Chapter 26

132 13 0
                                    

Drake's POV

Bumaba muli kami papuntang studio habang hawak ang mga snacks na ibinigay ni Tita samin. Nang makapasok na kami sa loob ay agad na tumakbo ang isang staff palapit kay Tita at bumulong.

"Doon muna kayo." Turo ni Meljun sa gilid kung saan may sofa. Tumango naman ang tatlo at umupo na doon.

Bumalik ang atensyon namin kay Tita na mukhang problemado.

"Ma, bakit?" Nag-aalalang tanong ni Meljun kay Tita.

"Nag back-out yung model." Tita at pumunta sa head ng photo shoot.

"Ba't ba ang raming agba-back out?!" Inis na sabi ni Meljun at sinundan si Tita. Tumakbo ako palapit sa kanya at binigyan nang pat sa shoulders niya.

"Kalma ka lang," Sabi ko at ngumiti, "Makakahanap din tayo nang paraan." Dagdag ko at napatingin sa head na halatang naiirita na.

"Ba't ba ngayon pa talaga nangyari?!" Inis na sigaw nito at huminga nang malalim.

"We'll find a way, pero hindi natin pwede e postpone ang shoot," Tita at tumingin-tingin sa paligid. "Kailangan ko ang pictures next week." Dagdag pa nito.

"We need someone na babagay sa theme." Head at napatigil sa pagtingin sa paligid. Iisa lang ang direksyon na nakatingin si Tita at ang head kaya napalingon kami at nalaman na kela Suzy, Elle at Alfred ito nakatingin.

Napatawa naman si Meljun at napapalo sa braso ko na may ngiting nakakaloko, "Eyyy, no way." Sabi nito.

"Ano po yung theme?" Tanong ko pero ngitian lang ako nang head, pero yung atensyon niya nandoon pa rin.

"Perfect!" Sigaw nito at pumalakpak. Tumingin ito sa mga make-up artist at tinuro si...

"T-Teka," Kinakabahan na sabi ni Meljun at humarang sa daanan. "We should ask her first, kung papayag ba siya."

"Ako na ang bahala anak!" Tita at nagmadaling lumapit kela Alfred.

Nagkatinginan muna kami ni Meljun bago tumakbo papunta sa kanila.


Suzy's POV

"Suzy!" Tita. Napatingin naman ako sa likuran niya at nakita ang dalawang magpipinsan na parang natatae.

"Hija," Tawag ni Tita sakin kaya tumayo ako para makaharap ko siya. "Suzy, kailangan namin nang model, pwede bang ikaw muna ang imomodel namin kasi nag backout yung model namin." Biglang sabi ni Tita.

Napanga-nga nalang ako at lumunok.

"W-W-Wala po akong e-exper-experience." Nauutal kong sabi habang napascratch sa leeg ko, heck! Wala akong alam niyaaaan!

Pero ngitian lang ako ni Tita at hinawakan ang kamay ko.

"Suzy, we really need you help." Pagmamakaawa ni Tita.

Napalunok ulit ako at tumingin kela Drake... 


*INSERT SPONGEBOB'S NARRATOR* FEW MOMENTS LATER...


Kakatapos ko lang sa pag ma-make up at nasa gilid lang ako, naghihintay matapos ang set ups chuchu.

"Ganda mo." Bulong ni Elle sakin. Napatawa nalang ako at tinulak siya nang mahina.

"Huwag mo akong lokohin." Sabi ko at tumingin kay Alfred dahil napagtrippan yung buhok ko. "What?!" Iritado kong tanong sa kanya at inalis ang pagkahawak niya sa buhok ko.

It Started With A ClickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon