KILL FIFTEEN

47 3 0
                                    

Kill Fifteen: "Examination"

Deo's POV

Ilang linggo din ang lumipas at ngayon na ang araw ng examination.

Tumayo ako sa kama at pumasok sa cr para maligo, ilang minuto ang lumipas. Nagbihis at nag ayos ako sa sarili

Bumaba na ako ng kwarto, dumeresto ako sa dining room. Nakita ko si mama, papa, kuya Vishnu at alisha

"Deo kain na" tawag sakin ni mama

Lumapit ako at tumabi kay Alisha, at nagsimula na ako kumain

"Ngayon na pala yung exam diba?" Tanong ni papa

"Yah" maikling sagot ko

"Nag review ka ba Alisha?" Tanong ni papa kay Alisha pero nakatingin pa rin sa Plato niya

Gulat na napatingin si Alisha Kay papa

"Ahh- opo pa" nag aanlinlangan na sagot ni Alisha, yumuko na lang siya

"Siguraduhin mo, dahil kapag bagsak ka sa exam ngayon. Grounded ka" gulat kaming Napa tingin kay papa

"But pa---"

"NO BUTS ALISHA HOPE!" natahimik kami ng sumigaw si papa

Tahimik na lang kami kumakain tanging kutasara't tinidor ang maririnig

"Vishnu may gagawin ka ba ngayon?" Tanong ni papa

"Wala naman pa" walang ganang sagot ni kuya

"Ikaw muna ang mag asikaso about sa mga bago natin mga costumer" tumango na lang si kuya

Pagkatapos ko kumain tumayo ako at umakyat sa kwarto para kunin ang bag ko. Pagkababa ko, pumunta ako ng sala at nakita ko si mama na naka upo sa sofa

"Patay na pala si Andrea Martinez, Deo" Gulat ako Napa tingin kay mama. Talaga? Eh kahapon ang sigla sigla pa nun ah!

Hinabol pa nga si Avinyl eh!

"Ano pong nangyari ma?" Tanong ko

"Pinatay mismo sa Marc bar kahit maraming tao" napailing na lang ako. Nag paalam na ako sa kanina at sumakay sa kotse

Ano kaya nangyari kila Avinyl at Andrea. Bakit hinahabol ni Andrea si Avinyl? Si Avinyl tahimik na tao at mahinhin, hindi mo maiisip na pala away yun o di kaya gagawa ng Mali. Si Andrea naman kapag sinaktan mo siya o may nagawa kang Mali sa kanya doon ka niya hahabulin hanggang sa parusahan ka.

Si Andrea ay kilala bilang girl gangster. Gusto na nga ni Lolo na idrop siya kaso mayayaman at matataray ang parents nun, araw araw na lang kasi laging may pumupunta na ibang school para sugurin si Andrea. Hindi naman ako sinasaktan o pagtripan dahil alam niya apo ako ng may ari ng school. Hinahayaan ko na lang siya, at ginagawang hangin sa paningin ko

Pero mukha may malaking maling nagawa si Avinyl kay Andrea dahil gigil na gigil siya nung nakita ko siya sa labas ng cr ng Boys.

Pagkarating ko sa parking lot. Bumaba na ako at maglalakad na may narinig ako.

Her Other Side (ON-GOING)Where stories live. Discover now