KILL EIGHTEEN

51 2 0
                                    

Kill Eighteen: "Buwaya"

Someone's POV

Tumayo ako, kagagaling ko lang kay Avinyl. Masarap pumatay, masarap kumain ng pinatay. Wag kang mag alala Alexis at Joseph gaganti ako para sa inyo. Hangga't nabubuhay ako, hahanapin ko kung sino ang pumatay sa inyo

"Aviinnnnyyyllllll!" Tumingin sakin si Avinyl na magang maga ang dalawang mata. Kawawang bata, nasa harap niya ang walang Malay na magulang niya "anong nangyari sa kanila?" Tanong ko ng makalapit ako sa kanya

"Pi---pin- *hik* natay po *hok* nu-ung la-laki" niyakap ko siya. Sinong gumawa sa inyo nito, Alexis at Joseph? Sino yung walang hiyang tao yun?

"Shhh tama na. Wag kang mag alala may mag aalaga sayo" sambit ko

"Ayoko po sa bantay bata huhu" tinggal ko ang pagkakayakap sa kanya. Tinitigan ko siya sa mata, 'bakit kita ilalagay sa bantay bata? Edi hindi na ako makakapasok doon?'

"Don't worry. Hindi kita ibibigay sa bantay bata" kay Angelica kita ibibigay

Nakatulala lang ako sa may bintana, ng may naramdaman akong pumasok

"Miss, kain na po" hindi ako lumingon sa nurse. Tiningnan ko ang paligid ko, puro puti. Ang Dingding, ang damit ko, ang mga gamit dito. Pakiramdam ko ang bait bait ko.

"Kain na po miss para mainom niyo na ang gamot niyo" lumapit sakin ang nurse

"Hindi ako nagugutom!" Sigaw ko

"Pero miss, kailangan niyo po ng lakas para gumaling na kayo" tinignan ko siya ng masama. Napa atras siya

"Pag sinabi ko hindi ako gutom. Hindi ako gutom!" Sigaw ko at tinapon ang hawak niyang tray

Napailing na lang siya at pinulot ang mga ito, at lumabas. Umupo naman ako sa gilid ng kama at tiningnan ang picture nilang apat. Si Alexis, Joseph, Avinyl at ang kakambal ni Avinyl. Wag kayong mag alala makukumpleto rin kayo, mag antay lang kayo

Her Other Side (ON-GOING)Where stories live. Discover now