KILL FIVE

67 1 0
                                    

KILL FIVE: "LITRATO"

Avinyl's POV

Tumayo ako, parang pagod na pagod ang katawan ko pero wala naman ako ginawa, siguro dahil na rin to sa kahoy na kama na toh. Tumingin ako sa sarili ko ang dumi ko nanaman, kinuha ko ang tuwalya at pumasok sa banyo para mag ayos

Pagkatapos kong mag ayos niligpit ko muna ang higaan ko at saka bumaba

Nakita ko si mama na nagluluto

"Avinyl?" Tawag sakin ni ate.

"Po?" Lumapit siya sakin

"Kunin mo naman yung lumang sapatos ko sa likod, may ginagawa kasi ako. Ikaw lang ang magpauutusan ko" tumango ako, at saka lumabas ng bahay, pumunta ako sa likod. Hinanap ko yung puting sapatos ni ate, pero iba ang nakuha ko. Isang lumang pictures na maraming tao. Para siyang class pictures kung titingnan

Pinagpag ko ang pictures at saka tiningnan ang litrato. Umupo muna ako sa isang malaking bato sa gilid, tiningnan ko ang isa isa Ang mga mukha. Ang nakilala ko lang ang mama at papa ko mukhang matagal  na nagkasama sila bago magpakasal, nakita ko din ang dating mukha na nakainuman ni papa lalo na yung lalaking pumatay sa kanila. Nakita ko din si inay at itay dito, Magkamukha yung pumatay kay mama at papa kay Deo. Napailing na lang ako napaka gwapo kasi ni Deo kung ikukumpra ko siya sa mamatay tao

Bago ako tumayo may nakita akong babaeng katabi ni mama, mahaba ang mukha at napaka seryoso ng mukha niya. Parang nakikita ko tong mukhang Pero Hindi ko naaalala.

Tumayo na lang ako at pinasok sa bulsa yung litrato at pinagpatuloy ko na yung paghahanap ng sapatos ni ate.

Nang mahanap ko na pumasok na ko sa loob at agad kong binigay kay ate

"Salamat Avinyl" ngumiti na lang ako

***"""***

Habang kumakain, dahil sa sobrang tahimik biglang nagsalita si Kuya Nel.

"Mama, dahil minsan na lang tayo nakakapagsabay sabay kumain. Magkwento ka naman about sa inyo ni papa" ngingiti sana ako nang maalala yung litrato. Magkakaklase sila mama, papa, inay at itay siguro alam nila kung sino yung babaeng kilala ko ang mukha pero Hindi ko alam kung asan ko siya nakita.

Sila inay at itay ang nag alaga sakin Simula nung namatay sila mama at papa ang sabi nila kaibigan daw sila ng mga magulang ko kaya pumayag ang dswd na sa kanila ako pabantayin. Hindi ako pala tanong o di kaya pala salita, tahimik akong tao. Kaya Hindi ako nagtatanong kung pano nila nakilala ang mga magulang ko pero ngayon mukhang alam ko na, klasemate ng magulang ko sila inay at itay. Lumaki na lang ako ma walang nalalaman tungkol sa kanila, ang Alam ko lang may tatlo silang anak, Si Kuya Nel ang una, Ate Ziah ang pangalawa, Pangatlo naman si Kuya Neo at ang huli si Hanz magkasing edad lang kami. Sa lahat ng anak nila wala akong close sa kanila.

Nag aaral ako ng mabuti, para masuklian ko sila dahil sa mabuti at maayos na pag aalaga sa akin

"Ano ba kayo mga anak!" Natatawang sambit ni inay.

"Dali na ma!" Nagmamakaawang sabi ni Ate Ziah, siguro kung wala ako dito masaya sana sila. Napansin ko lang kasi Simula nung lumaki Hindi na sila nagsisipag sabay kumain.

Her Other Side (ON-GOING)Where stories live. Discover now