Chapter 21:

4.9K 178 19
                                    

Ilang beses akong huminga ng malalim habang nakatingin sa pregnancy test na hawak ko. Nandito ako ngayon sa comfort room ng kwarto ni Xyrene kung saan siya naka-incharge. Siya ang nagbigay nito saken dahil may napapansin daw siyang maraming pagbabago saken. Simula sa pagkain, sa pagtulog at 'yung araw araw kong pagsusuka. Kahit ako napapansin ko na rin 'yung pagbabago saken pero dahil nga wala akong ideya na ganun pala ang mga symptomas ng nagbubuntis ay hindi ko na lamang pinansin. Ngayon labis na kaba ang nararamdaman ko at the same time, ay nakakaramdam din ako ng saya at excitement.

10 mins. ang pinalipas ko bago ko kinuha ang pregnancy sa ibabaw ng sink ng lababo sa banyo. Ilang beses muna akong huminga ng malalim at pumikit ng mariin. Nanginginig na tinunghay ko ang pregnancy test. Para akong napako sa kinatatayuan ko ng makita ang resulta. Sunod sunod na nagbagsakan ang mga luha ko. Labis labis na saya ang nararamdaman ko pero naroon ang takot.

Oh my god.

Two Lines.

Two lines.

Humawak ako sa aking tiyan at saka tumingala. Isang tao lang ang pumasok sa isip ko. Si Mark. Tanging si Mark lang naman ang umaangkin saken noon. At hanggang sa huli naming pag-uusap ay nakiusap ako sa kaniyang makipagniig siya saken na ikinapayag niya naman. Mariin akong napakagat sa aking ibabang labi.

He's the father of my baby.

Pero ngayong, masaya na ito sa fiancé nito. Ayoko ng guluhin pa siya. Hangga't maaari, ayoko ng ipaalam sa kaniya na may anak na ako at siya ang ama. Dahil kahit sabihin ko 'yun walang magbabago. Maaaring panagutan niya ako at suportahan ang pangangailangan ng anak namin ngunit hindi magbabagong si Czarina pa rin ang pipiliin nito para pakasalan.

" Vi, kanina ka pa dyan. Hindi ka pa ba tapos? Nilamon ka na ba ng inidoro dyan? "

I sighed. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng comfort room. Bumungad saken si Vivian na nakataas ang kilay at nakalahad ang kamay. Nanginginig na binigay ko sa kaniya ang pregnancy test at tumingin kay Dylan na buhat si Xyra habang nakatingin samen.

" Oh my god "

Gulat na bulalas ni Xyrene at napaupo sa sofa. Naluluhang tumingin saken si Xyrene.

" H-how? I mean, i-ilang buwan ka ng buntis? S-sinong ama? "

Utal na tanong ni Xyrene. Marahan akong huminga ng malalim at seryosong tumingin sa kaniya.


" Sino pa nga ba, diba? "


Nanlalaki ang matang nakatingin saken si Xyrene. Hindi makapaniwala. Tulala itong tumingin kay Dylan bago tumayo at lumapit saken.



" V-vi, three months na kayong wala ni Mark. Bakit ka mabubuntis ngayon? D-don't tell me, palihim ka na namang nagpapakita sa impaktong 'yun? God Xyrene! "



" No. I mean, hindi na kami nagkikita. Actually, last last month ko pa nararamdaman 'to pero binabaliwala ko lang at isa pa, hindi rin lumalaki ang tiyan ko. "



Yes. Kailangan kong ilihim kay Xyrene na nagkita na ulit kami ni Mark. No, I can't tell her. Lalo pa at kapapanganak niya lang. Ayokong mabinat siya ng dahil sa konsumisyon saken.




" Okay. Okay. Tommorow, we will go to OB-Gyne. Para ipa-check up ka. Okay? "



Umiling ako kay Xyrene at ngumiti.



" Xy, kahit ako na lang. Kaya ko naman e. Isa pa, alam mo naman na kapapanganak mo lang. Ayokong ma-stress ka. Mag-focus ka na lang kay baby Yra. "



Bumuntong hininga siya at sumimangot dahilan para matawa ako. Inasikaso namin ang mga gamit niya at ni baby Yra para makauwi na at makapagpahinga na siya. Buong byahe ay wala kaming ibang ginawa kung hindi ang magkwentuhan tungkol sa kung ano ang pakiramdam ng mabuntis.



" Halo-halong excitement ang mararamdaman mo. Basta kapag manganganak ka na. Lakasan mo lang ang loob mo at isipin mong magiging okay ang paglabas ni baby sayo. Maraming pagsubok ang pagdadaanan mo bilang mother, kaya kailangan maging matapang ka. Lalo na at wala siyang a-ama. "



Xyrened said to me bago umiwas ng tingin ng sabihin niya ang huling katagang. Tumahimik na lamang ako at pinikit ang mga mata. Inisip ang huling nasabi ni Xyrene.



How?



Paano ko mapapalaking walang ama ang anak ko?



Paano kung balang araw hanapin at maghanap siya ng ama?



Napamulat ako. Do I need to tell him about this? shall I tell him? Humugot ako ng malalim na paghinga. Kahit naman sabihin ko sa kaniya, walang magbabago. Kahit pa malaman niya, hindi niya pa rin kami kayang tanggapin. Lalo na at ikakasal na siya kay Czarina. Sa babaeng mahal na mahal nito. Maaaring suportahan niya ang magiging anak namin, ngunit hindi niya pa rin masusuklian ang pagmamahal ko na hanggang ngayon nandito pa rin sa dibdib ko. Nakatatak at para bang ayaw umalis. Kaya kung maaari, hindi ko na dapat pang sabihin sa kaniya na buntis ako at siya ang ama.



Gusto ko ng lumayo ng kahit konti. Dahil sobra sobra na ang sakit na pinaparamdam saken ng pagmamahal ko kay Mark. At sa pagdating ng panahon, alam kong mapapalaki ko ng mag-isa ang magiging anak ko ng hindi siya kailangan at hindi siya kasama.



At sana pagdating ng araw maintindihan ako ng anak ko.


Dahil katulad ng ginagawa ng isang magulang. Gagawin ko ang lahat para lamang mapalaki siya ng maayos. Gagawin ko ang lahat para maibigay sa kaniya ang lahat ng kaniyang pangangailangan. At higit sa lahat, mamahalin ko siya at aalagaan ng higit pa sa buhay ko.

_•_


Please vote and comment. Sorry for the short update. Hindi talaga kinakaya ng kamay ko sa sobrang busy ko. Thank you :)

Mistress Series 2: The Martyr MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon