Kill Thirteen: "Flashback"
Avinyl's POV
Pagkatapos ng klase. Inayos ko lang gamit ko at lumabas na ng room, hindi naman Ako pala kaibigan kaya wala ako palaging kasama. Pero para sakin mas okay na yun, para kasing feeling ko may nagagawa ako na hindi ko nalalaman
Pagkalabas ng school sumakay ako ng tricycle. Ilang minuto lang nakarating na ako ng bahay
"Dito na lang po" tumigil ang tricycle, bumaba ako at nagbayad
Pumasok ako sa gate at sinarado. Pag pasok ko sa loob kumakain na sila
"Late ka ata ng uwi, Avinyl" sambit ni inay, binaba ko lang gamit ko saka at lumapit sa kanila. Umupo ako sa tabi ni ate ziah
"Nag over time po kasi si Sir Hidalgo, nay" sagot ko. Tumango lang siya
Kumuha ako ng pagkain at tahimik na kumakain. Pagkatapos namin kumain, tumayo na ako at kinuha ang gamit ko sa sala, at umakyat sa kwarto
Pagkapasok ko sa kwarto nag ayos ako sa sarili. Nang matapos ako pagod akong humiga sa kama
"Okay ka lang, Alexis?" Tanong ng babae kay mama
"Yah. Pero sana paki usapan mo siya" sambit ni mama. Tumango lang ang babae
Lumayo na lang ako sa kanila dahil hindi ko naman alam ang pinag uusapan nila. I'm 10 years old now
Nakipag laro na lang ako sa mga dolls ko. Habang masaya akong naglalaro may narinig ako sa labas
"Kailangan niya ng mayayaman ng pamilya, Joseph" sigaw ni mama
"Tapos ibebenta mo siya? Ha!" Sigaw naman ni papa
Hindi ko alam kung ano ang pinag aawayan nila. Pero palagi silang ganyan, pero kapag lalabas ako parang walang nangyari sa kanila
"Eh si Avinyl? Hindi mo ba siya mahal?" Tanong ni mama
"Mahal ko siya! Pero mas mahal ko yun!" Mahinang sagot ni papa
YOU ARE READING
Her Other Side (ON-GOING)
Mystery / Thriller"Wag kayong maingay, natutulog siya" "Wag kayong sumigaw, magigising siya" "Wag kayong mag usap, malalaman niya" "Wag kayong magsisinungaling, magagalit siya" "Wag niyo siyang Gagalitin, makakapatay siya" Sa mundong ibabaw na to, may isang babae ma...