Chapter Twenty-Seven

137 10 0
                                    

Lois' Note: Just a short update~ Enjoy reading! Oh, please excuse my typos and grammatical errors since tinype ko agad kung ano ang pumasok sa isipan ko. 

Suzy's POV

Balik eskwela na naman ulit kami ngayon, hindi ako makapaniwala na naofferan ako nang trabaho sa M&R, bale konting gig lang hindi full time.

"Miss model, ano ang iniisip mo?" Biglang sabi ni Elle sabay tusok sa giliran ko.

Sinamaan ko naman siya nang tingin at kinuha na ang earphones ko, to show her that I don't give a fk so she better shut up.

Narinig ko pa siyang bumulong nang 'Sungit.' bago umalis para makipagkwentuhan sa mga iba pa naming kaklase.

Mayamaya naramdaman kong tumabi na si Drake sakin at agad yumuko para matulog. I decided na tumingin ako sa kanya which is...

"What?" Nakangiti niyang tanong sakin.

... definitely a bad move.

"Wala naman." Sagot ko nalang at tumingin nalang sa labas nang bintana.


Kakatapos lang nang morning sessions at paalis na sana kami for lunch nang biglang sumulpot si Brent at marahas na hinila si Elle palabas.

"BRENT!" Sigaw ko at akmang lapitan sila pero hinarap ako ni Brent habang hawak si Elle sa wrist.

"Huwag kang make-alam." Galit niyang sabi at kinaladkad si Elle palabas nang classroom namin.

Halos gulat ang mga kaklase namin sa nasaksihan, hindi na ako nagdalawang-isip na sundan sila at narinig ko pa si Alfred na sumigaw na pabayan muna namin sila.

"Pabayaan?! Baka mapano yun ni Brent! Mukhang galit pa naman yun!" Natataranta kong sabi nang naabutan ako nila.

"Trust me, not this time." Pagpakalma ni Drake sakin.

Napabuntong hininga muna ako at yumuko.

"Alam kong may something sa kanilang dalawa, pero natatakot pa rin ako." Pagamin ko.

Heck, Elle is too precious para saktan lang nang halimawng Brent na yon!

"Eyy~ Di yan, may crush yung tao." Meljun at mahinang itinulak ako.

Napasmirk naman ako at tinulak siya in a playful manner at tumingin kung saan last kong nakita sila Brent at Elle.

"I want him to prove it." Wala sa sarili kong sinabi.

"Grabe, Suz! Wala ka atang tiwala sa pag-ibig!" Pabirong sabi ni Meljun, napatawa naman si Drake sa sinabi niya sabay pamulsa.

"Wala naman talaga akong tiwala sa lintek na pag-ibig na yan, kung mahal mo then show it and prove it." Mariin kong sabi.

Agad naman akong hinawakan ni Alfred sa magkabilang balikat ko at inilayo nang kaonti kela Drake at Meljun.

"Kalma ka lang." Bulong niya sakin.

"May problema ka ba, Suzy?" Biglang tanong ni Drake sakin. He kinda looked pissed.

"Kung may problema man ako, problema ko na yun." Inis kong sabi bago nag walk-out.

"SUZY!" Dinig ko pang sigaw ni Alfred bago ako tuluyang tumakbo palayo.

It Started With A ClickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon