Kabanata 14- Making Me Happy

5.2K 121 0
                                    

"Papa, pinapatawag niyo raw ho ako." Walang emosyong wika ko pagdating sa office niya. Bigla niya akong pinatawag for unknown reason. Tumayo ito at pinakatitigan ako.

"Sit down Miguel because I'm sure you're going to hate our topic this time. Gusto kong maging handa ka." matiim na wika nito at saka nagpalakad-lakad. Napailing na lang ako na umupo.

"If this is about the bus--" pero hindi ko na natuloy ang sasabahin ko ng pinutol niya agad ako.

"Nathalie's pregnant so shut up your dirty mouth Miguel!" napasigaw na wika ni Papa na madilim ang anyong nakatingin sa akin. My jaw dropped for a moment.

"W-what?!" hindi makapaniwalang sambit ko. He stopped and looked at me murderously.

"Don't act as if you have no affair Miguel Joaquin!.wala ka na talagang magandang ginawa sa buhay mo at palagi mo na lang akong binibigyan ng sakit ng ulo!" galit na wika nito at halos lalabas na ang litid nito dahil sa sobrang galit sa akin. Napahilamos ako ng mukha na parang hindi makapaniwala.

"Papa, maybe she's just joking..bakit kayo nagpapaniwala sa kanya?" wika ko na hindi mapalagay. Nagsalubong ang kilay nito na huminto at pinakatitigan ako.

"She's just joking?!..are you out of your mind?ang isang tulad niya ay magbibiro sa akin ng ganito?!..her father talked me a while ago at sinabing umiiyak ang anak niya nang malaman niyang buntis ito!" wika nito.

"And he believed her?paano siya nakakasiguro na ang ipinagbubuntis ng anak niya ay akin where in fact ay hindi lang naman ako ang boyfriend ng babaeng yun? or maybe you're just setting me up para makumbinse ko ang ama niya na ibenta ang malawak nilang lupain sa atin!" hindi napigilang wika ko. Nagdilim ang anyo ni Papa at saka naningkit ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

"You have to marry her wether you like it or not Miguel!..ayaw kong mapahiya ang angkan natin dahil sa kagagawan mo!" galit na wika nito. Napanganga ako at saka nagsalubong ang aking mga kilay. How could he say that? Minamanipula na nga niya ang buhay ko pati ba naman sa babaeng papakasalan ko at makasama ko habang buhay ay siya pa rin ang magdedesisyon? Ano ba talaga ang tingin niya sa akin?isang puppet?

"The hell no Papa!..I won't marry her because I don't love her!..ayokong maging miserably ang buhay ko kapag nagpakasal ako sa kanya!" pagtutol ko sa desisyon niya at saka napatayo at sinalubong ang galit niya. Hindi pwede...I'd rather become single for all of my life than to marry a woman whom I don't love.

"Wala akong pakialam kung hindi mo siya mahal!.magpakasal ka sa kanya sa lalong madaling panahon..love doesn't matter at all Miguel kaya wala ka ng magagawa! And besides, ano ba ang alam mo sa pagmamahal?you treat your woman like a crap so why matters love Miguel?" mariing wika nito. Napatawa ako ng pakla at saka pakiramdam ko ay uminit ang buong katawan ko sa galit dahil sa sinabi nito.

"At anong alam mo sa akin Papa?!, diba wala? so bakit mo sasabihin na wala akong alam sa pagmamahal na sa pagkakaalam ko ay wala ka namang pakialam sa akin?You didn't know what I'm capable of when it comes to love Papa!..hindi mo alam ang pinagdaanan ko so stop talking to me like a shit Papa!.Love doesn't matter at all?Paano mo nasabi yun?bakit Papa?Talaga bang minahal mo si Mama o dahil lang din sa ari-arian nila? at gusto mo na ganun rin ang gagawin ko!..ngayon pa lang Papa ay sasabihin ko na sayo ang desisyon ko..Hindi ako papayag sa gusto mo! over my dead body!" galit na wika ko. Nagtatagis ang mga bagang na kinwelyuhan niya ako ng mahigpit.

"Wala kang karapatang kwestiyunin ako kung minahal ko ba ang Mama mo dahil hindi mo alam ang totoo!..sa ayaw at sa gusto mo ay ako ang masusunod Miguel!" galit na wika nito. Tinanggal ko ang mga kamay niya na naka-kwelyo sa akin at saka pinakatitigan siya ng matiim.

She's the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon