Chapter Nine

390 19 0
                                    

Suzy's POV

Napatigil naman ako sa paglalakad at napatingin kela Brent na naghahanap nang solution sa pagtakas.

"Aheem."

Napalingon naman yung isang ka tropa ni Brent tapos tinapik si Brent para mapatingin sakin.

"Oh?!" Brent.

Tinuro naman ako nung ka tropa ni Brent, kaya napatingin si Brent sakin. Yung una naiinis ito sa kaibigan tapos nung nagtagpo na ang mata namin, ngumiti ito nang masama.

"Nandito ka pala Suzy." Sabi niya at humakbang palapit.

"Ay wala, kaluluwa ko lang to eh." Napa smirk naman ako. "Hanggang ngayon pa ba naman, bobo ka parin?"

Lumapit naman siya sakin, mga mata niya galit na galit.

"Sorry Suzy, ngayon lang to. Kakalimutan muna kita na babae ka." Sabi niya at akmang susuntukin kaso inunahan ko siya nang suntok then kneed him at his stomach.

"Kung susuntok ka, huwag mong I announce! BOBO!" Sigaw ko sa kanya habang siya ay nasa sahig at hawak yung tiyan.

Hinarap ko naman yung mga kaibigan niya.

"ALAYAN NIYO KO!" Sigaw ko sa kanila kaya nag pwesto sila. Inapakan ko naman yung mga likod nila at tumalon na sa wall.

"MAY ARAW KA RIN SUZY!" Dinig kong sigaw ni Brent.

Napangiti nalang ako at tsaka pumara nang taxi papunta sa park. Ilang minuto lang ay dumating na ako sa park.

"Ang saya nila." Mahina at malungkot kong sabi nung napansin ko na halos magpamilya ang nandito sa park.

Aalis sana ako para pupunta dun sa bahay namin ni Papa kaso may naka bunggo akong batang lalake.

"Hala! Sorry." Sabi ko tapos lumuhod para magkapantay na kami. "Ok ka lang?" Tanong ko.

Ngumiti naman yung bata.

"Opo ate!" Hinawakan naman nang bata yung mukha ko. "Ate, bakit ka malungkot?"

Nagulat naman ako sa tanong niya, pero ngumiti pa rin ako tapos tumawa.

"At bakit mo nasabi?"

"Eh kasi Ate, halata sa mata mo eh. Kahit ngi-ngiti ka pa.. Hindi pa rin maiiwasan na malungkot ka talaga."

Bata ba talaga tong kausap ko?!

"Medyo malungkot si Ate eh.. How about bilhan moko nang ice cream, para sasaya si Ate?" Pabiro kong sabi sa bata.

Nag pout naman yung bata.

"Wala akong pera Ate ihh.. Pero gusto ko po talaga kayong bilhan! Ang ganda niyo pa kasi Ate! Para kang angel." Nakangiting sabi nang bata.

Napangiti naman ako. Mahilig kasi ako sa mga bata.

"Gusto mo, ako nalang ang bibili nang ice cream para sating dalawa?"

Nag shook naman siya nang head tapos hinalikan ako sa cheeks.

"Ate Ganda, huwag na po. Kailangan niyo pong mag save!"

Tumawa naman ako at ginulo yung buhok sa bata.

"Chris!"

Napalingon naman kaming dalawa sa tumawag at paglingon ko nakita ko si Tita Isabel.

"Mommy!" Sabi nung bata at tumakbo patungo kay Tita tapos ikinarga.

Nawala naman yung mga ngiti ko sa labi at mas dumilim yung aura ko nung dumating si Daddy at tinawag din siya ni Chris nang daddy. So may anak na pala sila?

"Daddy! I met a very pretty Ate! Look oh!" Chris sabay turo sakin.

Nung napatingin sakin Daddy, nawala yung ngiti niya at bakas sa mga mata niya na malungkot siya.

"Oh, Ate Suzy is always pretty, Chris." Tita Isabel tapos tumingin sakin.

"You know her Mommy?" Chris.

"Yes baby."

Tumingin naman si Chris kay Daddy.

"Daddy! Do you also know Ate Suzy?" Chris.

Ngumiti naman si Daddy kay Chris tapos tumingin sakin na nakangiti rin.

"I know her too well, Chris. She's. very kind,sweet and a very understanding daugther. She's a lovely young lady and also a loving daughter." Sabi ni Daddy habang nakatingin sa mga mata ko.

Pinipigalan ko naman yung mga luha ko. Ayaw kong umiyak sa harapan nang bagong pamilya ni Daddy.

"Ate Suzy.." Bumaba naman si Chris sa kakakarga ni Tita tapos lumapit sakin tapos niyakap. "You're about to cry, why?"

Mahina ko namang ipinalayo si Chris. Tapos ginulo yung buhok.

"Alis na ako Chris ha? Magpakabait ka sa parents mo." With that tumalikod ako at tumulo na ang luha ko.

Ang sakit palang tignan na masaya si Daddy kasama ang bagong pamilya niya. Ang sakit kasi parang feeling ko nabura lang kami ni Mommy sa buhay niya.

Tumakbo naman ako palayo at pumunta sa palaging tambayan ko sa park.. Yung bench na malapit sa garden at lake. Dun ko na binuhos lahat nang pag-iyak ko.

Drake's POV

Saan na kaya yung babaeng yun? Absent kasi kanina. Kahit sa afternoon classes.

"Hoy Drake, kanina ka pa ah! Ano-- ay sino pala yung hinahanap mo?" Meljun.

Nasa corridor kasi kami. Uwian na kasi. Sasagot sana ako nang makita ko si Alfred na tinulak nung troublemaker na si Brent.

Tumakbo naman kami palapit sa kanila tapos tinulangan ni Meljun si Alfred na tumayo tapos ako naman hinarap si Brent.

"Huwag nga kayong sumali!" Sigaw niya.

"Pre, kaibigan namin ang ginugulo mo." Cool ko lang sagot.

"Gag* kasi yan eh! Hindi sinasabi kung saan si Suzy!" Brent habang tinuturo si Alfred.

"Hindi ko nga alam!" Sigaw pabalik ni Alfred.

"Aba tarantado ka ha!" Brent at sumugod kay Alfred pero pinigilan ko siya tapos tinulak nang malakas palayo. "Gago ka ha?!" Brent sabay lapit sakin.

"Mas gago ka." Sabi ko at umalis na.

Sumunod naman sila Meljun at Alfred.

"Salamat pala dun." Alfred habang naka yuko.

"Saan ba kasi si Suzy?" Meljun.

"Oo nga, di mo ba talaga alam?" Tanong ko.

"Alam ko no, pero ayaw ko lang sabihin dun sa Brent na yun." Alfred at inayos yung glasses niya.

"Eh saan ba siya?" Tanong ko.

Si Meljun naman tinignan ako tapos ngumiti nang nakakaloko kaso di ko nalang pinansin.

"Nasa park. Tambayan niya dun eh. Sama kayo?" Alfred.

Sasagot sana ako kaso si Meljun inakbayan bigla kami ni Alfred.

"Oh sureee.." Sagot ni Meljun, still wearing those stupid smile.

It Started With A ClickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon