Chapter 13:

5K 109 16
                                    

" OhMyGod! You bitch! Look what have you done! Ugh! My dreeesss! "

Pag-histerical ng babaing nasa harap ko. She is already drunk kaya alam kong lasing na siya.

" Im sorry, Ma'am. Sorry po talaga. "

Paghingi ko ng tawad. Saka ko lang nakilala ang babaing nasa harapan ko ng masama niya akong tinapunan ng tingin.

" Sorry? Do you think, sapat ang sorry mo para sa mamahalin kong damit?! "


Gusto ko siyang sagutin ng pabalang na sagot pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong mawalan ng trabaho. Tanging ito na lang ang inaasahan ko.

" S-sorry po talaga. Hindi ko naman po sinasadya eh! "

Nabigla ako ng itapon niya sa mukha ko ang bloody mary na in-order niya. Hindi pa siya nakuntento at hinila ang buhok ko at sinabunutan. Halos mapaluha ako dahil sa sakit ng anit ko.


Madaming nakaagaw ng pansin namin. May mga kapwa ka-trabaho ko sa bar ang umaawat kay Czarina. Napansin ko ang kalmot niya sa braso ko. Kumuyom ang palad ko.

I can't take this!

Sobra ang pananakit niya sakin.

Gumanti ako ng sabunot at pinagsasampal siya. Hindi rin naman nagpatalo ang bruhilda at sinampal din ako. Sa tindi ng inis, galit at selos ko sa kaniya ay naitulak ko siya napakalakas sa malapit sa stool bar.


Yes. Czarina Samonte. Fiance ni Mark. Naiinis ako sa kaniya dahil sa sobrang arte niya. Nagagalit ako dahil bigla na lamang niya akong sinaktan. At nagseselos dahil ang lalaking mahal ko ay nasa kaniya at mahal din siya.


Kasabay ng pagtulak ko kay Czarina ay siya namang pagsulpot ni Mark sa harap namin.


" M-mark "

Utal kong tawag sa kaniya. Sinundan ko siya hanggang sa makalabas kami ng bar habang buhat niya ng pa-bridal syle si Czarina.

Sobra akong nasasaktan. Dahil ang mga galos ko sa katawan ay ni hindi niya man lang tinapunan ng tingin. Napahawak ako sa diamond necklace na binigay niya sakin nung nag-date kami.


Parang kahapon lang ang saya-saya naming magkasama tapos ngayon balik na naman kami sa dati.

Malamig ang tingin ang pinukol niya sakin. Halata ang pagkadismaya sa mga mata niya. Nakagat ko na lamang ang aking labi.


" What the fuck did you do to my fiancee, Miss? "


Gusto kong umiyak sa harap niya. Gusto kong isigaw sa pagmumukha niya na hindi ako ang unang gumawa ng gulo. Nakatungo lang ang mga kasama ko kahit na ang manager ng bar ay tahimik lang din. Nagpatuloy pa rin ang music background ng bar. May mga taong nakatingin samin at nakiki-chismis.


" H-hindi ako ang nauna! Siya ang unang sumugod sakin. N-natapunan ko kasi siya ng wine sa suot niyang dress. H-humingi ako ng sorry but she didn't accept my sorry.. T-tapos 'yun s-sinampal niya na ako at sinabunutan. P-pinagtanggol ko lang ang sarili ko."



Sabi ko. Tumingin siya kay Czarina na ngayon ay umiiyak at masama ang tingin sakin. Tumayo siya at lumapit kay Mark. Para siyang kaawa-awa sa harap ni Mark.


" She lied, Mark. Siya ang unang nanakit! She slapped me hard tapos tinulak niya ako. Look! This is her hand mark! Siya ang may kagagawan n'yan."



Kaawa-awang sumbong niya kay Mark. Napaawang na lamang ang labi ko dahil sa mali niyang sinabi. Yes! I slapped her and pushed her away pero hindi ako 'yung nauna! Gumanti lang ako!


Masamang tumingin sakin si Mark. Hinawakan niya sa bewang si Czarina at bumuntong hininga.


" Don't worry, I'll talk this owner of the bar to fire her."


Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. What? Fire me?! WTF!!! Hindi niya ako pwedeng ipatanggal sa trabaho! At talagang in-spoil niya pa ang fiancee niya!!


Sumunod ako sa kanila hanggang sa makalabas sila ng bar. Buhat niya si Czarina ng pa-bride style. Napairap na lamang ako sa hangin.



" Mark! "



Tawag ko sa kaniya. Tumigil siya pero hindi siya humarap sakin. Pumunta ako sa harap niya. Napansin kong tulog na tulog na si Czarina.


" M-mark. P-please. W-wag mo naman akong tanggalin sa trabaho. K-kailangan na kailanga kong magtrabaho para sa pag-aaral ko. I-isa pa, h-hindi ako ang naunang gumawa ng gulo. S-sinaktan niya ako! Gumanti lang ako! "


He looked at me coldly.


" You know that she's drunk right? Dapat hindi mo na pinatulan."


Mahinahon niyang sabi. Napatanga na lang ako sa sinabi niya. Seriously? Hindi dapat patulan? Bakit hindi ko papatulan?! Hahayaan kong saktan ako ng fiancee niya hanggang sa magsawa. No way! That is not me!



" Seriously?! Mark! Kilala mo ako! Hindi pwedeng hindi ako gumanti! Sinaktan niya na ako ng pisikal! "


" But I know her more than you. I know her since. Alam kong hindi niya magagawang gumawa ng gulo. "



So, ako pa ngayon ang lumalabas na nagsisinungaling? Ako pa ngayon ang sinungaling? Wow. Wow lang talaga!


" Im tired. Let's talk tommorow in my Condo. Umuwi ka na din. "



'Yun lang at nilagpasan na ako. Namalayan ko na lang na sunod-sunod na nagsituluan ang luha ko. Napaupo ako sa parking lot at humagulhol.




Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Wala man lang siyang sinabi sakin. Ni hindi man lang siya nagtanong kung nasaktan ba ako? Kung nagkapasa ba ako?



What a nice, Mark.





__

PrincessDonalyn018

Mistress Series 2: The Martyr MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon