Kabanata 21- Baka Mawala ang Respeto

4.6K 105 0
                                    

"Aira..bakit hindi ka babalik sa office?welcome na welcome ka sa akin doon.." wika ni Miguel. Magkasama kami ngayon at nasa beach kami. Katatapos lang naming mag-scuba diving, magkayaki at nag-under world tour rin kami sa ilalim ng dagat. Nag-eenjoy ng husto si Miguel at syempre nag-eenjoy na rin ako kasi bihira lang akong maka-experience ng ganun at gusto ko talaga makasama si Miguel para masagot ang tanong sa puso at isipan ko.

"H-hindi na ako babalik dun Miguel. Sana naiintindihan mo ako." malungkot na wika ko. Nasa dalampasigan kami naglalakad dahil lumubog na ang araw at medyo madilim na kaya hindi na mainit. Bigla niya akong hinawakan sa kamay and again I felt the voltages running through my veins. Huminto kami at tinitigan niya ako.

"Is there anything wrong Aira?" nag-alalang tanong nito. Pilit akong ngumiti at saka umiling. I don't know what comes out in my mind dahil bigla ko siyang hinaplos sa mukha using my free hand. Hindi niya pwedeng malaman na pinapalayo ako ng ama niya sa kanya.

"W-wala..I just want to feel this moment that I'm with you Miguel.." malungkot na wika ko. Gusto kong maiyak. Hinaplos niya ang kamay ko na nakahaplos sa mukha niya.

"Why I felt that you're sad?..may nangyari ba?" tanong nito. Ramdam ko ang init ng mga kamay niya. Napailing ako. Hinila niya ako at dinala sa ilalim ng puno sa gilid ng dagat. Umupo kaming pareho doon. Nakangiti akong tumitig sa gwapo niyang mukha.

"C'mon Aira...I'm willing to listen.." wika pa rin nito. Hinampas ko siya sa dibdib at agad niyang hinuli ang kamay ko.

"Nakakatawa ka. Tumigil ka na nga sa katatanong mo..can we just savor this moment?" wika ko. Ngumiti ito.

"Sure..halika rito." wika nito at saka kinabig ako palapit sa kanya. Napasandig ako sa matipuno niyang dibdib. Ang sarap ng pakiramdam. Gusto kong ganito na lang kami habang ako'y humihinga pa.

"Miguel..what if hindi na lang natin ituloy to?" out of now where ay tanong ko sa kanya.

"Aira, what kind of question is that?..bakit mo ba naisipan ang mga bagay na yan?" nagtatakang wika nito. Tumawa ako ng mahina.

"What if lang naman eh..so ano nga?" wika ko. Naramdaman ko ang paghugot nito ng malalim na hininga.

"Ikaw na rin ang nagsabi na let's just savor this moment habang magkasama tayo so why bother some other things para masira ang moment natin?" wika nito. Napalunok ako at saka huminga ng malalim.

"Wala lang..nagtatanong lang naman." patay-malisyang wika ko. Hinawakan nito ang dalawa kong kamay at maya-maya pa ay pinagsalukob nito ang aming mga kamay.

"I'm happy kung anong meron tayo..bakit hindi na lang natin totohanin?" wika nito. I gasped hard.

"H-hindi pwede...I mean tama na yung ganito tayo." Dahil ayokong umaasa at magpaasa gusto ko sanang idugtong sa sinabi ko pero naunahan ako ng takot. Niyakap niya ako. Napapikit na lang ako pero gusto ko na talagang umiyak. Ilang sandali kami sa ganung ayos ni Miguel nang magyaya ako.

"Let's go somewhere..may bar sa banda roon..tara mag-enjoy tayo tutal bukas ng hapon ay uuwi na tayo ng Sto.Domingo." wika ko rito at saka tumayo. Nagbakasyon kasi kami sa white island sa karatig isla ng Sto.Domingo at kahapon lang kami dumating sa lugar na to dahil gusto raw na mag-unwind ni Miguel at isinama niya ako.

"Okay, let's go." wika nito at saka lumakad na kami papunta roon. Pagdating sa bar doon ay ang dami ng tao na mga dayo rin sa lugar, mga turista kumbaga. Maganda kasi yung music at nakakaaliw at halos lahat na yata ay nagsasayawan. Napangiti ako. I never had this experience in my entire life dahil binigyan ko lang ng limitasyon ang buhay ko. Hinila ko si Miguel na kanina pa pinagtitinginan ng mga babae sa bar. Ngumingiti naman ang mokong at hindi maiwasan ang pagiging womanizer nito.

She's the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon