Author's Note

3.5K 68 4
                                    

Hi Guys!

Whooo! grabe, hindi ko mapigilan na maging emotional when it comes to that song of Air Supply entitled: I want to give it all. I remembered my husband that time when he's still courting me while he has a girlfriend. Ayoko kasi ng complicated eh..kaso ganun yata talaga kapag mahal mo ang isang tao, kahit ano at kahit sino ay handa mong harapin lahat. Naalala ko pa ang sinabi ko noon sa husband ko na "bumalik ka kung saan ka nanggaling at kung sino ang nagmamay-ari sayo. I want to live peaceful at ayoko ng gulo. Wag mo ng ituloy kung ano ang binabalak mo dahil sobra na akong nasasaktan." pagmamakaawa ko sa kanya noon. Nasasaktan na kasi ako sa mga paratang ng mga katrabaho ko at ng ibang department dahil nga ke-bago bago ko pa raw tapos inaagaw ko raw ang lalaki which is not true. Sikat kasi yung husband ko sa kompanya na tinatrabahuan ko. Umabot pa sa point na wala na akong kaibigan tapos ang layo pa ng pamilya ko kaya wala akong mahihingan ng tulong. Ang bata-bata ko pa kasi noon. I was twenty-one back then and then he's turning thirty that time. First job ko kasi yun tapos iisang department lang kami sa Engineering tapos yung girlfriend niya nasa ibang department. Naalala ko yung isinagot niya sa akin.

"Hindi na ako babalik dun..Ayokong bumalik sa kanya dahil kung babalik ako ay para na ring winasak ko ang sarili kong pagkatao..Don't give up on me please..kaya kitang ipaglaban." sabi niya noon habang umiiyak. Bigla akong naawa sa kanya at naiyak ako noon kaya bumuo ako ng desisyon na ipaglaban ko rin dapat kung ano ang nararamdaman ko kahit ano pa ang sabihin ng mga tao at kahit mawalan pa ako ng kaibigan which is hindi ko naman pinagsisihan hanggang ngayon. Kinanta niya ang "I Want To Give It All" habang umiiyak siya kaya naiyak na tin ako para raw mawawala yung agam-agam sa puso ko. Natatakot kasi ako nun dahil playboy kasi dati yung husbang ko at baka paglaruan lang din niya ako tulad ng ibang babaeng dumaan sa buhay niya at saka natatakot din ako dahil baka hindi ako tatanggapin ng pamilya niya dahil mayaman sila tapos ako ay isang hamak na mahirap lang. Nakipaghiwalay siya sa long time girlfriend niya at nililigawan niya ako and after one year ay nagpropose kaagad siya sa akin at sinuportahan din naman siya ng pamilya niya. Akala ko nga rin noon ay hindi kami magtatapos sa kung ano kami ngayon. I'm completely happy right now at hindi nawawala ang awit na yan sa buhay namin.

Share ko lang po guys...

Nakakarelate kasi ako sa mga romance love stories dahil naranasan ko ang masaktan at bumangon at lumaban. I hope kayo rin ay maranasan niyo. Si God lang naman ang may alam ng lahat.

Abangan po natin guys yung susunod na chapters nitong story ko.

LoveLots,

CristinaTagalogon

She's the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon