KILL TWO: "SUICIDE OR MURDER?"
"1, 2 and 3" umahon na ko sa tubig "okay guys. Bukas ulit" nagpunas muna ako ng buhok bago Ang katawan, may practice kami sa swimming kaya maaga Ako umalis ng bahay. Hindi ko tuloy naka usap si mama at papa, at mukha hindi pa sila talaga nag aayos
"Wala talaga makakatalo sa isang Deo Brent Vasquez" lumipat sakin sila, ginulo ni Kosh ang buhok ko
"Tigilan niyo nga ako" pumasok ako room namin, at saka hinanap ang damit ko "nakita niyo ba si Bea?" Tanong ko, naka tulog na ko kagabi kaya hindi ko na natawagan o natext man lang siya. Sa sobrang aga namin ngayon nagmamadali ako kumilos kaya hindi ko na rin nahawakan ang cellphone ko
"Nag away ba kayo?" Tanong ni Gio
"Hindi ko alam. Hindi ko pa kasi siya nakaka usap eh" sagot ko.
"Mukha kailangan niyo mag usap. Tara na" singit ni Kent
Pagkatapos ko magbihis, lumabas na kami sa swimming room. Ngunit may nakita kaming nagkukumpulan sa may gitna
Tumakbo agad si Timothy doon, Makiki chismis nanaman yan
"Hindi ko alam kung tunay na lalaki si Timothy. Para may kakaiba sa kanya" Napa tingin kami kay Felix
"Ano?" Tanong nila
"Bakla ata siya eh" binatukan na lang siya ni Jim, dahil sa kung ano ano pinagsasabi niya
Lumapit na lang kami sa kung ano meron doon, at papalapit naman samin si Timothy
"Anong nangyari doon?" Tanong ni Gio
"May nagpakamatay daw eh, pero sabi ng iba pinatay" nagpakamatay? Pinatay? Ano?
"Suicide or Murder?" Tanong ko
Tumango lang si Timothy "kani- kaninang madaling araw lang daw namatay eh" 6:00 ako pumunta dito sa school, so kanina pa yan? Bakit hindi ko nakita? Siguro kakamadali ko rin.
"Babae o lalaki?" Tanong ni Jim
"Lalaki" sagot ni Timy
"Magsipag tabi kayo mga students, kami na ang bahala dito. Pumunta na kayo sa kanya kanya niyong klase" sigaw ng pulis kaya nagsipag alisan na rin sila, bago Ako sumunod sa kanila tumingin muna ako sa patay. Naka talikod ito at dugo ang nasa paligid niya
Tumakbo na lang ako sumundo kila Gio
"Sino kayang pumatay doon?" Rinig kong sabi ng babae nasa gilid ko
Nang makalapit ako sa kanila, Napa tigil kami nang mag salita ang speaker
"Good Day everyone, mayroon meeting ang lahat ng teachers kaya stay lang kayo sa room. Thanks"
YOU ARE READING
Her Other Side (ON-GOING)
Mystery / Thriller"Wag kayong maingay, natutulog siya" "Wag kayong sumigaw, magigising siya" "Wag kayong mag usap, malalaman niya" "Wag kayong magsisinungaling, magagalit siya" "Wag niyo siyang Gagalitin, makakapatay siya" Sa mundong ibabaw na to, may isang babae ma...