Kabanata 5- Nice Reason

5.6K 135 0
                                    

Napabalikwas ako ng bangon nang pagmulat ko ay nasa ibang kwarto ako. Oh my God! nasaan ako? Dali-dali akong napatayo at sakto naman ang pagbukas ng pinto at iniluwa nun si Seniorito Miguel and the fact that he's wearing a boxer's shorts ay parang gusto kong magtago sa ilalim ng kama. Napapanganga ako nan napatingin dito. Sanay naman ako sa na may mga lalaking nakaboxer's shorts sa harapan ko dahil nagkapatrabaho sa ALMMA Resorts pero itong kay Seniorito ay iba dahil kaming dalawa lang and in fact nasa iisang kwarto lang kami. Napayakap ako sa aking sarili.
"Aira, gising ka na pala..kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito. Nanlaki ang mga mata ko. Ohh emmgeeee!! Napatakip akonsa aking bibig. may nangyari na ba sa amin?! oh diyos ko po! Mabilis akong napakapa sa aking sarili. May masakit ba?ngunit kumunot noo na lang ako nang humagalpak ng tawa si Seniorito. Ihh! ang gwapo niya kapag tumatawa siya ng ganyan.
"Wag kang mag-alala Aira. Walang nangyari sa atin kung iyan ang iniisip mo. At saka.." hinagod niya ang kabuuan ko kaya napapalunok ako.
"Hoy! Seniorito, anong tinitingin-tingin niyo diyan?" kagat-labing tanong ko ngunit sa totoo lang ay kinakabahan talaga ako. Sumeryoso ito at saka umiling.
"Wala..wag kang mag-alala walang nangyari sa atin. Hindi naman ako mapagsamantalang tao Aira. Bakit? hindi mo ba naalala ang nangyari sayo kagabi?" wika nito. Ang bait naman pala ni Seniorito kung ganun. Napaisip ako. Nangangatog na naman ang tuhod ko nang maalala ko ang nangyari kagabi. Naninikip ang dibdib ko kagabi at nawalan ako ng malay. Bigla na naman akong sinalakay ng takot. Mabilis na inayos ko ang aking sarili at saka tumingin dito.
"Salamat sa pagtulong niyo Seniorito." wika ko at saka yumuko dito. Nabigla ako sa paghawak nito sa mga kamay ko.
"Okay ka lang ba talaga Aira?..are you sick?" tanong nito na may halong pag-alala sa boses. Napalunok ako at saka umiling.
"Naku ikaw naman Seniorito. Kung anu-ano na yang iniisip niyo. Porke't hindi ako makahinga at nahimatay ay may sakit na kaagad?hindi ba pwedeng napagod lang sa paglilibot sa buong Villa?" nakangiting wika ko. He's just eyeing on me na tila ba tinitimbang kung nagsasabi ako ng totoo. Sinalubong ko naman ang nang-aarok nitong mga mata.
"Ah ganun ba. Palagi ka bang ganyan kapag napapagod ka?" may bahid ng pag-alala na tanong nito. Parang hinaplos ang puso ko sa kaalamang nag-alala ito sa akin.
"Kapag sobrang napapagod lang naman ho. Pero okay naman ho ako." wika ko. Tumango ito.
"Ipa-chek-up mo yan Aira at baka kun ano na iyan. Mabuti na yung maaga pa lang ay alam na natin kung may dinaramdam ka. At saka mabuti na rin yung makasigurado. Sa panahon ngayon, yung mga sakit na akala natin ay simpli lang at hindi pinapansin at hindi naman malala ay siya pang dahilan ng maagang pagkamatay natin. Meron akong kapatid na Doctor. Si Kuya Lorenzo. Makakatulong siya sayo." wika nito. Ang totoo niyan ay kinakabahan ako at natatakot. Alanganing ngumiti ako dito.
"Ay naku Seniorito masyadong kang exaggerated diyan. Hindi naman ako mamatay agad. At saka lahat naman tayo ay uuwi rin sa kamatayan diba?.Ang diyos lang ang may alam ng lahat Seniorito at saka hindi naman ako takot mamatay. Salamat po sa pag-alala ngunit kailangan ko ng umalis dahil siguradong nag-alala na ang Mama ko sa akin kung bakit hindi ako nakauwi." wika ko at saka nagpatiuna na sa may pinto ng kwarto niya.
"Oh sige. Ihahatid kita sa inyo." wika nito kaya nanlalaki ang mga mata kong napahinto at saka agad na lumingon dito.
"P-po?"
"I said, ako na ang maghahatid sayo sa inyo and besides nandito ka ngayon sa bahay ko at baka kung ano ang isipin nila pag may nakakita na dito ka nanggaling. Alam mo ng maraming mga mata dito sa Villa. Ayokong pag-isipan ka nila ng masama. Hintayin mo lang ako sa sala. Magbibihis lang ako." wika nito. Napapanganga ako. Really?! grabe! hindi ako makapaniwala na ganito pala si Seniorito. Sa kabila ng matigas niyang features ay may kabaitan din pala sa puso niya. Napatigil kaming dalawa at nagkatinginan nang may kumatok sa pinto.
"Just wait here." wika nito at saka agad na binuksan ang pinto. Lumabas na rin akonat sumunod dito.
"Hi! good morning hijo!" rinig kong wika ng isang babae at humalik sa binata. Nanlaki ang mga mata ko.
"Ma?.." tila gulat na sambit ni Seniorito. Agad na pumasok si Donya Luisa at napadako ang tingin nito sa akin. Bigla tuloy gusto kong bumalik ng kwarto at magtago. Ano na lang kaya ang iniisip nito na nandito ako sa bahay ng anak niya and knowing that his son is wearing only his boxer's shorts.
"Miguel Joaquin?!" napanguso si Donya Luisa na napatingin sa akin. Ninerbiyos ako sa sitwasyon ko ngayon.
"Ma, it's not what you think!" wika ni Seniorito na napakamot ng ulo. Alanganing ngumiti ako sa Donya.
"Magandang umaga po Donya Luisa. P-pasensiya na po sa abala." bati ko dito at saka yumuko. Ang ikinagulat ko ay ang pagngiti nito sa akin at saka nilapitan ako at hinalikan ako sa pisngi.
"What's your name hija?" malumanay na tanong nito. Napatingin ako rito at bakas sa mukha ko ang pagtataka at hiya.
"A-Aira po..Aira Winneth Belmonte po Donya Luisa." wika ko. Ngumiti ito ng matamis sa akin. Sinipat ko si Seniorito na nakakunot-noong nakatingin sa amin ng ina niya.
"Ma!..ano ba!?..mali ang iniisip mo." sabad nito sa usapan. Pinandilatan siya ng ina niya. Ang cute tignan ni Seniorito. Parang takot siya sa kanyang ina.
"Shut up Miguel Joaquin! I am not talking to you at saka kilala kita. Alam ko ang mga kalokohan mo. Oh by the way Aira hija, saan ka ba pupunta?magtatrabaho ka na?nakabihis ka na kasi." nakangiti pa ring wika ng Ginang. Napatingin ako sa sarili ko. Hindi pa pala ako nakapagbihis. Ito pa yung suot ko kahapon.
"Ahh..papauwi pa po ako Donya Luisa." pakiramdam ko ang pula-pula na ng mukha ko dahil sa hiyang naramdaman dahil kaharap ko ang pinakamayaman at magandang ginang ng buong Sto. Domingo. Agad na lumapit sa akin si Seniorito at saka hinawakan ako sa kamay na ikinabigla ko.
"Ma, she's going home..hinahanap na siya ng Mama niya." wika nito sa ina.
"Bueno, ihatid mo siya sa kanila hijo. At saka mag-iingat ka hija and if you have time, pwede kang bumisita sa akin sa malaking bahay para naman makapagkwentuhan tayo. Alam mo bang sabik ako sa anak na babae?puro lalaki kasi ang mga anak ko. I'm glad kung pupuntahan mo ako sa bahay hija because I like you. Hitsura mo pa lang ay mapagkakatiwalaan na't mabait pa." wika ng Donya. Grabe! hiyang-hiya na talaga ako sa harapan nilang mag-iina. Pakiramdam ko ay pumula na naman ang pisngi ko.
"Ahh Donya Luisa, maraming salamat po sa papuring ibinigay niyo sa akin pero nakakahiya pong pumunta sa inyo gayong matataas kayong uri ng mga tao at hindi nababagay sa isang tulad kong mababang uri sa lipunan." wika ko. Hinawakan nito ang aking kamay at saka ngumiti.
"Hindi binabatayan ang uri mo sa lipunan Hija. Katulad mo rin ako. Galing rin ako sa mahirap na angkan pero nakapag-asawa ng mayamang del Rio kaya wag mong pababain ang sarili mo. Walang mayaman at walang mahirap sa mundong ibabaw hija. Ang importante ay yung kabaitan diyan sa puso mo. Ikararangal kong makilala ka kaya wag mo sana akong tanggihan sa aking imbitasyon." wika nito. Grabe!, hindi ako makapaniwala na sobrang bait pala ni Donya Luisa at hindi mapangmata. Napangiti ako.
"S-sige po Donya Luisa. Makakaasa po kayonat maraming salamat po." wika ko at saka yumuko. Mahirap tanggihan ang isang tulad nito. Masaya ito sa naging pagpayag kong pumunta sa bahay nila. Alam kong may mali siyang iniisip tungkol sa amin ng anak niya pero saka ko na lang sasabihin kong mag-uusap na talaga kami. Umalis na rin ito at saka inihatid ako ni Seniorito sa bahay namin. Wala itong imik sa buong biyahe na paghatid niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nito ngayon pero wala akong pakialam. Huminto kami sa tapat ng bahay.
"Seniorito, maraming salamat sa lahat. Mauna na po ako." wika ko dito at saka bababa na sana nang hawakan nito ang mga kamay ko kaya agad akong napalingon dito. Gusto ko tuloy tumili dahil sa boltaheng naramdaman ko.
"B-bakit Seniorito?" tanong ko.
"Pasensiya ka na sa Mama ko. Masyadong sabik iyon sa babae dahil siya lang ang nag-iisang babae sa pamilya namin." wika nito nhunit hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Ngumiti ako dito.
"Walang anuman Seniorito. Naiintindihan ko. Gusto ko rin naman siya dahil mabait siya at iba siya sa mga mayamang nakilala ko." wika ko. Tumitig ito sa akin kaya hindi ako mapakali.Hays! kung pwede lang mamatay sa kilig ay baka kanina pa ako pinaglalamayan dito.
"Oh sige..ipagpaalam kita sa ina mo baka pagalitan ka dahil hindi ka nakauwi kagabi. Ako na ang bahala sa kanya." wika nito. Nanlaki ang mga mata ko. Sasabihin niya kay Mama na hinimatay ako?oh my god! hindi pwede!
"Noo!!" wika ko.
"Huh?" takang sambit nito.
"Seniorito wag..ayokong mag-alala si Mama sa akin. May sakit siya at ayokong ako ang dahilan ng kalungkutan niya. Ako na ang bahala sa kanya. Salamat sa pag-alala." wika ko. Tumingin lang siya sa akin.
"Okay pero samahan na kita para hindi siya masyadong mag-alala sayo. Don't worry I'm not going to tell her about what had happened last night." wika nito at saka lumabas ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto at saka inalalayan. Wow grabe! feeling prinsesa ako ngayon at inalalayan ako ng aking prince charming..Ilusyunada! napangiwi ako. Napaka-ilusyunada ko talaga. Pagkalabas ko pa lang ay agad na sumalubong ang nag-alala kong ina at niyakap ako.
"Naku Aira!, saan ka ba galing bata ka!, pinag-alala mo ako ng husto. Pumunta na nga ako ng police station para ipa-blotter ang pagkawala mo." wika nito. Kumawala ako sa yakap nito.
"Ma!, wag kang masyadong OA okay?..safe naman ako at walang nangyari sa aking masama. Marami lang kasi akong ginagawa kaya umaga na ako nakauwi." wika ko at saka tumingin kay Seniorito. Seryoso lang itong nakatingin sa amin.
"Bakit hindi ka nagtext anak para hindi ako mamatay sa takot kung napano ka na?" may halong pagtatampong wika ni mama.
"Ma, patawad na pinag-alala kita ng husto. Nakalimutan kong magtext. Pasensiya na talaga. I love you Ma." wika ko. Ngumiti ito. Simpling I love you lang ay agad na mawawala ang tampo ni Mama sa akin. Niyakap niya akong muli.
"I love you too Anak." wika nito at saka kumawala sa yakap ko.
"Ngapala Ma, si Seniorito Miguel po ang naghatid sa akin dito." wika ko at saka hinila ang Seniorito. Nanlaki ang mga mata ni Mama marahil ngayon lang niya ito napansin dahil sa labis na pag-alala sa akin.
"Good morning po Ginang Belmonte." bati ni Seniorito dito.
"Magandang umaga rin Seniorito. Naku pasensiya ka na sa anak ko at ikaw pa ang napiling maghatid sa kanya dito. Pumasok ka muna sa bahay at magkape." wika agad nito. Gusto ko tuloy matawa sa reaksiyon ni Mama.
"Maraming salamat Ginang Belmonte ngunit kailangan ko ng umalis dahil marami pa akong gagawin. Maraming salamat sa pag-imbita." wika nito at saka yumuko.
" Ah ganun ba. Sige Seniorito, maraming salamat sa paghatid mo sa anak ko." Wika ni mama. Ngumiti ang binata at saka bumaling sa akin at saka lumapit sa mukha ko na ikinabigla ko.
"Nice reason Aira. Mauna na ako." bulong nito at saka ngumiti at nagpaalam. Pakiramdam ko ay parang kamatis na ang mukha ko sa sobrang pula. Tinatanaw ko na lang ang papalayo nitong sasakyan at saka papasok na sana ng bahay nang magsalita si Mama.
"Nililigawan ka ba ni Seniorito Anak?" nakangiting tanong ni Mama.
"Ma!" saway ko dito.
"Nagtatanong lang naman." wika nito. Napapailing na lang ako at saka umakyat sa bahay.

She's the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon