Chapter Twenty-Five

142 10 0
                                    

Suzy's POV

Kinabukasan...

Nasa cafe kami ngayon ni Elle at Alfred, naghihintay sa dalawang mag pipinsan.

"Anong klaseng store ba yang M&R?" Tanong ko sa kanila pero pinagdidilatan lang nila ako nang mata.

"Suz, taga saang planeta ka ba nakatira?" Alfred sabay iling, tumango naman si Elle bilang pag aagree niya sa sinabi ni Alfred.

"Kaya nga ako nagtatanong hindi ba?" Pagtataray ko sa kanila.

"Famous clothing store yang M&R." Elle.

Napa form ang bibig ko nang 'oh' at dumating na ang dalawa.

"Tara na?" Meljun samin.

Tumayo naman kaming lahat at lumabas sa cafe, nasa harapan namin ang isang Hilux na kotse.

"Pasok kayo." Meljun sabay bukas nito.

"Magkakasya ba tayo niyan?" Tanong ko.

"Si Drake ang mag dri-drive. Sa front seat ka umupo, Suz." Sagot ni Meljun.

Naramdaman ko namang tinulak ako ni Alfred papunta sa front seat kaya hindi na ako pumalag at binuksan ang pinto at pumasok.

Mga ilang minuto ay kumpleto na kami sa sasakyan.

"Parang ang epal naming tignan dito." Natatawang sabi ni Meljun.

"Oo nga, feel kong nag thi-third wheel ako dito." Elle.

Napa chuckle naman si Drake kaya napailing ako.

"Kayo talaga, yang mga pinagiisip niyo." Sabi ko.

"Sa totoo lang, nagugustuhan ko yang mga pinagsasabi nila." Biglang sabi ni Drake.

Nagtilian naman silang tatlo habang si Drake ay nakangiti habang nag dri-drive. Napatakip nalang ako sa tenga ko sa ingay nila.


Drake's POV

Dumating na kami sa main nang M&R at sinalubong kami nang secretary nila Meljun.

"Sir! Thank goodness dumating na po kayo!" Secretary to us habang tumatakbo palapit samin. Napatigil ito at tinignan kaming lahat na tila nagtataka siya. "Ba't and dami niyo?" Tanong nito.

"Ah, mga kaibigan ko. Hindi naman bawal magdala nang kaibigan diba?" Meljun kaya tumango nalang yung secretary nila at sinamahan kami papasok.

Pagdating namin sa studio, maraming tao at magulo.

"Teka Meljun, manager ba yung Mama mo dito?" Tanong ni Alfred habang tumitingin sa palagid, napatawa naman kami ni Meljun.

"Bakit?" Natatawang tanong ni Meljun.

"Magpakilala muna kami para hindi siya magulat na marami kaming dinala mo." Elle.

"Haaay~ kayo talaga, tara na nga. Ipakilala ko kayo." Meljun at lumabas muna kami sa studio kung saan mag pho-photoshoot.

Pumasok kami sa elevator at dinala kami sa pinakamataas na floor.

"Seryoso? Dito ang office nang Mama mo?" Tanong ni Suzy.

"Yep." Sagot naman ni Meljun.

Naglakad kami hanggang sa nasa harapan na namin ang pinto nang office ni Tita.

"Teka, president?!" Gulat na tanong ni Alfred at akmang aalis kaso pinigilan ko.

"Sa'n a pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Dude! Huwag dito! Hindi nga dapat pagtrippan yang president nang business na ito!" Takot na takot niyang sabi.

"Ano ba sa tingin niyo ang gi-" 

Hindi natapos si Suzy sa pagsasalita dahil agad binuksan ni Meljun ang office. Napa gasp nalang si Elle at si Alfred naman napailing.

"Anak! Nandito ka na pala! Sa'n si Drake?" Sigaw ni Tita sa loob.

"A-Anak?" Sabay tanong nang tatlo.

Napa smirk nalang ako at hinarap kami ni Meljun.

"Pasok kayo." Meljun.

Pumasok naman kaming lahat, while sila Suzy, Elle at Alfred ay awkward ang kinikilos.

"Oh? Mga kaibigan niyo?" Tanong ni Tita at lumapit samin.

Nagbeso naman ako kay Tita at ganun din si Meljun.

"Opo Ma." Meljun at lumapit sa kanila.

Siniko niya si Alfred kaya agad itong tumayo nang maayos.

"Uh, ako po si Alfred." 

"Elle po."

"Suzy p--"

"Future girlfriend ni Drake!" Singit ni Meljun.

Napa face palm naman si Suzy at sinamaan nang tingin si Meljun, si Alfred naman at si Elle ay nagpipigil nang tawa.

"Di nga Drake? Hindi ko 'to inexpect ha." Natatawang sabi ni Tita.

"Bakit naman po?" Nalilitong tanong ko.

"E kasi naman, parang hindi ka interesado sa mga babae. Puro lalake yang mga kasama mo." 

Napatawa naman ang apat. Ako naman ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Tita.

"Well, may Talent Fee po ako." Pag cha-change ko sa topic.

"Hay nako! 'tong batang to! Hindi mabiro!" Tita sabay palo nang mahina sa braso ko kaya napatawa nalang ako.

It Started With A ClickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon