Kabanata 20- Sick and Dying

4.8K 102 0
                                    

Isang buwan nang naging kami ni Miguel at pakiramdam ko ay unti-unti ng naging malapit ang loob ko sa kanya. Yan na nga ba ang sinasabi ko nung una pa lang eh pero sinuway ko ang aking sarili. Natatakot na ako na dumating yung panahon na kinakatakutan ko--ang magmahal. Unti-unti na kasi akong nalulunod sa presensiya niya, mga pag-alaga niya at higit sa lahat yung mga panahon na pinapasaya niya ako kahit sandali lang.

"Aira..may naghahanap sayo." naputol ang pag-iisip ko nang lumapit sa akin si Sister Dhalia. Nginitian ko ang madre.

"Sige po Sister..susunod lang po ako. Salamat." mahinahong wika ko. Tumango ang madre at saka iniwan ako. Napabuntong-hininga ako at saka pumunta sa visitor's lounge at hindi ko inaasahan ang maging bisita ko.

"So dito ka pala naninirahan ngayon Miss Belmonte. Hindi mo lang ba ako babatiin?" mataas ang noong wika nito. Bigla akong sinalakay ng kaba. Anong ginagawa niya rito?Sa pagkakaalam ko ay bihira lang ang isang tulad nito na tumungtong sa ganitong klase ng lugar.

"M-Magandang araw po Don Fanko..ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?" kinakabahang wika ko. Madilim ang aura nito kaya natatakot ako sa kanya.

"Bueno, hindi na ako magpaligoy-ligoy pa Miss Belmonte.. Ikaw ang sadya ko rito." Paanas na wika nito. Napakurap ako sa sinabi nito. Bakit ba talaga siya pumunta rito?

"Then, what was it Don Franko?" tanong ko trying to be professional at him. Pinakatitigan niya ako na tila ba kinikilatis. Natatakot ako sa paraan ng pagtitig niya.

"It's about my son Miguel Joaquin..hindi natuloy ang kasal niya kay Nathalie dahil umurong na rin ang panig ng huli dahil sa bali-balitang ikakasal na kayong dalawa ng anak ko.." wika nito. Matalim ang mga tingin na ipinukol niya sa akin. Napalunok ako. Hindi ko alam ang balitang iyon pero posible kayang si Miguel ang may pakana ng balita para hindi matuloy ang kasal niya kay Nathalie? Kumakabog ng husto ng dibdib ko sa nalaman. Hindi ako makapagsalita. Nanatili lang nakatikom ang bibig ko.

"My point is...hindi kita gusto para sa anak ko Miss Belmonte. You're not enough for him and besides hindi ka kabilang sa alta-sosyedad na kinabibilangan namin. You know what?I do not believe in fairytale na ang prinsipe ay makakapangasawa ng isang ordinaryong babae o isang mahirap na babae because they're just a story, a fiction that every damn woman dreams of..Layuan mo ang anak ko. I will pay your amount Miss Belmonte." mariing wika nito. Napakuyom ako. Nasaktan ako sa sinabi niya. Mahirap lang ako pero hindi ako ang klase ng taong nabibili ng pera. Gusto ko ng maiyak pero pinipigilan ko lang dahil ayokong magmukhang talunan sa harap niya.

"I'm sorry to hear that Don Franko pero hindi ako nabibili ng pera mo. Hindi ko lalayuan ang anak mo. So what now kung hindi ka naniniwala sa fairytale?hindi rin naman ako naniniwala sa mga ganyan Don Franko because I just believe one thing and that is what God intend us to be. Hindi ka Diyos Don Franko na kaya mong pasunurin lahat dahil sa pera mo. Baka nakakalimutan mong kung hindi dahil sa mga mahihirap na tulad namin ay hindi ka magiging ganyan kayaman." matapang na wika ko. Hindi dapat ako matakot sa kanya dahil pareho lang kaming tao at pantay-pantay ang mga karapatan namin kahit na gaano pa siya kayaman. Napakuyom ito.

"Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo Miss Belmonte kaya lalo lang kitang hindi nagustuhan para sa anak ko." Nang-uuyam na wika nito. Napatawa ako ng pakla.

"Paumanhin Don Franko but I was just expressing the fact at saka wala akong pakialam kung hindi mo ako nagustuhan para sa anak mo dahil hindi naman ikaw siya." wika ko. Alam kong mali na pagsalitaan ko ng ganyan ang Papa ni Miguel lalo na't matanda na ito pero gusto ko lang iparating na mali ang ginagawa niya. Hindi lahat ng tao ay mapapasunod niya.

"Umuwi na si Samantha..ang long time girlfriend ng anak ko and she's coming back because of their wedding at kapag nalaman ni Miguel na bumalik na ang childhood sweetheart niya at papipiliin siya sa inyong dalawa, I'm sure he's gonna choose Samantha over you kaya kung ako sayo ay layuan mo na ang anak ko dahil masasaktan ka lang. I can give you money Miss Belmonte para layuan ang anak ko at para hindi ka masaktan." mariing wika nito. Napabuga ako ng hangin. Ang taas lang ng tingin niya sa sarili niya kahit na matanda na siya. Pero nasasaktan ako at aaminin ko yun. Ikakasal na pala si Miguel.

She's the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon