigaw nilang tatlo at dinig ko rin ang mga steps nila na para bang tumatakbo palapit sakin.

Napahinto ako sa paglalakad nang may humigit sa kamay ko at pinaharap sa kanya, which turns out na si Drake pala na nakangiting tumingin sakin.

"Grabe, ang bilis mong maglakad! Napakabilis."Sabi niya na para bang natatawa at tila hinahanap ang sarili niyang hininga. "Pero kahit ganun, naabutan pa rin kita." Dagdag pa niya.

Bakit ganito?

Napatingin naman ako sa likuran niya at nakita ang tatlo ko pang kasama, na naghahabol din sa kanilang hininga.

"Suz! Huwag ka ngang mang-iwan! Nakakapagod kayang humabol! Pero ok lang!" Meljun at ngumiti.

Oo, nakakapagod talaga, na tila gusto mo nang gumive-up. Pero hindi dapat ito "OK."

"Huwag na huwag mo na ulit yun gawin! Huwag ka ngang umiwas kung nahihiya ka sa nangyari. Nangyari na yun! Di mo na yun magbabago." Alfred.

Lagi nga ba akong umiiwas? Tama si Alfred, nangyari na ang nangyari, wala na akong magagawa. Pero kaya ko namang baguhin ang daloy nito diba?

"Kahit subukan mo pa kaming takasan o unahan, hinding-hindi mo kami maiiwan dahil maabutan ka rin namin no!" Natatawang sabi ni Elle.

Sana nga, maabutan niyo pa ako. Dapat niyo talaga yang gawin, huwag niyo akong iwan.

"Suz?" Drake.

Dun ko na realize, itong apat na kaharap ko. Nahanap ako at muling nilalabas ang nakatagong masayahing ako. Pero hindi yun ganun ka madali, dahil nasaktan na ako. Pero kahit papaano, nakakaramdam ulit ako na para bang may nagbibigay sakin ng importansya.

Napaka swerte ko.

"Hoy!" Alfred sabay snap sa mga fingers niya sa harapan ko. 

Tinignan ko sila isa't-isa at ngumiti.

"Sorry at sorry din dahil pinahirapan ko pa kayo." Nakangiti kong sabi. Ang mga salitang iyon, ibinuhos ko lahat ang nararamdaman ko, wholeheartedly. 

It Started With A ClickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon