Chapter One :

9.6K 214 16
                                    

It's been 2 o'clock. Napahinga ako ng malalim. Sobrang pagod ko sa trabaho. Gusto ko ng makauwi at makapagpahinga ngunit hindi ko pa maaaring gawin 'yon lalo pa at hanggang sa oras na ito ay marami pa ring customer. Napaarko ang aking labi ng tumunog ang aking cellphone. Agad ko iyong kinuha at tinignan kung sino ang nagtext. Laking pagkainis ko ng Operator lang pala ng Simcard ko ang nagtext.

Akala ko naman siya na...

Umirap ako sa kawalan at sumimsim ng Whisky.

" Vivian! Pakidala naman nito sa table 4 "

Utos ni Cindy. Tumango ako at kinuha ang 3 bottle of beers na order ng table 4. Nang makita ko kung saan ang table 4 ay agad akong lumapit.

" This is your order Ma'am and Sir "

Nakangiti kong wika sa dalawang matanda na nasa aking harapan. Ngumiti naman ang dalawa at iniabot sakin ang bayad.

" Enjoy your night "

Magiliw kong wika. Madami pa akong hinatiran ng mga orders na Beers at Wines. Nang matapos at maubos ang customers ay nakahinga ako ng maluwag.

Thanks God! Makakapagpahinga na ako.

Excited akong nagpalit ng damit at kinuha ang gamit ko sa loob ng silid kung saan naroon din ang iba kong kasamahan. Nang makalabas na ako ng bar ay tumabi muna ako sa isang tabi para maghintay ng masasakyang jeep o trike pauwi.

Ilang minuto na ako naghihintay ngunit wala pa ring dumadaan na sasakyan. Gosh!

" Ugh! Ano ba naman 'tong buhay na ito!! Bakit ang malas ko today? "

Inis kong wika. Nagpapadyak na din ako sa sobrang inis. Seryoso. Malas talaga ako ngayon. Simula kaninang umaga hanggang ngayon. Sabagay always naman talaga akong malas. Hindi ko alam kung pinaglihi ba ako ni Inay sa malas at lagi na lang akong malas.

" Vivian? "

Para akong nanigas sa aking kinatatayuan. Bumilis ang pagtibok ng aking puso. Daig pa nito ang mga kabayo sa sobrang bilis ng pagtibok. Para akong nakukuryente ng marinig ko ang kaniyang boses. Malamig na boses.

Dahan dahan akong humarap sa kaniya.

" M-mark "

Oh god Vivian! Bakit ka nauutal? Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin sanay sa Presense ng love of my life mo?

" Why are you still here? It's been 3 o'clock "

Napakagat ako sa aking labi. Bakit kahit parang galit siya ay ang gwapo pa rin ng boses niya? Grrr! Ang landi ko talaga. Well, sa kaniya lang naman.

" A-ah k-kasi, n-ngayon lang kami nagsara, m-marami kasing customer eh "

Kitang-kita ko kung paano magsalubong ang kaniyang kilay na akala mo ay laging galit at mataray.

" Tss! Let's go, I'll drive you home "

Nanumbalik ang aking lakas na halos kanina lamang ay manlambot na ako sa sobrang pagod. Kyaaah! Ihahatid niya ako... Pero siyempre kailangan magpabebe muna ako hihi...

" A-ah w-wag na, kaya ko namang umuwi mag-isa, atsaka baka mamaya n'yan hinihintay ka na pala ng Fiance mo, tapos ma-late ka edi mag-aaway na naman kayo--

Naputol ang aking sinasabi ng magsalita siya, mali pala dahil sumigaw na pala siya...

" SHUT UP Vivian! She's not waiting alright? So, stop demanding! "

Napanguso na lamang ako. Ang sungit niya. Hayy! Diba dapat ako ang magsungit sa kaniya kasi ilang hours din akong naghihintay sa text or call niya. Tsk!

Lumapit ako sa kaniya at pinalibot ang aking kamay sa kaniyang braso.

" Alright, don't get be mad. I'm just you know,kidding "

I said with a sweet smile. Umiling-iling naman siya. Tumungo na kami sa kaniyang sasakyan kung saan nakaparada. Inaasahan kong pagbubuksan niya ako ng pintuan ngunit gayun na lamang ang aking pagkadismaya ng kumalas siya sa akin at umikot papunta sa driver seat.

Napairap ako sa kawalan. As always. Hindi na talaga ako magtataka. Hindi siya gentleman pagdating sakin. Pero kapag si Czarina ang nasa sitwasyon ko ay always siyang gentleman.

Sumakay na lamang ako at hindi na kumibo pa.. Nang malapit na ako sa apartment ko ay saka lamang siya nagsalita.

" Are you busy later? "

Tumingin ako sa kaniya at nangunot ang kilay. Bakit niya naman tinatanong kung busy ako? And for the first time, nagtanong siya kung busy ba ako.

" Nope, why? "

Maikli kong tugon. Kimi siyang ngumiti at binaling ang tingin sakin.

" Pack your things later after you rest, alright? We'll go somewhere "

Somewhere? Saan naman iyon. Sabagay, somewhere nga eh, paano ko nga naman malalaman iyon.

" Somewhere? "

Tumango siya. Napakagat na lamang ako sa aking ibabang labi upang pigilan ang muling pagtanong sa kaniya. Ayokong masira ang mood niya.

Ilang sandali pa ay nakarating na din kami sa tapat ng apartment na aking tinutuluyan.

" Hindi ka na ba papasok sa loob? "

" No thanks, besides may kailangan pa akong asikasuhin "

Sino? Si Czarina ba?

Parang may kung anong tumusok sa aking dibdib ng isipin kong si Czarina ang kailangan niyang asikasuhin. Napaismid na lamang ako sa tanong ng aking isip.

" S-sige, mag-iingat ka pauwi huh? "

Tumango siya at ngumiti. Hinalikan niya ako sa aking noo. Sunod ay sa aking ilong at magkabilang pisngi. At panghuli ay sa aking labi. Ngunit hindi pa lumalapat ang kaniyang labi sa aking labi ay tumunog ang kaniyang cellphone.

Agad niya iyong kinuha sa kaniyang pocket. Parang nagkaroon ng spark sa kaniyang mga mata. Alam ko na kung sino ang tumatawag sa cellphone niya.

" Hello, Babe "

Babe? Huh! Nakakasuka, parang baboy lang. Babe-oy, yuck as in yuck!

" Oh yeah, i'll be there in 5 minutes. Just wait me okay? "

He said with smile on his lips. Napayuko ako. Pigil ang luha na gustong kumawala sa aking mata.

" Okay, I love you too "

Parang may bumara sa aking lalamunan ng marinig ko ang tatlong salitang nagpapatunay na mahal niya talaga si Czarina.

Bakit sobrang sakit? Napakasakit na marinig ang mga katagang iyon na sinasabi niya sa iba at hindi sakin.. Sabagay bakit niya nga naman ako sasabihan ng ganung salita kung hindi niya naman ako mahal at tanging ako lamang ang nagmamahal sa kaniya. Isa pa, kabit niya lamang ako. Pangalawa lamang ako sa kaniya. Kaya wala akong karapatan sa kaniya.

" Vivian, Get in now then rest alright? Para may lakas ka mamaya sa byahe natin "

Kinagat ako ang labi. Unti-unti kong inangat ang aking mukha at pilit na ngumiti.

" S-sige "

He smiled.

" Mornight, I'll text you when I go home okay? "

Ngumiti akong muli kahit na masakit ang aking dibdib. Hinimas ko ang kaniyang mukha at mabilis siyang hinagkan sa labi.

" I'll wait your text "

I said at bumaba na ng kaniyang sasakyan. Pinaandar niya na ang makina ng kaniyang sasakyan. Kumaway-kaway ako hanggang sa hindi ko na makita ang kaniyang sasakyan.

Doon ay bumuhos na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit mahalin ng taong may mahal namang iba. At higit sa lahat, ang hirap magmahal na taong may nagmamay-ari na ng iba....

__

Free to vote and comment! 🌹
Thank you...

Miss_Author018

Mistress Series 2: The Martyr MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon