KILL THREE: "AVINYL NORIEN"
Avinyl's POV
Nagising ako ng umalarm, nagmamadali ako pumunta sa cr para maligo, inayos ko ang sarili ko bago bumaba
Pagkatapos ko mag ayos, bumaba na ko. Nakita ko si Inay na nagluluto
"Avinyl" tawag ni inay, nagmano ako "gising ka na pala, kumain ka na. Late ka na oh" umupo ako
Pagkatapos ko kumain, umalis na ko. Nag tatakbo ako para makarating sa room kaso napatigil ako ng nabangga ako
"Ouch" Napa tingin ako sa nakabang ko
"Valerie. Okay ka lang?" Tanong ng kasama niya, at tinulungan siyang tumayo. Tumayo ako at pinagpag ang sarili
"Sino ka ba para banggain ang isang katulad ko?" Eh? Bawal ba siya masaktan "gusto mo masaktan ka ng Asawa ko?" Ang bata niya para magkaroon ng Asawa ah
Yumuko ako "pasensya na, nagamamadali kasi ako eh" maglalakad na sana ako ng hawakan niya ang braso ko
"Sa susunod na makita kita, lagot ka sakin" binitawan niya ako at saka umalis
Umiling na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad, kaso bigla nagsalita ang speaker
"Good Day everyone, mayroon meeting ang lahat ng teachers kaya stay lang kayo sa room. Thanks"
Nagmamadali pa ko, wala naman pala klase. Pumunta muna ako sa gilid ng school, meron doon isang kubo na pwede kang makatulog
Nang makarating ako doon, pumasok ako sa kubo at humiga
"Ssshhhhh, wag kang maingay. Magigising yung papa niyo" narinig kong bulong ng lalaki kay mama
Tanging hikbi na lang ang maririnig sa buong bahay, wala na si papa pinatay na siya. Habang si mama ginagahasa sa harapan ko, nakahiga lang akp habang nakatali ang kamay at paa
Nagising ako ng naramdaman ko may tumulo sa mata ko, tiningnan ko ang orasan. Isang oras lang ako nakatulog
Lagi ko na lang napapaginipan yun, nakakasawa maalala ang bagay na gusto mo ng kalimutan
Dahil nagutom ako, pumunta muna ako saglit sa library para manghiram ng libro. Nang mahanap ko na ang libro, may binigay sakin papel at sinagutan ko. Pagkatapos ko sinagutan may binigay sakin na parang number. Pinasok ko sa bag nang libro at saka pumunta sa cafeteria
Nang makabili na ako ng pagkain, doon ako pumwesto sa malaking lamesa. Habang kumakain ako may naramdaman akong lumapit
"Excuse me Miss" tumingin ako sa kanya "bago ka lang dito?" Tumango lang ako kahit hindi, matagal na ako dito sa school. Di lang nila ako napapansin dahil minsan Hindi ako nagre recess nasa taas lang ako o di kaya nasa library. Tas maaga din ako umuwi, di rin ako sumasali sa kung saan saang party o kahit ano. Kaya ngayon lang ata nila ako makita "ahmmm kasi -----" magsasalita na sana siya ng may sumingit na babae
YOU ARE READING
Her Other Side (ON-GOING)
Mystery / Thriller"Wag kayong maingay, natutulog siya" "Wag kayong sumigaw, magigising siya" "Wag kayong mag usap, malalaman niya" "Wag kayong magsisinungaling, magagalit siya" "Wag niyo siyang Gagalitin, makakapatay siya" Sa mundong ibabaw na to, may isang babae ma...