Chapter 23:

5.2K 116 11
                                    


" So, Vivian. It's been a long time? Kamusta naman ang buhay? "

Tanong ni Timothy. We're here now at the Moon Cafe Mexican--Inspired Restaurant. Sosyaling restaurant at obvious na sobrang mahal ng mga menu nila. Tumingin ako ng seryoso kay Tim habang naghihintay ng waiter.

" Ganun pa rin. Walang pinagbago. Kaaalis ko lang din sa bar na pinagtatrabahuan ko. Ngayon, nasa Nathalia's bake shop na ko. Okay naman. Nasanay na rin naman ako sa hirap. "


I heard him sighed and looked at me seriously. Ayoko sa pagiging seryoso ng lalaking 'to. Naku naku!


" Did you continue to study? "

Napakagat labi ako at umiling. Paano ko pa ipagpapatuloy? Kung ngayon ay buntis na ako? Isa pa, matagal na din naman simula ng itigil ko ang pag-aaral ko. Since he left me doon ko napagdesisyonang tumigil na at 'wag ng magpatuloy. I'm so down that time. Then one day, nagising na lang ako na dapat ipagpatuloy ko ang buhay ko na wala si Mark. Na kahit wala siya ay dapat mabuhay ako para sa sarili ko at para sa kinabukasan ko. Pero 'nung bumalik ako para magtransfer, hindi na nila ako tinanggap kahit ang scholarship ko. So, I decided na next year na lang ulit mag-aral.


" Hindi na. S-simula 'nung--ahm? Wala pa ba 'yung waiter? "


Pag-iiba ko sa aming pag-uusap. I should avoid telling Tim my relationship with Mark. Hindi dapat niya malaman na nakipagrelasyon ako sa taong may fiancé na at ikakasal na. I know his attitude. I know him very well.


" Since what, Viv? 'Do not change our conversation, Vivian. "


Palihim akong bumuntong hininga at iniwas ang tingin sa kaniya. I'm not willing to tell him my past relationship. Sabihin niyo ng duwag, kaya lang natatakot ako na kahit siya ay husgahan ako. Natatakot na baka kahit siya ay iwasan at pandirihan ako.


" T-tim. A-ano kasi e- may trabaho pa ako na dapat tapusin--"



" Are you pregnant? "


Halos mahulog ako sa aking kinauupuan sa deretsong tanong ni Timothy saken habang nakatingin sa may bandang tummy ko. Napakagat ako ng labi. Do I need to tell him that i'm pregnant? At sabihing wala ng ama ang anak ko dahil tinakbuhan ako? Sandali akong natunganga bago bumalik sa aking ulirat ng magsalita ulit si Timothy.



" I'm asking you. Are you pregnant? "


Kinagat ko ang aking ibabang labi bago humugot ng malalim na hininga. Bakit ba ako kinakabahan? Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko. Siguro dahil sa buntis ako kaya ako nakakaramdam ng ganito. Tumingin ako ng deretso kay Timothy.



" Y-yes. "



Sandali siyang natahimik at seryosong nakatingin saken. Maya-maya ay napatawa na lamang siya ng mahina at napailing-iling.



" What the fuck. Who's the father? "



Muli niyang tanong. Kunot-noo akong tumingin sa kaniya at nagtatanong ang mga mata. Bakit niya tinatanong? No. No. I will not tell him. I will not tell him if who's the father of my child. Ayoko. Natatakot ako sa posibleng mangyari. Ayokong hanapin niya kung sino si Mark at siya ang magsabi ng kalagayan ko. Hindi maaari.




" I-i don't know. "





Pagsisinungaling ko. Nakita ko kung paano umigting ang panga niya. Huminga siya ng malalim na parang pinapakalma ang sarili. Tumango-tango siya.




" I'm sorry "



Mahinang bulong niya. Muli akong tumingin sa kaniya pero nakatingin lang siya sa labas ng restaurant.




Sorry? Saan siya nagso-sorry?



" Sorry, if I do not fulfill my promised to you. I did not fulfill my promise before that I will protect you and be with you wherever you are. Pinagsisisihan kong iniwan kita sa probinsya at pumunta dito sa manila para lang makapagtapos ng pag-aaral at matupad lahat ng pangarap ko.I became selfish. "



May butil na tumulo sa pisngi ko galing sa mata ko. Mapait akong napangiti ng maalala ang lahat ng pinagsamahan namin noon ni Timothy. Sa totoo lang, ay nagkagusto ako sa kaniya. Kaya simula ng malaman kong umalis siya at hindi niya tinupad ang pangako niya ay sobra akong nasaktan. Sana hindi na lang siya nangako kung hindi niya rin naman kayang tuparin. Parang si Mark-- hindi niya din tinupad ang pangako niya saken.



Mariin akong napapikit at huminga ng malalim. May mga pangakong hindi nga naman talaga dapat tuparin lalo na kung hindi mahalaga ang isang tao. Dahil ako, kung mahalaga ako sa kaniya at kay Timothy. Kahit mahirap, tutuparin nila ang pangakong binitawan nila saken.




" O-okay na 'yun. Matagal na 'yun at isa pa, nangyari na ang dapat mangyari. Naiintindihan din naman kita. Para din 'yun sa kinabukasan mo kaya hindi mo nagawang tuparin 'yung pangako mo. Kalimutan na natin ang nakaraan, Tim. "



Wala siyang nagawa kung hindi ang tumahimik at nakatingin lang ng matiyaga saken. Laking pasalamat ko ng dumating na ang waiter.



" One Chili Con Carne, One Nacho de Salsa and Fillet Mignon, and also pasta. What do you want to drink, Viv? "



Para akong tangang napatanga sa kaniya. E kasi naman, halatang ang mamahal ng mga in-order niyang pagkain. Sa mga name pa lang pang-sosyalan na. Godness! Wala akong ipambabayad sa kaniya kapag nagkataon.



" Since, she's pregnant. Dapat health ang inumin niya. So, One cup of Reviving fruit Combos and One Lemon Aqua Fresca. That's all. "



Hanggang sa makaalis ang waiter ay nakatulalang nakatingin pa rin ako kay Timothy. Iniisip kung paano ko siya mababayaran. Wala pa naman akong pera dahil hindi pa ako sumasahod.



" I'm handsome, right? "



Napatikhim ako sa sinabi niya. Iba din, mahangin pa din siya. Umirap ako sa kaniya dahilan para mapahagalpak siya ng tawa. Hindi ko alam pero nakakahawa ang mga ngiti at tawa niya kaya hindi ko namalayan na nakangiti na din pala ako habang nakatingin sa kaniya.




" 'Yan dapat nakangiti ka palagi. Para naman hindi pangit ang baby mo kapag lumabas. "



Nakangisi niyang sabi. Tumayo ako at binatukan siya dahilan para mapa"aray" siya pero kalaunan ay tunawa din.



" Just kidding. Alam ko namang saken magmamana 'yan. "



Mayabang niyang sabi at kinindatan ako. Halos hindi ako makahinga sa sinabi niya. God! Kung sa kaniya lang din, wag na. Ayokong maging mahangin ang anak ko. Isa pa, bakit sa kaniya magmamana. Eh hindi naman siya ang ama.




Naku, Timothy. Hindi ko alam kung anong nilalaman ng utak mo.



~•~

Mistress Series 2: The Martyr MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon