Hello Clickers! (Baduy nang tawag ko sa inyo xD) sorry for the very very damn long wait. But dontcha worry, pagmaguupdate ako sa other story ko. (Black hearted Princess; paki support din ^^,) mag uupdate din ako dito! Yun lang!
Read.Vote.and leave a Comment.
---
Suzy's POV
Recess time, paglabas nang paglabas ko sa classroom namin. Nakatitig na yung mga STUPIDyante. Tapos may nalalaman pa silang bulong-bulong eh ang lalakas naman -_-, stupid talaga.
"You heard the news right?"
"Ofcourse! Sayang nga lang."
"Oo nga, hindi natin nakita yung smile ni Suzy."
"I bet she's gorgeous when she smiles."
Nilagpasan ko lang sila nang may sumigaw sa pangalan ko kaya napatigil ako. Nagbulong-bulongan naman yung mga students kaya humarap ako sa kung sino yung tumawag.
"Suzy! Sabay tayo!" Alfred and Drake.
Napakunot naman ako nang noo.
"Kayo nalang. Kung gusto niyong sumabay edi sundan niyo ko." Sabi ko at naunang lumakad papunta cafeteria.
Sumunod naman yung dalawa at parang friends na sila. May patawa-tawa pa kasi silang nalalaman. Pagpasok ko sa cafeteria, biglang tumahimik yung lahat tapos tumingin sakin at sa isa pang door. Which is kakapasok din ni Brent the bully with his gangs.
Napa smirk naman ako at pumila. Akmang pipila sana si Brent nang natapunan siya nang spaghetti.
"Ikaw na namang nerd ka?!" Sigaw niya sa isang new student. Yung nakabungo ko kaninang umaga. Yung nag sabi na bully daw ako?
"Sorry po.sorry po talaga." Nerd habang nakayuko.
"Kainis naman! Pootah!" Brent tapos tumingin sakin. "Mag handa ka mamaya Suzy!" Sigaw niya at umalis.
Di ko lang siya pinansin kaya nag order na ako.
"Ate isang wintermelon milk tea at red velvet cupcake." Sabi ko.
Kumuha naman yung tindera kay naghintay ako.
"Suzy. Maghahanap lang kami ni Drake nang upuan." Alfred na may dalang snacks na.
"Okay."
Grabe ang bilis naman nang tindera nila, nagugutom na ako!
"Ate isang chocolate cake,burger at soda."
Napalingon naman ako at nakita si Patricia--mostly called Pat or patty.
"Pat.." Sabi ko.
Napalingon naman sakin si Pat tapos lumaki yung mata.
"S-suzy."
Ngumiti naman ako at binuksan yung wallet ko tapos binigyan siya nang pera. Nag promise kasi ako na bibilhan ko siya nang dalawang cake.. Kasi hinampas ko sa mukha yung cake niya sa isang flirt.
"Yung promise ko.. Yung dalawang cake. Ikaw nalang ang bumili." Sabi ko at kinuha yung inorder ko na dumating at umalis.
Hinanap ko naman sa crowd kung saan sila Alfred at Drake tapos may biglang umakbay sakin.
"Get your shitty hands off of me." Sabi ko.
"Chillax Miss Innocent Beauty."
Tinignan ko naman kung sino yung umakbay sakin at nakita ko naman yung Melyun? Or Meljun? Basta yung new student na kasabay ni Drake.
"Don't make me mad, whoever you are."
"Meljun.. Meljun's my name. Anyway sinabihan ako ni Alfred na ihahatid kita papunta sa table,NATIN."
"Ahh okey." Wapakels kong sabi.
Ni lead naman ni Meljun yung way at nakita ko na sila.. Sa may sulok. Umupo naman ako sinimulan nang nilantakan yung pagkain.
Napatahimik naman yung cafeteria and nag start muli yung bulong-bulong.
"Ang swerte ni Suzy."
"Oo nga! E paalis mo lang yan si Alfred."
"Duuh! Medyo cute kaya si Alfred."
As always, di ko nalang pinansin kaya nagpatuloy lang ako sa kain. Mayamaya tumawa naman si Meljun which is katabi ko lang.
"Hahaha! Ang cute mong kumain." Sabi niya.
Tumango lang ako at ininom yung Milk tea ko. Ubos na yung cupcake eh, take note: malaki yung cupcake.
"Drake, maypagka snob din pala to.. Katulad mo." Meljun to Drake.
"Shut up Jun." Drake.
Tumawa naman si Alfred.
"Snob si Suzy kung gutom." Alfred.
Muntik naman akong mabulunan kaya tinapakan ko yung paa niya at pinagdidilatan.
"Ow!" Alfred.
"Better shut up." Sabi ko sa kanya at inubos yung milk tea ko. Si Meljun naman tumawa lang.
Nung natapos na kami, lumabas naman kami.. Sa corridor ay nakasalubong namin ang group of witches.. Group nung Lovely.
"O.M.G.. May lahi ka palang malandi.Ms.Bully." Lovely.
Napairap naman ako at tinitigan siya.
"Sorry ka nalang, hindi ako nahahawaan sa malandi genes mo."
"Wow! At may gana ka pang mag talk back sakin!"
"Bakit? Bawal ba? May bibig ako at itong bibig nato ay pagmamay-ari ko. Kung ano ang gusto kong sabihin. Sasabihin ko. Gaya nang MALANDI KA."
Namula naman si Lovely for sure sa galit yan.
"How dare you! Mas malandi ka! Nilalandi mo lang naman ang dalawang heartthrobs sa school nato!"
Napatingin naman ako kay Meljun at Drake na naka poker face lang.
"Ako? Lumalandi? Baka sila.. Sorry ha? Lapitin kasi ako nang mga heartthrobs, para bang may magnet ako." Sabi ko tapos nilagpasan siya.
Sumunod naman si Alfred, yung dalawa nagpaiwan. Nung lumingon ako nakita kong may sinabi si Drake kay Lovely, at ang seryoso nang mukha ni Drake nun.
"Ang lakas mo talaga,Suzy." Alfred.
Bumuntong hininga naman ako at tumigil sa paglalakad. Napahinto din si Alfred at tinignan ako.
"Oh? Problema mo?" Tanong niya.
"Cut muna ako.. Pagod ako eh."
"At saan ka naman mag cu-cut?"
"Basta.. Mahahanap mo lang ako sa park." Sabi ko.
Napa sigh naman siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko tapos tinignan ako sa mata.
"Pagkatapos nang klase, pupuntahan kita.. Kaya huwag kang aalis dun, ok?"
Tumango naman ako tapos umalis na siya. Naglakad naman ako papunta sa Gate B. Nasa likuran lang ito nang school.
Nung dumating ako dun sa Gate B. Hindi lang ako nag-iisa.. Nandun din si Brent at ang groupo niya.
BINABASA MO ANG
It Started With A Click
Novela Juvenil{Status: On Going} Meet Drake,Mahilig kumuha nang litrato hanggang sa nakunan niya nang litrato si Suzy.Mauuwi kaya ito sa pagka in-love-an? or hanggang litrato lang na nagsi-silbing 'HAPPY MEMORIES'? Book Cover Credits to: @enchantel_