Chapter Four :

7K 119 4
                                    


Naglalakad ako palabas ng kwarto ng marinig ko ang boses ni Mark na parang may kausap sa kaniyang Cellphone. Napakunot ang aking noo. Walang ingay akong nagtago sa gilid ng pinto papunta sa kusina upang makinig.

" Yes, Baby. I will always take care of myself here. Ikaw din, mag-ingat ka din dyan. Alam mo namang mag-aalala ako kapag nalaman kong may nangyari sayong masama dyan sa California "

Malambing niyang saad sa kabilang linya. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. He never say like that to me. Kahit kailan ay hindi niya ako nasasabihan ng mga ganung salita. Napapikit ako.

Kaya niya din pala ako nadala sa ganitong lugar ay dahil nasa California si Czarina.

" I'll talk you later alright? May gagawin lang ako.. Okay, I love you. Bye "

Napasimangot ako. Hindi ko talaga maiwasang makaramdam ng selos sa tuwing maririnig ko siyang nagsasabi kung gaano niya kamahal si Czarina.

Lumabas na ako sa aking tinataguan. Pilit akong ngumiti sa kaniya. Pangalawang araw na namin ngayon dito sa 'Marina Resort'. Kung saan siya pala ang nagmamay-ari. Ayoko ng sabihin kung bakit 'Marina' ang pangalan ng resort dahil alam ko naman kung saan kinuha 'yon.

" Goodmorning "

Kunwari'y bagong gising na bati ko sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo at pagkuwa'y ngumiti.

" I thought, you're still sleeping "

Saad niya. Ngumiti naman ako at hinagkan siya sa pisngi. Napansin ko na nakasuot siya ng aprone habang walang damit pang-itaas. Halos mapahagalpak pa ako ng tawa ng makitang White Flower ang suot niyang apron.

Well, kahit naman ganoon ang ayos niya ay hindi naman nakabawas sa kagwapuhan niya. Sa totoo lang ay mas lalo pa itong nakadagdag sa sex appeal niya.

" How's your sleep? "

He asked. Ngumiti naman ako. Actually, maganda naman ang tulog ko dahil katabi ko siya. Iyon nga lang, masyado akong napagod dahil sa walang kasawaan niya sa aking katawan kagabi. At pakiramdam ko ay mahapdi pa rin ang gitna ng aking mga hita.

" Fine, actually mukhang ngayon nga lang napasarap ang tulog ko kasi katabi kita buong magdamag "

Ngumisi naman siya. Napataas ang kilay ko. Alam kong may ibig sabihin na naman ang pag-ngisi niya. At hindi na ako magtataka kung umiral na naman ang pagka-pervert niya.

" Did'nt you tired for what are we doing last night? "

Napailing na lamang ako. Nagulat ako ng hawakan niya ako sa magkabilang bewang at binuhat paupo sa sink ng lababo.

" So, we can sex here again? "

Nanlaki ang mata ko. Hinampas ko siya ng mahina sa balikat at napatawa.

" What I mean is, Im tired Mark and we can't do what's on your mind right now "

Natawa naman siya ng mahina. Hinagkan niya ako sa noo. Pababa sa tungki ng aking ilong, papunta sa aking labi. Hinayaan ko siyang halikan ako ngunit ng maramdaman kong nagiging mapusok na ang bawat halik niya ay agad ko siyang pinigilan.

God! Mahapdi pa hanggang ngayon, kaya gusto ko munang magpahinga. Sorry Mark, kung nabitin kita this morning.

" Mark, gutom na ako "

Daing ko. Well, gutom naman na talaga ako. At gusto ko ng matikman ang kanina ko pang naaamoy na masarap niyang niluto. Tumaas ang kaniyang kaliwang kilay at ngumiti ng nakakaloko.

" Mark, Im serious "

Tumawa naman siya. Tinaas niya ang kaniyang dalawang kamay na animo'y isang kriminal na sumusuko. Napailing-iling ako.

" Aright! Let's eat "

He said. Napangiti ako. Finally! Matitikman ko na ang hinanda niyang breakfast.

Ipinaghila niya ako ng upuan. Nginitian ko siya at nagpasalamat. Kibit-balikat lang naman ang sinukli niya. Excited kong dinampot ang kutsara at tinidor bago nagsimulang sandukin ang mga niluto niya.

Agad kong tinikman ang mga iyon. Masasabi kong magaling siyang magluto. Actually, tinalo pa nga ako. Hindi halata na isa siyang mayamang bussiness man, dahil sa sanay niya sa pagluluto.

" How is it? "

Buong puso ko siyang nginitian. Halatang natuwa naman siya sa naging reaction ko. Nagsimula na kaming pareho kumain. Nagkwentuhan kami about sa mga happy memories namin noong mga bata kami, dahilan kung bakit naging maingay ang buong kusina dahil mga tawanan namin. Masasabi kong napakasaya ng naging umaga ko kasama siya. Kasama ang lalaking sinisigaw ng aking puso.

Nang matapos kami sa pagkain ay ako na ang nagpresinta na maghuhugas ng pagkain. Habang naghuhugas ay inalala ko kung anong araw ngayon. Nanlaki ang mata ko.

It's Tuesday, January 9..

Ibig sabihin, Ngayon ang araw ng monthsary namin ni Mark. Two years and One month na pala kami. Ang tagal na din pala simula ng maging kami. At sa dalawang taon na 'yun, maraming bagay ang nangyari. Saya, lungkot at sakit ang mga naranasan ko sa dalawang taon. Ngunit kahit ganun, ay mas lalo ko siyang minamahal.

Napaawang ang aking labi. Sandali, wala bang naaalala si Mark, hindi niya ba naaalala na Monthsary namin ngayon?

Nanikip agad ang aking dibdib. Wala siyang binabanggit sakin simula kanina. Ni hindi niya ako binati ng 'Happy Monthsary, My Vivian' na dati naman ay ginagawa niya. Nagmamadaling tinapos ko ang paghuhugas at agad tumungo sa balkonahe kung nasaan siya. Nakatayo lamang siya. Nakatanaw sa dagat na parang ang lalim ng iniisip. Napabuntong hininga ako. Pilit winawaglit ang tampong nararamdaman ko ngayon.

Yumakap ako sa kaniyang likuran. Humarap siya sakin at ngumiti. Hinawi niya ang ilang hibla ng aking buhok na humaharang sa aking mukha dahil sa hangin.

" Mark? "

" Why, My Vivian? "

Napakagat ako sa aking labi. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba siyang tanungin. Pero gusto kong malaman kung natatandaan niya kung anong meron sa araw ngayon.

" W-wala ka bang naaalala? "

Kumunot ang kaniyang noo. Pinakatitigan niya ako ng buong-buo. Nagtataka ang kaniyang mga mata.

" What do you mean? "

Napaiwas ako ng tingin. Biglang sumakit ang dibdib ko. Wala siyang maalala, wala siyang natatandaan kung anong meron ngayon. Masakit iyon para sakin. Siguro kaya hindi niya na maalala dahil laging si Czarina ang iniisip niya.

" W-wala ka bang natatandaan kung anong meron ngayon? "

Kinakabahan kong tanong ulit sa kaniya. Ngumiti naman siya at natawa ng mahina. Nakahinga naman ako ng maalwan ng makita ko ang ganung reaksyon sa kaniya.

Ngunit agad ding nabura ang ngiting 'yun ng marinig ang kaniyang sinabi na hindi ko inaasahan.

" Uh, yeah. It's Tuesday and you have a class today. Don't worry, you are already excused to your class "

Kumuyom ang aking kamao. Wala talaga siyang naaalala ngayong araw. At nakakainis! Naiinis ako. Naiinis ako kasi umaasa ako na meron siyang matatandaan kung anong meron ngayon. At the same time ay nasasaktan din. Nasasaktan ako, kasi 'yung isa sa mga pinahahalagahan kong araw naming magkarelasyon ay hindi niya natandaan.

" I-it's not--Nevermind "

I said. Mabilis akong tumalikod at naglakad papunta sa kwarto namin dito sa white house niya. Napaluha na lamang ako. Hindi ko in-eexpect na ganito ang mangyayari.

Im so pathetic! Bakit pa kasi ako nagtanong?! Bakit pa kasi umasa ako. Why are you so pathetic and idiot Vivian!

__

Miss_Author018

Mistress Series 2: The Martyr MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon