Kill Ten: "Namiss ko na rin Tropa ko"
Deo's POV
Ilang araw din ang lumipas, at busy na kaming magkakaibigan kaya minsan hindi na kami nagkita kita.
Pagkatapos ng klase, lalabas na sana kami ng biglang pumasok ang mga officer
"Good Morning Class B" bati nila, bumati kami at umupo "may announcement mamayang 3:00 sa grounds kaya wala muna uuwi" sambit ni Clack at saka umalis
Akala ko naman kung ano, gusto ko sana sunduin si Bea kaso dito samin magkahiwalay ang Class A at Class B. Nasa kabilang building ang class A kaya nakakatamad pumunta doon. Dumaan na lang ako sa room ni Kosh kaso sabi ng katabi nilang section nasa Computer Room daw sila. Tinext ko si Gio na Sabay kami magbreak time
Habang naglalakad ako may nabangga akong babae kaya nagsipag hulog ang gamit niya, kinuha ko yun at binigay sa kanya ng maayos ngunit ng makita ko ang mukha niya nagulat Ako
"Avinyl?" Naka ngiting sambit ko
Ngumiti lang siya at tumango "Sa-Salamat. Sorry ah nagmamadali kasi ako ih" inayos niya ang ibang papel
"Saan ka ba pupunta?" Tanong ko
"Class F" mahina niyang sagot. Napaka mahinhin naman niya
"Ahhh katabi lang namin yun, halika samahan na kita" sambit ko, tumango naman siya. Kinuha ko ang ibang libro sa kanya
Tahimik lang kaming naglalakad, minsan nauuna siya pero kadalasan nahuhuli siya. Nang makarating kami binigay niya ang mga dala niya sa Class President ng Class F
Pagkatapos namin ihatid, nagpaalam na siya at umalis. Ako naman dumeresto na lang sa cafeteria, nang makarating ako doon nakita ko si Gio na naglalaro ng cellphone. Umorder muna ako at saka umupo sa harapan niya
"Ang bilis mo ah" napatigil ako sa pagsubo ng magsalita si Gio "nagtext ka sakin, sabi mo Sabay tayo magbreak time pagkatext ng text bumaba ako tas ikaw tong nag-aya wala ka pa dito" sambit niya
"Sorry ah, may nakasalubong ako kaya tinulungan ko na lang" paliwanag ko, kadiri naman para kaming mag jowa na Hindi nagkaintindihan "pero dapat nagreply ka sakin na andito ka na cafeteria noh" saad ko at saka nagpatuloy sa pagkakain
"Wow ah sorry, naubos kasi load ko eh. Pasensya ah" Gio said sarcasm. Kinuha niya ang isang tray at kinain ang nakalagay doon
Napatawa na lang ako at Sabay kami Kumain, pagkatapos kumain lumabas kami ng cafeteria
"May klase ka pa ba?" Tanong ko
"Wala na. Bakit?"
"Tara, punta muna tayo sa mall!" Sambit ko at nagsimula naglakad
YOU ARE READING
Her Other Side (ON-GOING)
Mystery / Thriller"Wag kayong maingay, natutulog siya" "Wag kayong sumigaw, magigising siya" "Wag kayong mag usap, malalaman niya" "Wag kayong magsisinungaling, magagalit siya" "Wag niyo siyang Gagalitin, makakapatay siya" Sa mundong ibabaw na to, may isang babae ma...