EPILOGUE- She's The One

9.8K 230 9
                                    

"Dad..I want to go to Lolo Fanko and Lola Luisa's house..I wanna see them like what Mom had promised me the other day.." wika ng tatlong taong gulang na anak kong si Migara Joneth. Nagkatinginan kami ni Aira. Hanggang ngayon pa rin kasi ay nahihiya pa rin siya kay Papa. Pumantay si Aira sa anak namin. Mag-aapat na taon na kaming ikinasal pero ni minsan ay hindi pa rin sila nagka-usap ng masinsinan ni Papa.

"Okay baby..Mom and Dad will go with you.." malambing na wika ng asawa ko at saka nakangiting tumingin sa akin. Oh how much I love this woman..Masayang pumapalakpak si Migara na may kasama pang paglundag. I held Aira's waist nang tumayo ito at saka hinalikan siya sa labi.

"I love you..and thank you for giving me this wonderful family." wika ko. Hinaplos niya ang mukha ko.

"I love you too and It makes me happy that I see you happy every day..and thank you for making me who I am today.." wika naman nito. Pinitik niya ang ilong ko kaya napatawa ako.

"Is it okay for you na pupunta tayo ng Villa?" naniniguradong tanong ko. Ngumiti ito at saka tumango.

"Hindi na ako natatakot kay Papa..maybe this is the time that we should talk. Medyo nakakabigat kasi ng kalooban na hindi ko pa siya nakakausap eh.." wika nito. I kissed her. Simula nung ikasal kami ay dito kami naninirahan sa Tagaytay..dito ko kasi gustong bumuo ng pamilya.

"Dad! Mom!..you're always kissing in front of me." nakapamaywang na wika ng anak ko. Natawa kami ni Aira.

"Because it's a signed of my love to your Mom baby.." wika ko. She pouted her lips..manang-mana talaga sa ina niya. I carry her at saka kiniliti..

"I love you baby.." wika ko.

"I love you both.." Sabi pa nito. Napangiti kami ni Aira. This is what I want..this is my dream..

Pagkatapos naming naghanda ay agad na kaming bumiyahe patungong Villa at pagdating dun ay agad kaming sinalubong ni Mama at dinala sa malaking bahay.

"It's good to see you both again..kumain muna kayo dahil I'm sure gutom kayo galing sa biyahe.." Masayang wika ni Mama habang iginiya kami sa hapag.. Pagkaupo namin ay siya namang pagpasok ni Papa. Napatigil ito nang makita kami at ganun rin si Aira. Hinawakan ko ang kamay ng asawa ko at saka pinisil.

"Hi Lolo!!!" sigaw ng anak namin at saka tumakbo kay Papa at saka yumakap.

"I really missed you Lolo..c'mon let's eat..I wanna sit beside you." wika ng anak ko at saka hinawakan ang kamay ni Papa. Nakita ko ang paglambot ng mukha ni Papa habang nakatitig sa apo. Napangiti si Mama at nagkatinginan kami ni Aira at saka napangiti na rin.

"I missed you din apo..ang tagal mo kasing bumalik dito sa Villa..gustong-gusto pa naman kitang makita lage.." wika ni Papa. He's fond of my little princess.

"Mom promised me the other day that we will visit you and Lola and so we did.." wika ng anak ko. Napatingin si Papa kay Aira at saka maya-maya pa ay ngumiti.

"S-Salamat Aira..salamat sa pabigay sa amin ng apong mabait.." wika nito. Napangiti si Aira at maging kaming dalawa ni Mama.

"My pleasure Papa..it's my duty to care and love them for the rest of my life..my family are my treasure.." wika ng asawa ko. Nahaplos ni Mama ang kamay ni Aira na halatang proud sa asawa ko. Ngumiti si Papa at saka tumango.

"Patawarin mo ako sa naging kasalanan ko sa inyo ni Miguel..alam kong hindi ganun kadali ang magpatawad pero.." wika nito.

"Papa, hindi mahirap ang magpatawad sa taong marunong tumanggap..at hindi mahirap patawarin ang taong taos-pusong humingi ng tawad..wala na akong pamilya pero nang dahil sa anak niyong si Miguel at apo niyong si Migara at dahil na rin sa inyong lahat dito sa Villa ay nagkaroon ako ng bagong pamilya..binuo niyo ulit ako." madamdaming wika ni Aira. Ngumiti si Papa na para bang maiiyak na.

"Ngayon ko lang nakita na swerte ang anak ko sayo..binago mo ang anak ko Aira." wika nito. Napatawa ako.

"Binago ako ng pagmamahal ko kay Aira Papa." wika ko. Nagkatinginan kami ni Aira and mouthed her I love you..Mabuti na lang natakot din si Papa na iwanan ni Mama kaya nanatili si Mama sa piling niya. Magaan na ang kalooban ko at tunay na saya ang nakamit ko..

"Hi everyone!!" biglang sumulpot si Mateo at saka sunod-sunod na dumalo ang mga kapatid kong sina Kuya Anton kasama ang asawa nitong si Ate Dennise Claire na buntis sa ikalawa nilang anak at ang panganay nilang anak na si Dennis Alejandro. Nandiyan rin si Alonzo..kumunot noo ako nang hindi ko makita si Kuya Lorenzo.

"Nasaan si Kuya Lorenzo?" tanong ko. Hindi pa rin kasi mawawala sa isip ko na hindi pa rin ito nakapag-moved on kay Aira hanggang ngayon.

"I'm here.." at saka iniluwa si Kuya sa pintuan pero lahat kami napatingin dito dahil may kasama itong babae na sa tingin namin ay malapit ng manganak dahil sa laki na ng tiyan. Maganda ang babae at may height din..maputi at saka mahaba ang buhok..mukhang mabait naman. Natahimik kaming lahat. Hindi kasi namin alam mga pangyayari sa buhay ni Kuya Enzo dahil masyado itong ma-sekreto.

"I want you to meet Hyaceth Cuevas..ang ina ng magiging twins ko." Pagpapakilala ni Kuya sa babae. Literal na nalaglag ang mga panga namin at maging si Papa.

"Nag-asawa ka na Lorenzo nang hindi namin alam?" wika ni Papa. Ngumiti si Kuya..yung ngiti na hindi naman talaga umabot sa tainga niya..Umiling ito.

"Nope..I just want to have a baby to complete my life at ito na ang magiging mga anak ko sa sinapupunan niya." wika nito. Hindi kami makapag-salita. Nakita namin ang pagguhit ng sakit sa mga mata sa babae..ano ang ibig sabihin nun?Idinaan ni Hyaceth ang lahat sa pagngiti. Napabuntong-hininga ako at nagkatinginan kami ni Aira. Whatever story behind Kuya Lorenzo's life, I'm sure darating din ang panahon na magiging masaya din siya. Wala naman kaming magagawa kung yan ang gusto niya sa buhay..basta we're happy for him..Naupo na rin sila at saka masaya naming pinagsaluhan ang mga pagkaing nakahanda sa mesa..

Sa lahat ng pinagdaanan namin ni Aira sa buhay ay masasabi kong 'She's the One'..she's my one and only woman..she's my one true love..she's my everything..she's the one for me till eternity.

*******THE END**********

A/N:

Guys Salamat sa pagsubaybay sa kwento ni Miguel Joaquin del Rio at Aira Winneth Belmonte...natapos na rin at susunod na ang kwento ng Kuya Anton Alejandro niya..iibahin ko yung kwento niya kasi gusto kong isulat yung romance-action novel..sana subaybayan niyo pa ako sa susunod na libro ko..

I love you guys!!!

Oh by the way, I just want to say thank you sa pag-comment mo Miss White_nami. I really appreciate it.. sana sa susunod pang mga libro ko ay patuloy ka pa ring mag-comment.

I just want to say thank you sa mga nag-vote at nag-likes lalong-lalo na sina insik2040 and unknowndarna. Maraming salamat talaga.

Salamat din sa mga new followers sa votes, comments and likes from my previous books (The Perfect Personal Maid, When I look Into Your Eyes, Take Me Now at ng You Stole My Heart)..Maraming salamat talaga..God Bless and More Power..

LoveLots,

CristinaTagalogon

She's the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon