Kabanata 23- In The Other Life

4.8K 114 2
                                    

Isang buwan na ang nakalipas simula nung huli naming pag-uusap ni Miguel at hindi na siya dumadalaw sa akin--hindi na siya nagpapakita pa. Alam kong nasaktan ko siya at ako rin naman. Mas nasasaktan ako pero kailangan kong layuan siya dahil iyon naman ang dapat.

"Aira, nandiyan si Don Franko." wika ni Sister Dhalia sa akin. Kinakabahan ako pero agad akong tumango at saka pumasok sa visitor's lounge ng Orphanage. Agad ko siyang nakita at wala itong emosyon na nakatingin sa akin.

"Magandang araw ho." wika ko pero hindi ko makuhang ngumiti dito.

"Miguel and Samantha are getting married next week and they're preparing for their wedding sa ngayon." wika agad nito. Kumirot ang dibdib ko pero kailangan kong tatagan ang sarili ko. Napangiti ako.

"I'm happy for them Don Franko. Yan lang ba ang ipinunta mo rito?" wika ko. Dumilim ang mukha nito.

"Hindi ako papayag na hindi na naman matuloy ang kasal ng anak ko nang dahil lang sayo. Layuan mo ang anak ko Miss Belmonte." wika nito. Grabe lang ang angas ng matandang to. Porke't mayaman ay madali lang ang mga salita na binibitawan nila.

"Hindi mo na kailangang sabihin Don Franko because I already did that at kahit hindi mo pa sasabihin yan ay lalayuan ko pa rin ang anak mo." wika ko. Sinalubong ko ang matigas niyang anyo. Hindi ako natatakot sa kanya.

"Mabuti kung ganun Miss Belmonte dahil hindi mo alam kung sino ang kaharap mo ngayon. Oh by the way, babayaran kita like what I've said." wika nito at saka ngumiti na parang nagwagi at saka inilabas ang puting sobre at alam kong naglalaman iyon ng pera at saka ibinigay sa akin. Tinitigan ko ang sobre.

"Malaking halaga yan Miss Belmonte at pwede ka ng magpagamot sa sakit mo at makapagsimula ng bagong buhay." wika nito. Matiim ko siyang tinitigan.

"Alam mo ba Don Franko na sobra kang kawawa kahit na nabibili mo ng pera ang gusto mo?" nanunuyang wika ko.

"At ano ang ibig mong sabihin Miss Belmonte?" wika nito. Alam kong naiinis ito sa sinabi ko. Napatawa ako ng pakla.

"Dahil nabibili mo nga ang lahat sa pera mo pero kailanman ay hindi mo nabibili ang pagmamahal ng iyong sariling pamilya na mahalin ka gaya ng pagmamahal na gusto mo. Ang lungkot lungkot naman ng buhay mo. Umaasa ka lang sa pera pero naging masaya ka ba?..akala mo ay sapat na ang pera para makuha mo ang lahat pero ang totoo ay daig mo pa ang isang pulubi na namamalimos sa kakarampot na pagmamahal. Bakit hindi mo makita sa sarili mo na sobrang damot mo hindi lang sa pera kundi pati sa pagiging ama mo sa mga anak mo?..subukan mong tanungin ang sarili mo kung bakit nagiging ganyan ang pagtrato ng mga anak mo sayo at baka sakaling matauhan ka din minsan..I'm sorry Don Franko pero hindi ko kailangan ang pera mo. Sayo na iyan at try mong bumili ng puso na marunong umintindi at magmahal dahil sigurado ako na mamahalin ka at tunay kang maging masaya dahil iyan lang ang mga bagay na walang-wala ka.." wika ko at saka ibinalik dito ang pera. Napanganga ito.

"Excuse me." wika ko at saka hindi ko na hinintay na magsalita pa siya. Mabilis akong tumalikod at nagpunta sa may harden dahil hindi ako makahinga. May mga tao pala talaga na masyadong dumepende sa pera at hindi marunong umintindi sa damdamin ng ibang tao. Nakakalungkot at saka nakakainis pero hindi ko paiiralin ang ganung damdamin dahil ayokong mamatay na may hinanakit sa mga tao sa paligid ko kaya as much as I can ay tinuturuan ko ang aking sarili na patawarin si Don Franko at ang Diyos na ang bahala sa kanya. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Umupo ako sa isa sa mga benches doon at saka hinayaan ang sarili ko na ilabas ang sakit sa dibdib ko. Life is full of twist at kapag hindi mo nakayanan ay hindi mo makukuha ang best ending mo pero for me, hindi naman lahat ng ending ay magtatapos ng masaya at hindi naman lahat ng masaya ay ending na. God is the only person who knows everything and for me, siya na ang bahala sa akin.

She's the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon