Chapter 24:

6K 126 28
                                    

Natatawang napailing na lang ako kay Timothy. We're still here at the restaurant. Ang bagal ko daw kumain kaya inabot na kami ng isang oras. Pinatong niya sa ibabaw ng menu 'yung bayad niya sa kinain namin bago tumayo. Lumapit siya saken at hinawakan ang kamay ko para alalayan ako. Feeling ko tuloy ay isa akong prinsesa.

Maglalakad na sana kami papuntang exit door ng mapatigil ako sa paglalakad at makita ang taong dahilan na naman para makaramdam ako ng kirot sa aking dibdib lalo na ng makita kong kasama niya ang taong napakahalaga at mahal niya ng sobra.

" Hey, are you okay? "

Timothy asked. Hindi ako sumagot. Nanatiling nakatingin pa rin ako sa dalawang taong papasok ng restaurant. Halata ang gulat sa mata ni Mark ngunit agad din napalitan ng pagkaseryoso ang mukha niya ng mapatingin siya kay Timothy. Czarina looked at me too at bakas din ang pagkabigla sa mga mukha niya. Naniningkit ang mga matang tumingin siya saken at mabilis na hinila si Mark palapit sa direksyon namin. Agad akong naalarma at hinawakan si Timothy sa kamay.

" T-tim, let's go "

Pero bago pa kami makaalis ay nasa harapan na namin ang dalawa. Mataray na nakatingin sakin si Czarina habang magkakrus ang dalawang kamay. Si Mark naman ay blanko lamang ang kaniyang aura na nakatingin...saken.

Why Mark? Why are you looking at me like that?

Humigpit ang hawak ko sa braso ni Timothy. Siguro ay nahalata na niya din kung kaya't maingat niya akong hinapit sa bewang at seryoso din na tumingin kay Mark.

" I know you! ikaw 'yung babae na nagtatrabaho noon, sa bar. Then, last week, ikaw din 'yung bumangga kay Mark at natapunan mo pa siya ng mango juice. What a coincidence! "

Yeah. What a very very nice coincidence. Fuck!


" Cza, Let's go. "


" No, Mark! Meron pa akong gustong sabihin sa kaniya. "

Nakagat ko ang aking ibabang labi at napatungo. Ramdam ko ang bawat tingin ng mga tao sa paligid namin. Sobra akong nahihiya dahil sa boses ni Czarina na nakakakuha na ng atensiyon ng mga tao dito sa loob ng restaurant. I feel like she's making scenes here.


" Excuse me, Miss. What do you need with Vivian? "


Timothy seriously asked. Czarina smirk at me and look at me as if I am disgusting. Sabagay, she has a perfect body and perfect figure kumpara saken na isang mahirap lamang at walang maipagmamalaking perpekto sa buhay ko.


" I don't want to see your face anymore, bitch! And oh please, kung iniisip mong mapapansin ka ni Mark. Never mangyayari 'yun. Mark is always be mine. No one can steal him from me, even you, Mistress. "


" CZARINA! "


Buo at malamig ang boses na tawag ni Mark sa pangalan ni Czarina. Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin kay Czarina at parang nawalan ako ng kulay dahil sa tinawag niya saken.


Mistress.


How did she know, na ako ang kabit ni Mark?!


Hindi ako agad nakahinga dahil sa mga sinabi niya. Napahigpit ang kapit ko sa braso ni Timothy. Naramdaman ko ang pag-alalay niya saken sa pamamagitan ng paghawak niya sa bewang ko. Mariin akong napapikit. Narinig ko ang mahinang paghalakhak ni Czarina at masama ang tingin na pinukol saken.


" I'm not dumb, para hindi malamang ikaw ang kabit niya. Napaka-kapal ng mukha mo para piliting maging kabit ni Mark. Desperate Martyr Mistress! I'm warning you! Kapag hindi mo pa nilayuan si Mark, I will assure na pupulutin ka nilang bangkay na! And oh-- one more thing, Mark doesn't love nor like you. All that he need is your body, bitch! "

Malalim akong humugot ng hininga at matapang na tumingin sa kanila. Oo, kabit ako at wala akong karapatan na itanggi 'yun dahil totoo naman. Pero tama na, tama na ang panghuhusga. Kahit ngayon lang, gusto ko naman ipagtanggol ang sarili ko. Just this time, gusto kong sabihin sa kanila at isigaw sa mukha ni Mark ang nararamdaman ko.


" Yes. I admit that i'm his mistress. Hindi ka naman nagkamali ng sinabi e. "


She look at me and smirk. Tumingin naman ako kay Mark ngayon na walang bahid na anumang reaksyon ang mukha habang mahigpit ang hawak sa braso ni Czarina. Umiwas ako ng tingin ng muling makaramdam ng kirot sa dibdib ko.


" Pero, hindi mo ako masisisi na ginawa ko 'yun dahil sa mahal ko siya. You know what? Dapat magpasalamat ka pa e, kasi napunan ko lahat ng pangangailangan niya at ang pagkukulang mo noong mga panahong wala ka sa tabi niya."


Tumingin ako kay Timothy dahil bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Agad naman siyang tumango at inalalay akong maglakad hanggang sa malagpasan namin sila. Ngunit bago kami tuluyang umalis ay narinig ko ang mahinang pagtawag ni Mark sa pangalan ko.


" Vivian.."


Tila tumigil sa pagtibok ang puso ko ng marinig ko 'yun. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit dahil sa sobrang pagka-miss ko sa kaniya. Naikuyom ko na lamang ang kamao ko para pigilan ang aking sarili.



" Like what you've said, Mark. Tapos na tayo. So, don't you dare to call by my name. And Czarina..."


Humarap ako sa kanila. Mataray at matapang lang na nakatingin sa akin si Czarina habang si Mark...


Si Mark ay malungkot na nakatingin sakin ngunit agad 'yung napalitan ng malamig na tingin. No, hindi totoo 'yung nakita mong lungkot sa mata niya, Vivian. Wag ka ng magpapadala ulit sa lahat ng kasinungalingan na pinapakita niya.


Mapait akong ngumiti.



" You don't have to worry, Czarina. He is all yours now. Tapos na ang lahat samin, three months ago pa. Kaya sana tigilan mo na 'ko. "




While we were out of the restaurant, there was where I started crying. I don't care kung makita ako ng mga taong umiiyak ako. Niyakap naman ako ni Timothy at hinagod ang likod ko.


With every drop of my tears on my cheek I feel pain. Of all the pain I feel for both of us. It's a painful fact that Mark will never be mine anymore.


Mapait akong napangiti kasabay ng muling sunod-sunod na pagbagsak ng aking mga luha habang inaalala ang masasayang araw namin ni Mark noong magkasama pa kaming dalawa. At mas lalo pa akong naiyak ng maalala ang mga ngiti at tawa ni Mark.


Mark, though i'm away from you. I'm still yours even though you are not mine anymore. Please always remember, that I love you and my love will not change for you. Sana sa pagbalik ko ay maging maayos na ang lahat, at sana sa pagbalik ko masaya na ako sa piling ng iba.


~•~

Mistress Series 2: The Martyr MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon