Kabanata 10-One Jealous Guy

5.3K 139 1
                                    

"Where have you been last night Miguel after the kissing scene you've done?" nakakalokong tanong ni Kuya Anton. Napakuyom ako. Hinabol ko si Aira kagabi to say sorry pero hinarang ako ni Nathalie--one of my flings kaya hindi ko na alam kung saan ito tumakbo. Nag-aalala ako kung nakauwi ba itong ligtas kagabi. Nangako ako kay Tita na hindi ko pababayaan ang anak niya. Baka nagalit na si Tita sa akin dahil hindi ko nahatid ang anak niya.

"Kailangan kong pumunta sa kanila para siguraduhing nakauwi ba ito kagabi." wika ko. Nagkatinginan ang mga kapatid ko. Kasalukuyan kaming nasa malaking bahay nagtitipon.

"Saan ka ba kasi nanggaling kagabi?" seryosong tanong ni Kuya Lorenzo. Napailing ako.

"It's none of your business Kuya Enzo. Basta kailangan ko siyang puntahan." wika ko. Dumilim ang mukha nito at saka maya-maya pa ay kumalma rin.

"Wag kang mag-alala nakauwi na siyang safe kagabi kaya hindi mo na siya kailangang puntahan pa." mahinahong wika nito. Kumunot ang noo ko na nakatitig dito.

"W-what?" sambit ko.

"Tumigil ka sa pagiging childish mo Miguel. You're already thirty-three years old but sometimes you act like a child. Kung maka-react ka naman akala mo girlfriend mo yung babae. " wika ni Kuya Enzo. Naningkit ang mga mata ko sa sinabi nito. Ewan ko kung bakit ako nagagalit sa sinabi nito na hindi ko girlfriend si Aira at kahit saang banda ay wala akong karapatan na umakto ng ganito.

"Ano?!hindi mo pala girlfriend si Aira kuya Miguel?" tanong ni Mateo. Pinandilatan ko siya. Pumapalakpak naman si Alonzo.

"Kung ganun ay may chance pa ako sa kanya coz I really like her." wika nito. Lalo lang akong naiinis kaya napakuyom ako ng mga palad.
"Shut up Alonzo kundi makakatikim ka sa akin." banta ko sa aking kapatid.
"Tumigil na nga kayo!.ikaw Miguel Joaquin, wag kang masyadong OA kung mag-react..E, hindi mo naman pala girlfriend yung babae." awat ni Kuya Anton. Nagpipigil lang talaga ako sa sarili. Hindi ko alam kung ano ang ikinaiinis ko ng sobra. Tumayo si Kuya Lorenzo.
"Don't worry, she's safe. Inihatid ko siya kagabi." mahinahong wika nito at saka tumalikod. My mouth was a little bit parted.
"W-what!?" hindi makapaniwalang wika ko. Paano nangyaring si Kuya Enzo ang naghatid kay Aira?Nabigla ako nang tinapik ako ni Mateo sa balikat.
"Yun naman pala E di safe na si Aira kaya wala ka ng dapat na ipag-alala. Excuse me." wika nito at umalis rin. Napahugot ako ng malalim na hininga.
"Mukhang natablan ka kay Aira Kuya Ah!" wika ni Alonzo at kumindat sa akin at saka natatawang iniwanan din kami. Napatingin ako kay Kuya Anton na nakatitig sa akin.
"What!?pati ba naman ikaw ay aawayin ko rin ba ako?" paasik na wika ko.
"You know what?, I like Aira nung una ko pa lang siyang nakita. Siya iyong tipo ng babae na kung ano ang nakikita mo sa kanya sa panlabas ay yun talaga siya. Nakita ko nga rin ang lungkot sa mga mata niya." wika nito. Hindi lang pala ako ang nakapansin sa kalungkutan na meron sa mga mata ni Aira.
"She's so naive Kuya. Napaka-inosente niya." wika ko. Ngumisi ito.
"And you like fucking innocent woman, right?..ang tawag diyan ay Lust. Pinagnanasaan mo lang si Aira dahil bukod sa maganda na ay inosente pa and knowing you, you're a maniac." natatawang wika nito. Hinampas ko ito.
"Ulol ka talaga!.hindi ka matinong kausap. Diyan ka na nga!" wika ko at saka umalis. Pupunta na lang ako sa niyugan baka sakaling nagtrabaho ngayon si Aira. Kailangan ko siyang maka-usap para humingi ako ng tawad sa ginawa ko kagabi sa kanya. Agad akong nagpunta sa may kwadra ng kabayo at inilabas si Argos--ang aking itim na kabayo. Agad akong sumampa dito at saka pinatakbo ito patungong niyugan ngunit napatigil ako nang makita ko sa di kalayuan si Aira na nangabayo rin ngunit hindi ito nag-iisa. Nalaglag ang panga ko nang makilala ang kasama ni Aira--si Kuya Lorenzo. Nagkatawanan sila. Ngayon ko lang nakita na tumatawa ng husto si Aira and Fuck hindi ko matanggap na si kuya Lorenzo ang nagpapatawa sa kanya. Napahigpit ang hawak ko sa lubid ng kabayo at saka hinampas ng mariin ang puwet ni Argos kaya kumaripas ito ng takbo patungo sa kanila. Marahil nabigla ang kabayo ko kaya pinunterya ang kinaroroonan ni Aira at dahil sa kabiglaan ay hindi ko makontrol ang kabayo ko at huli na nang binunggo ng kabayo ko ang sinasakyang kabayo ni Aira at napalundag iyon dahilan para mahulog si Aira.
"Airrraaa!!" nanlaki ang mga mata ko at napasigaw. Oh fuck! what have I done?
"Aira!!" sigaw rin ni Kuya Lorenzo at mabilis na bumaba sa kabayo at dinaluhan si Aira. Nagmamadali rin akong bumaba at lumapit sa dalaga na ngayon ay nakakandong na kay Kuya Lorenzo. I hate him!
"Aira!" sambit ko sa pangalan niya. Nakita ko ang galos niya. Tumingin ito sa akin na namilipit sa sakit marahil sa galos na natamo. Oh my God! I hate myself of doing that! Kasalanan ko. Pilit ko siyang kuhanin mula kay Kuya Lorenzo ngunit madilim ang mukha nitong nakatingin sa akin.
"What did you do to her!?! fuck you!! get out!!" galit na wika nito. Tumaas-baba ang dibdib ko dahil sa inis. Gusto kong suntukin si Kuya. Bakit pa ba ito umeksena sa amin ni Aira?!
"I-ilayo mo ako d-dito..S-Seniorito L-lorenzo." wika ni Aira sa mahinang boses. Oh shit! it's killing me when I saw her like this at kagagawan ko ang lahat. Tumango si Kuya Lorenzo at pinangko si Aira at isinakay sa kabayo at walang lingod-likod na iniwan ako. Sobra akong nag-alala para kay Aira. Imbes na gusto kong mag-sorry dito ay nadagdagan na naman ang kasalanan ko sa kanya. Lugo-lugong bumalik ako sa kabayo at sinundan sila. Bahala na pero kailangan kong malaman kung okay lang ba si Aira. Hindi ko maatim na hayaan na lang siya kay Kuya Lorenzo. Hihingi ako ng tawad sa dalaga dahil sa ginawa ko. Fuck to my brother Lorenzo! dahil sa kanya kaya ko nagawa iyon! shit! Naiinis ako ng sobra na nag-alala sa dalaga. Nakita kong dinala ni Kuya si Aira sa clinic nito sa Villa kaya agad akong lumapit sa clinic at saka agad na bumaba ng kabayo at agad na pumasok sa loob. Inilagay niya si Aira sa kama ng maliit na room sa clinic ni Kuya. Iniirapan lang ako ng kapatid ko habang ako ay labis na nag-alala para sa dalaga.
"Miguel!, umalis ka na muna.." wika ni Kuya. Napakuyom ako at saka mariin siyang tinitigan.
"Hindi ako aalis dito hanggat hindi ko nasisigurado na okay lang si Aira!" Mariing wika ko. Konti na lang talaga at sasabog na ako sa sobrang inis.
"Miguel, please lang..wag ka munang magmatigas ng ulo..hindi ka gustong makita ni Aira sa ngayon." mahinahong wika nito at saka kumuha ng bulak at kung anu-ano pang gamot para kay Aira. Naningkit ang mga mata ko.
"At sino ang gusto niyang makita Kuya?! ikaw!?..bullshit! napaka mo talaga!.bakit ba bigla ka na lang umeksena sa buhay ko?gago ka!" I don't care kung anu-anong mga salita ang lumabas sa bibig ko. Nagagalit ako dahil kay Kuya. Kung hindi lang ito umeksena ay hindi sana ako nagagalit na siyang dahilan ng pagka-aksidente ni Aira. Halatang nagpipigil lang si Kuya sa akin.
"Huminahon ka nga Miguel Joaquin!.baka nakalimutan mo na ikaw ang dahilan ng pagkalaglag ni Aira sa kabayo kaya wag na wag mo akong ma-gago-gago ha!" nagtitimping wika ni Kuya.
"At ikaw ang dahilan kung bakit inis na inis ako dahilan ng pagkalaglag ni Aira sa kabayo!" inis pa ring wika ko.
"Because you we're jealous, right?" mahinahong wika nito. Napatigil ako. Am I jealous?



**************************

"Because you we're jealous, right?" Narinig kong wika ni Seniorito Lorenzo. Nasa labas lang sila ng maliit na kwarto sa clinic pero rinig na rinig ko ang pag-uusap ng magkapatid. Rinig ko kung gaano kagalit si Seniorito Miguel sa Kuya nito. Napapailing na lang ako. Muntikan na yun kanina ah. Muntikan na naman akong atakihin sa paghinga mabuti na lang at hindi masama ang pagkalaglag ko. Ano ba kasi ang nakain ni Seniorito Miguel at nagawa niya iyon sa akin?ano ba talaga ang ikinagagalit nito at nagawa niya iyon?
"The hell you care Kuya Enzo!!.kapatid lang kita kaya wala kang pakialam sa kung ano ang dapat na maramdaman ko!" rinig kong sigaw ni Seniorito Miguel.
"Ikaw na rin ang nagsabi na kapatid mo ako kaya alam ko ang kilos at galaw mo at sa nakikita ko ay sobra kang nagseselos. Dahan-dahan lang Miguel, hindi mo pa girlfriend si Aira kaya wag kang masyadong OA diyan." wika ni Seniorito Lorenzo. Napapikit ako at sa napalunok at maya-maya pa ay napakagat-labi. Naramdaman kong pumasok si Seniorito Lorenzo at agad akong nilapitan. Nagmulat ako ng mata. Ngumiti ito nang mapatingin sa akin.
"Ano pa ba ang masakit sayo?" tanong nito. Napangiti na rin ako.
"Itong mga galos ko lang ang masakit at saka..salamat nga pala." wika ko. Kumuha ito ng konting bulak at saka nilagyan ng kung anong likido at saka ipinahid sa mga galos ko.
"Aira, wag kang magpasalamat dahil doctor ako at may puso. Tumutulong ako sa mga taong nangangailangan ng tulong. Pasensiya ka na sa nagawa ng kapatid ko sayo. Ewan ko ba kung ano ang nakain ni Miguel kung bakit niya iyon nagawa kanina." wika nito at saka napapailing. Mabait na tao si Seniorito Lorenzo. Nagpipigil talaga ito na masaktan ng pisikal ang kapatid dahil sa ginawa kahit na makikita mo na gustong-gusto na niya talagang patulan ang kawalang sense na ginawa ng nakakabatang kapatid.
"Ouch!" daing ko nang mapadiin nito ang pagpahid sa galos ko.
"Ow sorry.." hingi nito ng paumanhin.
"It's okay..nga pala, n-nasaan na siya?" na ang tinutukoy ay si Seniorito Miguel. Napaangat ito ng tingin at napakunot-noo.
"Sino?si Miguel?" naniniguradong tanong nito. Kahit nahihiya ay tumango ako. Baka kasi kung ano pa ang iisipin nito sa akin. Ngumiti ito.
"Umalis na. Matigas talaga ang ulo ng kapatid ko na yun. Iba rin ang trip. Pero bilib rin naman ako dun dahil kahit na ganun siya ay may itinatagong kabaitan din sa puso yun. Yun nga lang minsan may pagka-childish." natatawang wika nito at saka nagpatuloy sa ginagawa. May ganun pa lang ugali si Seniorito Miguel. Minsan kasi ay hindi ko ito maintindihan.
"O-okay lang ba siya?" tanong ko ulit. Huminto na naman ito at saka bumuntong-hininga. Ang gwapo talaga ni Seniorito Lorenzo. Nakuha nito ang features ng ama na may lahing banyaga. Kuhang-kuha talaga nito ang tindig ng ama yun nga lang ay mabait si Seniorito Lorenzo kumpara sa ama nito.
"Sa tingin ko..hindi." wika nito sa malungkot na boses. Ako naman ang napakunot-noo. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko sa hindi malamang kadahilanan o baka kinakabahan lang ako.
"B-bakit hindi Seniorito?" tanong ko. Tumitig ito sa akin kaya naiilang ako.
"Kahit anong deny niya sa akin ay nakikita ko sa mga ikinikilos niya at sa mga mata niya ang kanyang tunay na nararamdaman..he's jealous Aira." wika nito.
"P-po?sino po ang pinagselosan niya?" takang-tanong ko.
"He's jealous of me because of you." mahinahong wika nito. Nalaglag ang panga ko sa narinig. Nagseselos si Seniorito Miguel kay Seniorito Lorenzo nang dahil sa akin?bakit?

She's the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon