Kill Twenty one: "Truth or Dare"
Avinyl's POV
Hindi ako makadikit o maka usap si Kosh, dahil sa nagawa ko. Nahulog kasi kanina yung isa niyang earphone kaso hindi ko na maibalik kaya sinuot ko na lang, panget ang kanta huhubarin ko na sana kaso ang next ay ang paborito ko, hindi ko Alam nakatulog pala ako. Shet! Anong ginawa mo Avinyl? Pinahiya mo sarili mo!
"Tagsa sampu lang ang magakaksya sa jeep kaya, bumuo kayo ng sampu niyong grupo at sumakay na sa jeep" naka tayo lang ako at hindi naghanap ng grupo. Bakit pa wala naman gusto nakipag usap sakin? Maglalakad na lang ako, tss parang Alam ko na dito ah
"Ate Avinyl, dito ka na. Nine lang kami" napatingin ako kay Alisha ng tawagin ako, kahit nahihiya lumapit na lang ako "oh ayan, ten na tayo. Ayus ba?" Dagdag ni Alisha. Narinig ko lang ang pangalan nung nasa restaurant, yung inasar si Gio dahil sa Banat ni Alisha
Sumakay na kami sa jeep, Lima ang nasa kaliwa sila Alisha, Gio, Kent, Anamier at Felix. Umupo naman ako sa kanan kasama sila Deo, Jim, Kosh at Timothy
Hindi naman mahaba ang byahe, hindi rin tahimik ang byahe dahil may dalawang tao ang nagjo joke sila felix at gio.
Nang nakarating kami sa isang dagat, pinasakay kami sa isang bangka. Tahimik lang ako nakamasid sa paligid. Eto na ba yung Palawan? Kaya pala gusto pumunta ni mama eh maganda. Kaiden, akala ko pareho tayong pupunta dito.
"Wag kang matigas ang ulo vinyl!" Sigaw niya sakin, gusto ko makita si Nathan. Gusto siyang makita!
Tumkbo na lang ako kung saan. "Ayoko sayo ang bad mo!!!" Sigaw na sambit ko
"Avinyl wait. Avinyl wag kang tumakbo!" At -----
"Avinyl, okay ka lang?" Napatingin ako kay Deo. Tumango lang ako at ngumiti. Siguro masarap magkaroon ng mga kaibigan, para masabi mo sa kanila yung gusto mong sabihin kaso wala eh Wala akong ganun, mayroon ako kaso nawala pa. Ang bigat sa pakiramdam na may madala dala kang masasakit na pangyayari sa puso at isip tapos hindi mo malabas kahit kanino.
Napatingin na lang ako sa paligid na may malaking bahay na puti.
"Dito ang tutulugan niyo. Sa isang kwarto, may apat na kama doon bahala na kayo kung magkasama ang babae't lalaki" hindi ko Alam lang pangalan niya pero siya yung nag ayos samin sa bus.
Hindi ko Alam kung saan pumunta ang paa ko basta pumasok lang ako sa kwarto at binaba ang bag doon. Ang sakit ng katawan ko, Hindi talaga ako sanay sa mga ganito. Nagulat ako ng pumasok ang tatlong babae
"Hi Avinyl, dito na lang kami" masayang tanong ni Alisha. Tumango at ngumiti lang ako
YOU ARE READING
Her Other Side (ON-GOING)
Mystery / Thriller"Wag kayong maingay, natutulog siya" "Wag kayong sumigaw, magigising siya" "Wag kayong mag usap, malalaman niya" "Wag kayong magsisinungaling, magagalit siya" "Wag niyo siyang Gagalitin, makakapatay siya" Sa mundong ibabaw na to, may isang babae ma...