Suzy's POV
"Seryoso, gusto mo talaga siya?" Pangungulit ni Meljun kay Elle.
Naglalakad na kami patungo sa part nang park kung saan nakahintay si Tita Isabel para isoli si Chris.
"Ano ba! Kanina pa yan!" Elle at pinagpapalo si Meljun sa braso. "Tigilan mo 'ko!" Dagdag pa nito.
"Bad boy pala hilig mo Elle?" Pangaasar ni Alfred.
"Sabi nang tama na!" Inis na inis na sigaw ni Elle sa dalawang feeling bata sa min.
Naghabulan sila nang habulan, at kung madadakip sila ni Elle ay agad itong pinagsusuntok at pagpapalo tapos mangaasar naman ulit.
"Ate Ganda, they look funny." Chris habang karga ni Drake.
Natawa nalang ako at kinurot siya sa cheeks.
"Let them be, happy naman sila." Sabi ko sa kanya.
Pagbaba ko sa kamay ko, agad itong hinawakan ni Drake tapos ngumiti.
"Wow! Para kayong sila Mommy at Daddy!" Biglang sabi ni Chris.
"Sana nga maging katulad kami nang mommy at daddy mo." Drake.
My heart sank. Hindi ko pa rin kaya kung binabanggit si Daddy and Tita Isabel, together.
Binawi ko agad ang kamay ko na hawak-hawak ni Drake.
Tumingin siya sakin tila naghihintay nang sagot ko kung bakit ko iyon ginawa.
"Ako muna ang magkakarga kay Chris." Sabi ko at kinuha si Chris sa mga bisig niya.
"Sure ka? Ako nalang." Tanong niya.
"Hindi, ako na." Sabi ko at nagmamadaling lumakad.
Pagdating namin sa park, nandoon pa rin si Tita Isabel, this time kasama si Daddy.
Agad napatayo si Daddy noong nakita niya ako at si Chris.
"Hello po!" Bati nila Meljun at Elle.
Si Alfred napatahimik. Si Drake nag greet din.
"Daddy!" Chris sabay extend sa arms niya, kaya binigay ko siya kay Daddy. "Buti sinamahan mo si Mommy!" Dagdag pa ni Chris.
Ngitian lang siya ni Daddy at tumingin sakin.
"Kumain na ba kayo?" Tanong niya.
Tumango lang ako at umatras nang kaonti.
"Kakakain lang." Sabi ko at tinignan ang mga kaibigan ko. "Tara na?"
Medyo nalilito naman sila o di kaya'y nagtataka sa kung paano ako umaasta pero tumango rin naman sila.
"Mauna no ho kami." Drake to Daddy at Tita Isabel.
"Salamat." Tita Isabel at tumingin sakin. "Salamat sa ginawa niyo ngayon." Dagdag pa nito.
I gave them a weak smile, napansin siguro ni Alfred dahil siniko niya ako.
"No, gusto lang talaga namin si Chris na makasama." Sabi ko at ngumiti ulit nang plastic.
"Oo nga po! Ang kyut-kyut kaya ni Chris." Elle.
Magsasalita sana si Meljun kaso na interrupt siya sa isang phone call.
"Excuse me lang po." Meljun at lumayo nang kaonti para sagutin ang tawag.
"Nag enjoy po kami nang husto." Alfred, at itunuro si Meljun na maykatawag pa rin. "I'm sure parehas lang kaming nararamdaman." Dagdag nito.
Napakagat labi nalang ako at manatili sanang tahimik. Pero nagulat ako nang inilagay ni Drake ang kanang kamay niya sa kanang balikat ko.
Agad akong napatingin sa kanya only to find out na nakatingin din pala siya sakin tapos tumingin siya kay Daddy.
"I'm sure Suzy enjoyed the bond. Naging masayahin kasi siya ngayon." Drake.
Napatingin ako kay Daddy at Tita Isabel.
"Daddy, ang bagay nila no?" Chris.
Again, binigyan ni Daddy si Chris nang isang ngiti tapos tumingin samin.
"Magka-ano kayo ni Suzy?" Bigla niyang tanong.
"Kaibigan po." Sagot ni Drake.
Tumawa naman si Elle at pinalo si Drake nang mahina sa braso.
"Future lovers na yan!" Kinikilig nitong sambit.
Binigyan ko nang masamang tingin si Elle, at napansin ko ring napa face palm si Alfred. Si Drake naman, ngumiti.
"I hope so." Sabi niya kaya agad ko siyang tinunlak palayo sakin.
"Drake!" Sigaw ko sa kanya.
Nakakahiya, nasa harapan namin si Daddy!
"Bagay naman talaga kayo. Kung magiging kayo man, huwag niyo sanang lokohin ang isa't-isa." Tita Isabel.
Wow ha.
"Sige mauna na kami." Daddy.
When they left tsaka lang lumapit si Meljun samin na tila namomoblema.
"Anyare?" Elle.
"Drake, kailangan ka nila Mama bukas. Nag back-out yung photographer namin e." Meljun to Drake.
"Oyy, pwedeng sumama?" Alfred.
Ngumiti naman si Meljun at nag thumbs up.
"Mas maganda nga kung marami tayo e!" Meljun.
Nagappir naman ang dalawa pero kami ni Elle ay nalilito pa rin.
"Teka, sa'n ba yan?" Tanong ko. Si Elle naman tumatango.
"Sa M&R." Sagot ni Drake.
"Ha? Diba store yun?" Tanong ni Elle.
"Dun tayo sa main building o headquarters." Meljun.
"Ohh~ ok game." Elle.
"Ano sasama ang lahat?" Meljun.
Napa chuckle nalang ako at nag ok sign.
"Of course." Sabi ko.

BINABASA MO ANG
It Started With A Click
Teen Fiction{Status: On Going} Meet Drake,Mahilig kumuha nang litrato hanggang sa nakunan niya nang litrato si Suzy.Mauuwi kaya ito sa pagka in-love-an? or hanggang litrato lang na nagsi-silbing 'HAPPY MEMORIES'? Book Cover Credits to: @enchantel_