Chapter 19:

4.7K 116 14
                                    

Nakangiti ako habang karga karga ang bagong silang na anak ni Xyrene at Dylan. Mapilantik ang mga pilik mata, matangos na ilong at mapulang mga labi.

" Vi, baka naman matunaw ang baby Xyra ko ha. "

Nginusuan ko lamang si Xyrene kaya napatawa silang parehong mag-asawa. Napairap ako ng halikan ni Dylan si Xyrene sa labi.

Gosh. Kapapanganak lang, gusto na naman mangbuntis. Iba din -.- ginawang baboy ang bestfriend ko. At talagang sa harap ko pa mismo, nanadya talaga e.

" Like hello~ Nasa harap niyo ko. Kung maaari lang din pagpahingahin mo sa panganganak si Xyrene, Dylan. Jusko, ka-stress kayo "

Humagalpak ng tawa si Dylan kaya sinamaan ko siya ng tingin pero patuloy pa rin siya sa pagtawa. Napailing na lang ako at sumimangot.

" So bitter, Vivian. Haha! Don't worry, magkaka-baby ka din, soon. "

Ngising saad ni Dylan. Inirapan ko na lamang siya at binalik ang tingin kay baby Xyra. Ilang minuto din bago ako magpaalam na uuwi na muna para makapagpahinga.

Habang nasa byahe ako, hindi ko maiwasang alalahanin muli ang masasayang alaala namin ni Mark. Napapikit ako ng mariin.

I promised to myself na kakalimutan ko na ang lahat ng meron tayo dati, but why I can't forget you? Damn this!

It's been three months! Fucking three months but until now, hindi pa rin ako makapagsimulang magmove-on. Isang oras ang naging byahe ko bago ako makauwi sa bagong apartment na tinitirhan ko kung saan malapit sa bagong trabahong pinapasukan ko. Isa siyang bake shop na nagngangalang ' Nathalia's bake shop'

Pagod akong humiga sa maliit kong kama at napatitig sa kisame. Malungkot akong napangiti ng mabaling ang tingin ko sa mga pictures namin ni Mark na nakasabit sa wall ng kisame.

Sayang. Lahat nasayang. At kahit 'yung pagmamahal ko sa kaniya, sinayang niya lang din.

Sa loob ng tatlong buwan, wala akong naging balita sa kaniya dahil lahat ng connection na meron kami noon ay binura ko na. Kahit sa social media ay binlock ko siya. Ayoko na kasing mabasa ang lahat ng tungkol sa kanila ni Czarina.

Bumuntong hininga ako at saka bumangon para maligo. Starting tommorow, susubukan ko ng iwaglit ka sa isip ko. Para hindi na rin ako paulit-ulit na masaktan. Masaktan ng dahil sayo Mark.

Matapos akong maligo ay lumabas na ako sa maliit kong banyo at umupo sa kahoy na upuan bago nagpahid ng lotion sa katawan ko. Habang nasa ganung ayos ako ay nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. I immediately took my cellphone over the table next to my little bed. Kumunot ang noo ko ng makitang 'unknown number' ang nakalagay sa screen ng phone ko.

" Sino naman 'to? "

Bulong ko.

Sinagot ko 'yun at ilang minutong hindi muna nagsalita. Pinapakiramdaman kung magsasalita ba siya. Lalong kumunot ang noo ko ng ilang minuto ng hindi man lang nagsasalita ng kahit isang word ang nasa kabilang linya.

" Hello. Who's this? "

Ako na ang naunang nagsalita. Ngunit hindi pa rin sumagot ang nasa kabila. Agad nag-init ang ulo ko sa kaniya.

" Look, kung tumawag ka para pag-trip-an ako, please wag ako! Isa pa. Sino ka ba? Sinong nagbigay ng number ko sayo?! Sumagot kung hindi---

" Vivian "

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa paninigas ko sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang pamilyar na boses sa kabilang linya na bumanggit sa pangalan ko.

No.

Hindi maaari.

Imposibleng tumawag siya saken. At ano naman ang dahilan para tawagan niya 'ko? No Vivian, masyado mo lang siyang namimiss. Tigilan mo na ang kahibangan na ito.

" What? Sabi ko sino--

" I miss you, baby "

At tuluyan ko ng nabitawan ang cellphone na hawak ko ng marinig ko ang mga katagang na 'yun. Hindi nga ako nagkakamali.

Tila tumigil ang mundo ko ng makumpirmang siya ngayon. Ang tibok ng puso ko ay bumilis ng napakabilis. Nangangatal na pinulot ko ang cellphone ko at laking pasalamat ko na in-end na niya ang call.

It's him.

Oh my god!

M-mark!

~•~

(A/N: Pasensya na po sa short update. Hehe bawi po ako mamaya :) )

Mistress Series 2: The Martyr MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon