Kabanata 18- I Want To Give It All

4.7K 113 0
                                    

"Where are we?" kinakabahang tanong ko. Miguel asked me out on a date at kasalukuyan kaming pupunta sa lugar kung saan niya ako ididate. Six in the evening na kasi niya ako nasundo sa Orphanage dahil busy raw ito sa office kanina. Piniringan niya pa ang mga mata ko gamit ang dalawa niyang kamay. Naramdaman ko naman ang malapad niyang dibdib sa likod ko na nagdadala ng milyong-milyong boltahe sa buong katawan ko.

"Just relax babe..malapit na tayo." bulong nito sa tainga ko. I gasped hard because of the hot breath na nanunuot sa buong pagkatao ko dahil sa ginawa niya. Napalunok na lang ako. Sobrang kinakabahan at pakiramdam ko ay nagrarambulan ang mga bituka sa tiyan ko dahil sa kaba.

"Wala pa ba?" pilit na kumakalmang tanong ko.

"Where here.." bulong ulit nito at saka dahan-dahan niya binitawan ang nga kamay na nakapiring sa akin. Napakunot-noo ako.

"Huh?..nasaan ang surprise mo?" takang-tanong ko. Iginala ko ang aking paningin at wala naman akong ibang nakikita kundi puro halaman at mga bulaklak ang nasa paligid. I rolled my eyes. Niloloko ba ako ng lalaking to?

"I'm sorry babe but I'm not good in courting a woman..alam mo naman diba na hindi na ako nanliligaw dahil ang mga babae ang nanliligaw sa akin?" wika nito trying to explain. Hinarap ko siya at saka pinamaywangan.

"Ang yabang mo rin ano?..no it's okay Miguel..just forget about our deal. Niloloko mo lang ata ako eh." wika ko at aaminin ko, I felt something pain inside me. Tatalikuran ko na sana siya nang pigilan niya ako sa kamay and pulled me closer to him. Nanlalaki ang mga mata ko at napasinghap.

"But I was trying my best to be a good suitor to you babe.." wika nito at saka bigla na lang niya akong hinalikan at ako naman ay napapikit. It's just so hot. Hindi man lang ako pumalag. Nalulunod ako sa init ng mga halik niya. Bigla na lang akong may narinig na mga putok kaya agad na huminto si Miguel sa paghalik sa akin at saka napaawang ang mga labi ko nang makita ang mga fire works at saka ang gaganda. May mga heart shape pa. Nagliwanag ang buong paligid namin at mula sa malaking puno ng kahoy ay awtomatikong nalaglag ang banner that says "Will You Be My Girl?" I bit my lower lip. Ngayon ko lang napansin na may table pala sa ilalim ng puno na may bulaklak sa gitna at may dalawang upuan na magkatapat. Hindi ko nakita kanina dahil medyo madilim pa kasi kanina. Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Ang bongga naman sa isang simpling tulad ko na makaranas ng ganito at siyempre sabi nga ni Miguel na hindi raw siya mahilig manligaw kaya ginagawa niya ang mga bagay na ito dahil alam niyang yon ang gusto ko. Pero hindi ko naman hiniling na gumastos siya ng malaking halaga para sa date namin. Pero wala na rin naman akong magagawa dahil nandito na to at saka kinikilig din naman ako. Hay naku Aira! baka saan naman mapupunta ang kilig kilig mo na yan..Naipilig ko na lang ang aking ulo. Tumigil ang mga putok at pumainlanglang ang tugtog ng Air Supply na "I want to give it all" na isa sa mga paborito kong kanta na pinapakinggan sa tuwing ako'y nalulungkot. Gusto ko tuloy maiyak. Akala ko kasi imposible ang mga ganitong bagay na mangyari sa buhay ko. All my life ipinagkait ko sa sarili ko ang kasiyahan dahil ayokong masaktan at ayokong makasakit not knowing na ganito pala kasaya. My knees were shaking at saka hindi ko napigilan na yakapin siya.

"Thank you.." madamdaming wika ko. Napatawa ito.

"Hey!..I'm just doing what's the best for you dahil nga nililigawan kita diba?" wika nito. Hindi lang nito alam kung gaano niya ako napasaya ng mga sandaling ito. It must be my best date in my entire life. Marami akong hindi pinaniniwalaan when it comes to happiness pero ngayon parang unti-unti ko ng nararamdaman iyon at saka nawawala na yung agam-agam sa puso ko. Inilahad nito ang mga kamay sa akin at saka yumuko.

"May I have this dance with you my lady?" wika nito. Tumango ako na may ngiti sa mga labi. He held my waist na ikinakaba ko ng husto at saka pinsalukob niya ang mga kamay namin at ang isa ko namang kamay ay inilagay nito sa dibdib niya and then we start moving slowly habang tugtog ang musikang iyon. Hindi ko naramdaman to dati. Napapikit ako at saka ninanamnam ang bawat sandali na ganito kami. Gusto kong umiyak. Isinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya at wala akong kahit na konting pagtutol sa ginawa niya. Basta gusto ko lang maramdaman.

She's the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon