Kabanata 9- One Shout

5.4K 123 0
                                    

Ang daming bisita sa malaking bahay at halos kadalagahan ang nakikita ko na mga mayayaman katulad ng mga del Rio ang nakisaya. Nag-umpisa na ang party pagdating namin ni Seniorito Miguel. Humigpit ang hawak niya sa aking mga kamay na tila ba sinasabi nito na everything will be alright. Sa tuwing magdaiti ang mga kamay namin o kahit na saang parte ng katawan naman ay nararamdaman ko yung electric voltages sa katawan ko at hindi ko alam kong bakit.
"Are you okay? You look so nervous sweetie." Wika ni Seniorito habang papalapit na kami sa kinaroroonan ng party. Ang totoo niyan ay kinakabahan ako.
"K-kinakabahan ako..h-hindi ako bagay dito.." wika ko. Napakislot ako nang maramdaman ko ang marahang pagpisil nito sa aking kamay. Hinarap niya ako at he tried me to look at him.
"You're one of a kind and you're beautiful at wag mong sabihin na hindi ka nababagay dito. Look at yourself, iba ka sa kanila at sila ang dapat na kabahan sayo. Don't worry, I'm here." wika nito na pinatatag ang kalooban ko. Tumango ako at saka humugot ng malalim na hininga at saka nagpatuloy kami sa paglalakad patungo sa apat na nagkukumpulang mga lalaki na may kanya-kanyang kopita ng alak. They were so handsome, tall at halatang may lahing banyaga. Nagtawanan ang mga ito at napatigil lang nang lumapit kami sa kanila. Ngumiti ang mga ito ng malawak at saka sinalubong si Seniorito Miguel ng yakap ng mga ito.
"Hey! bro kumusta ka na?!.sobra ka ng busy ngayon ah." wika ng isa na may bigote pero ang gwapo pa rin. Oh wait! sila ba ang del Rio brothers?Oh shucks! ang gu-gwapo nila sa personal!
"Tama ka Kuya Anton. Sobrang busy ko. Medyo matagal din tayong hindi nagkita ah!" wika naman ni Seniorito Miguel sa may bigote. Hinampas siya ng isa pang gwapong lalaki.
"Mukha ngang busy ka na Kuya Miguel ah..busy sa chicks." wika nito at saka kinindatan si Seniorito Miguel.
"Shut up Mateo!" saway ni Miguel dito. Nagkatawanan ang magkapatid.Tumawa na rin si Seniorito Miguel. Umubo ang isang lalaki sa gilid. Ang gwapo rin nito pero mukhang seryoso. Napatingin kami dito.
"I heard, ikaw na ang namahala sa negosyo natin dito sa Villa Miguel. Pasensiya ka na. I know you don't want to manage the business pero wala namang mapapala si Papa sa aming apat." wika nito. Biglang sumeryoso si Seniorito Miguel.
"Oo nga Kuya Lorenzo. I have no choice but to accept the fact na ako na ang mamahala dahil wala ng ibang choice si Papa. Muntikan na nga kaming magsuntukan dahil sa naging desisyon niya. Kung hindi lang dahil kay Mama ay nungka na tatanggapin ko yung pamamahala ng negosyo. You know, it's a big responsibility for me." wika ni Seniorito Miguel. So ito pala yung kapatid niyang doctor na sinasabi niyang Kuya Lorenzo. Tinapik siya ng isa pang lalaking gwapo rin.
"Okay lang yan Kuya Miguel dahil marami ka namang makukuhang chicks dito sa Villa. Knowing you, you're a womanizer." nakangising wika nito.
"Ulol ka talaga Alonzo!.kung hindi mo lang birthday ngayon ay baka nasuntok na kita." kunwa'y inis na wika ni Miguel. Nagkatawanan ang lahat. Nakakatuwa silang tignan na magkapatid. Makikita mo talaga yung malasakit at pagmamahal nila sa isa't-isa.
"Ok chill lang bro." wika nito.
"Happy birthday bunso. Ang birthday gift ko sayo mamaya ko na lang ibibigay." bati ni Miguel dito.
"Thank you Kuya." pasalamat nito.
"By the way Miguel, bakit hindi mo ipakilala sa amin ang kasama mong magandang dilag." singit ng tinatawag ni Seniorito Miguel na Kuya Anton. Napatingin sa akin ang magkapatid. Napalunok ako. Hinawakan ni Seniorito Miguel ang aking kamay.
"Oh I forgot--" pero naputol ang sasabihin sana ni Seniorito Miguel nang lumapit si Donya Luisa sa amin. Agad na napako ang tingin nito sa akin.
"Oh! hija Aira! welcome to the party!.I'm glad that you came." masayang wika ng Ginang at saka niyakap ako. As in! grabe parang gusto ko ng kumaripas ng takbo. Nahihiya ako ng sobra.
"Magandang gabi po Donya Luisa. Kinagagalak ko po ang pag-imbita niyo sa akin." yun lang ang nasabi ko. Kitang-kita ko sa mga mata ni Donya ang kasiyahan.
"By the way hija, gusto kong makilala mo ang mga nagugwapuhang mga anak ko. Mga anak, ito nga pala si Aira Winneth Belmonte. Siya iyong tagasubaybay ng mga trabahador dito sa Villa. Aira, ito si Anton Alejandro, ang panganay ko na isang abogado." pakilala agad nito sa panganay na anak. Ngumiti ako at ganun din si Seniorito Anton at inilahad ang kamay sa akin.
"Nice meeting you beautiful lady. Enjoy the night." wika nito sa akin. Diyos ko ninerbiyos ako sa mga to. Nakakailang kasi na pinapalibutan ka ng mayaman at mga gwapo. Tinanggap ko ang kamay niya at saka ngumiti.
"Thank you and nice meeting you too." wika ko. Nakangisi lang si Donya Luisa habang si Seniorito Miguel ay seryoso lang na nakatingin sa akin.
"Ito naman ang pangalawa kong anak na isang doctor, si Lorenzo Andro." wika ng Donya. Inilahad nito ang kamay sa akin at saka ngumiti. Pansin ko ay siya iyong pinaka-seryoso sa lahat at mahirap tantiyahin ang ugali.
"Nice meeting you Aira." matipid na wika nito. Ngumiti ako at saka kinuha ang kamay niya.
"Nice meeting you too Seniorito Lorenzo." wika ko.
"Bueno, si Miguel Joaquin ang ikatlo kong anak hija. Ito naman si Mateo Manuel, ang ikaapat kong anak na isang tanyag na mang-aawit at manunulat." Wika ni Donya. Yumuko si Seniorito Mateo at saka kinuha ang kamay ko at hinagkan. Ah grabe! feeling ko ay ako iyong prinsesa na pinapakilala sa limang prinsipe at pinapili ako ng gusto kong mapapangasawa. Illusyunada! kinastigo ko ang aking sarili dahil sa naabot ng aking isip.
"Mag-enjoy ka magandang binibini." wika nito pagkatapos mahagkan ang aking kamay. Sinipat ko si Seniorito Miguel. Madilim ang mukha nito na nakatitig sa akin.
"Ito naman ang bunso kong anak hija, si Alonzo Angelo. Isa itong business man at siya ang may birthday ngayon." patuloy na wika ni Donya. Yumuko rin ito at saka hinagkan ako sa kamay.
"Maligayang pagdating binibini." wika nito.
"Salamat Seniorito Alonzo at maligayang kaarawan sa iyo." wika ko. Ngumiti ito ng pilyo.
"Don't get me wrong Aira but I just wanted to ask a question if it's okay to you." pahabol nito.
"Okay lang ho Seniorito.A-ano ho ba yun?" tanong ko. Lumapit ito sa tainga ko at bumulong.
"Girlfriend ka ni Kuya Miguel?" tanong nito. I gasped hard. Pakiramdam ko ang init-init ng mukha ko dahil sa hiya.
"Fuck! what are you doing Alonzo?!" paasik na wika ni Seniorito Miguel at saka mabilis akong inilayo kay Seniorito Alonzo. Nagtawanan ang iba pa nitong mga kapatid.
"Easy bro, masyadong ka namang maka-selos diyan. Hindi naman inaano yang girlfriend." natatawang wika ni Seniorito Anton. Natawa na rin ang Donya. Naramdaman ko ang mahigpit na pagkahawak ni Seniorito Miguel sa baywang ko. Naiilang ako sa aming posisyon at hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko.Pakiramdam ko ay pulang-pula na ng mukha ko sa hiya.
"Shut up Kuya Anton at ikaw Alonzo!, don't you ever touch my girl. Entender?" paasik na wika nito.
"Enough!..hay naku ang mabuti pa ay mag-enjoy na lang kayo sa party. Oh siya hihiramin ko na muna ang bunso ko ha..ikaw na ang bahala kay Aira Miguel. Hija, excuse me sa iyo. Enjoy the party." wika nito. Alanganing ngumiti ako dito. Tumalikod na ito dala ang bunsong anak na si Seniorito Alonzo. Maya-maya pa ay nag-excuse din ang tatlong del Rio brothers na sina Seniorito Anton, Seniorito Lorenzo at Seniorito Mateo para harapin ang mga bisita. Naiwan kaming dalawa ni Seniorito Miguel. Hinila niya ako sa isang table na malapit sa may entablado. Pinaghila niya ako ng upuan para maka-upo. Napaka-gentleman naman ni Seniorito. Kaya siguro ang daming babaeng nahuhumaling dito dahil bukod sa gwapo at mayaman ay mabait pa pwera na lang sa pagiging womanizer nito.
"Just wait here. Ipagkukuha kita ng pagkain." malumanay na wika nito sa akin. Tumango ako at hindi ko maiwasang mapangiti. Napagkamalan pa tuloy kaming magkasintahan ng kapatid nitong si Seniorito Alonzo. Naalala ko pa ang pagbanta nito sa kapatid na hindi ako dapat na hawakan. Feeling ko ang daming butterflies sa tummy ko dahil sa sinabi niyang iyon. It looks like pag-aari niya ako. Feelingera ko talaga!
"Oh sige. Salamat." wika ko at saka tumalikod na ito. Nilibang ko na lang ang aking sarili sa pagtingin sa mga kadalagahang bisita ng mga del Rio. Halatang mayayaman ang mga bisita nila. Mga family friends siguro nila ang mga ito. Hindi ko maiwasang manliit pero naalala ko ang sinabi ni Seniorito Miguel na hindi ako dapat na mahiya dahil wala akong dapat na ikahiya. Napangiti ako. Ilang sandali pa ay bumalik na si Seniorito Miguel sa mesa na may dalang pagkain. Kumain kami at saka pinakiramdaman ko lang ito. Naiilang kasi ako sa tuwing kasama ko siya and the fact that he already kissed me and it's so memorable for me. Why? hindi ko alam. Ganun pala ang pakiramdam ng mahalikan ng isang Seniorito Miguel. Pakiramdam ko pumula na naman ang aking pisngi sa naalala. Pagkatapos naming kumain ay nag-excuse ito. Hindi ko alam kung saan ito nagpunta. Nagsimula ng magbigay ng speech ang birthday celebrant ganun din ang apat na magkakapatid at ang Don at Donya. Pagkatapos nun ay hindi na nakabalik si Seniorito Miguel sa table namin. Naiwan akong mag-isa at gusto ko na tuloy umuwi dahil wala naman akong makakausap dito. Nasaan na kaya si Seniorito Miguel?Gusto ko tuloy maiyak dahil dinala niya ako rito tapos iiwanan lang din pala. Naiinis na ako. Tumayo ako para umuwi na nang tumunog ang sweet music. Naghiyawan ang mga kadalagahan at saka pumunta sa gitna para magsayaw sa kani-kanilang partner. Nakita ko rin ang tatlong del Rio brothers maliban kay Seniorito Miguel at Seniorito Lorenzo at nagsasayaw ang mga ito kasama ang nagagandahang dilag. I should go home. Nasa ikatlong hakbang pa lang ako nang may humawak sa aking baywang kaya nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
"Where are you going sweetie?" halos bulong na wika nito sa akin. Napasinghap ako at pilit na kumawala sa hawak nito pero masyadong itong malakas kaya hindi ako makawala.
"L-let me go Seniorito Miguel.. I want to go home." wika ko at hindi makatingin dito. Kumunot-noo ito. Nararamdaman ko na naman yung init sa katawan ko na hindi ko maipaliwanag at kumakabog na naman ang dibdib ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Napalunok ako. Ang gwapo niya talaga.
"No..you're not going home sweetie. Nag-promise ako sa Mama mo na ihahatid kita sa inyo at wag kang pabayaan." wika nito. Kumunot ang noo ko. So ginawa niya pa akong obligasyon sa lagay na to dahil kay Mama?
"I am not your obligation Seniorito. Gusto ko ng umuwi dahil nababagot na ako dito. Wala naman akong ginagawa dito." wika ko. He made me faced him.
"I said NO. Now, can I have this dance with you?" wika nito at saka binitiwan ako at inilahad ang kamay sa akin. Napanganga ako at napatingin sa paligid. Ang daming kadalagahan ang naiinggit sa akin dahil gusto nilang maisayaw si Seniorito Miguel. Nakita ko rin si Donya Luisa na nakangiting tumingin sa amin kaya tinanggap ko ang kamay ni Seniorito para makipagsayaw dito. Iginiya niya ako sa gitna. His hand is on my waist at ang higpit ng hawak nito sa baywang ko na para bang natatakot ito na mawala ako. Nag-aalangan ako na ilagay ang mga kamay ko sa batok niya ngunit nabigla na naman ako nang kunin niya ang isa kong kamay at inilagay sa batok niya at ang isa ko pang kamay ay pinagsalikop nito sa isa nitong kamay. Nararamdaman ko na naman yung kakaibang emosyon na dumadaloy sa pagkatao ko sa tuwing magdaiti ang mga katawan namin. We're too closed to each other that I can smell his manly-scent. Napapikit ako at saka napakagat-labi. Never in my twenty-eight years na nakipagsayaw ako sa isang lalaki tapos ganito iyong feeling--yung feeling na para kang ordinaryong si Cinderella na isinayaw ng isang mayamang prinsipe. Yung feeling na parang walang ibang tao kundi kayong dalawa lang. Yung feeling na para kang dinuduyan dahil sa sarap ng pakiramdam.
"I am the luckiest guy to dance with the most beautiful lady tonight." Bulong nito sa akin. Napadilat ako at kitang-kita ko sa mga mata nito ang kakaibang emosyon para sa akin. Hinampas ko siya sa balikat at saka idinaan ko sa tawa ang tensiyon na namagitan sa aming dalawa.
"Kaya siguro ang daming babaeng pumapayag na makipagniig sayo dahil sa mga pambobola mo ano?" natatawang wika ko.
"Hindi ako nangbobola ng babae Aira. Everything I said to you is definitely true. Kung marami mang babae na nakipagniig sa akin ay kagustuhan nila ang nangyari. Sila ang may gusto and I'm just giving them what they want." seryosong wika nito.
"Hay naku Seniorito pareho lang din yun. The point is pinagbigyan mo sila and I wasn't there para malaman ko kung ano ang mga sinasabi mo sa kanila." wika ko. Dumilim ang mukha nito.
"Shut up Aira or else I will kiss you right here and right now to make your mouth shut." mahina ngunit mariing wika nito.
"Is that how you threaten your woman Seniorito?" napahagikhik pa ako dahil ang cute lang ng mukha nito kapag iniinis. Ngunit nabigla na lang ako when his lips landed mine. Nanlaki ang mga mata ko and my world stop. I felt those tingly sensation again. Napapikit ako. I savor the moment when his lips brushing my lips. May kakaibang dulot ang mga halik niya sa kaibuturan ng aking pagkatao. He held my waist closer to him na kahit hangin ay hindi makapasok sa pagitan naming dalawa dahil sa sobra naming dikit sa isa't-isa. Nalulunod na ako sa nakakaliyo niyang halik when the realization hit me--I am not capable of doing this. Masasaktan at makasakit lang ako and by that bigla ko siyang itinulak na ikinapagtaka nito. Napatingin ako sa paligid. Oh my God! all of them are watching us! nakakahiya! pakiramdam ko ay ang sama-sama ng ginawa ko. Dahil sa hiya ay tumakbo ako. I felt like crying. Nanlalabo ang paningin ko at narinig ko ang pagtawag ni Seniorito Miguel sa akin pero hindi ako lumingon. I hate him and I hate myself too dahil hinayaan ko siyang gawin ang mga bagay na hindi naman dapat na ginagawa sa akin. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa kukute ko na sa tuwing kaharap ko siya ay tila ba sunod lang ako ng sunod. Sinabi ko na sa sarili ko na hindi ako pwedeng makaramdam ng ganito sa kahit na sinong lalaki dahil hindi pwede!
Napahawak ako sa aking dibdib nang may mabangga akong isang matipunong katawan at muntik na akong mawalan ng balanse kundi lang ako nahawakan ng kung sinong lalaking yun.
"Miss are you okay?" Nag-alalang tanong nito. Tumango ako at saka nag-angat ng ulo.
"Aira?!" mukhang nagulat pa ito nang makita ako.
"S-seniorito Lorenzo..pasensiya ka na." wika ko at saka nagyuko ng ulo. Kinuha nito ang kamay ko kaya napaangat ako ng ulo.
"Why are you running?" Takang tanong nito. Umiling ako.
"Maaari bang ilayo mo ako dito Seniorito Lorenzo?Gusto ko ng umuwi." wika ko. Nakakunot ang noo nito at saka maya-maya pa ay tumango ito.
"Nagpaalam ka na ba kay Miguel o kay Mama na uuwi ka na Aira?" tanong nito habang iginiya ako sa daan na walang tao. Tumingin ako dito at saka umiling.
"H-hindi pa..Pasensiya ka na ngunit maaari mo ba akong ipagpaalam sa kanila?sumama ang pakiramdam ko kaya gusto ko ng umuwi." pagsisinungaling ko ngunit gusto ko ng pumahalayaw ng iyak. Tumango ito.
"Okay..ihahatid na kita sa inyo. Nag-away ba kayo ni Miguel Aira?" tanong nito.
"Pasensiya ka na pero ayaw ko siyang pag-usapan." Wika ko. Nakita ko ang pagkuyom nito ng mga kamay. Maya-maya pa ay hinila niya ako patungong sasakyan at saka lumayo sa lugar na iyon. Ewan ko ba kung bakit naging magaan ang loob ko kay Seniorito Lorenzo?Siguro ay dahil mabait ito at sa limang magkakapatiday napansin kong ito lang ang medyo tahimik at mapagmasid sa paligid pero kapag nakilala mo naman ng husto ay makikita mo iyong tunay niyang pagkatao. Nabigla ako ng inihinto nito ang sasakyan sa kalsadang tulay. Ito ang pinakamahabang tulay ng Sto.Domingo. Hinila niya ako at dinala sa gitna. Kunot na kunot ang noo ko sa ginawa nito.
"A-anong ginagawa natin dito?" hindi makatiis na tanong ko. Tumingin ito sa akin ng seryoso.
"Shout your feelings here. Sumigaw ka para gumaan ang pakiramdam mo dahil nang una palang kitang nakita kanina ay napansin ko na kaagad ang lungkot sa mga mata mo. C'mon Aira! sumigaw ka para maibsan iyang lungkot mo!" wika nito. Napanganga ako. Hindi ko akalain na agad niyang napansin ang kalungkutan na tinatago ko. Sabagay doctor siya at siguro mas nangingibaw ang lungkot sa mga mata ko kaya aga niyang napansin. Hindi ko akalain na dito niya ako dadalhin.
"Hey Aira! C'mon let's shout!" wika nito na parang bata. Natawa ako sa reaksiyon niya and I did what he said. I shout dahil masyadong malalim na ang gabi at wala ng tao sa daan kaya hindi ako maka-disturbo. Sinabayan niya akong sumigaw at kahit hindi man lubusang nawawala yung dinaramdam ko atleast gumaan naman. Tumawa ako ng husto. Hindi ko akalain na ganitong ugali pala si Seniorito Miguel and thanks to him because he lighten me up. Pagkatapos ay nag-usap kami and I really admire him a lot dahil sa pagiging good conversionalist nito. Inihatid niya ako sa bahay na may nakapaskil na ngiti sa mga labi kahit na naiisip ko pa rin si Seniorito Miguel at ang mga halik niya sa akin.

She's the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon