KILL FOUR

73 1 0
                                    

KILL FOUR: "DIE IN RACE CAR, Paulo"

Deo's POV

"Ano sama ka Deo?" Tanong sakin ni Richard sa cellphone. May laban daw ng race car ngayon, five thousand daw ang prize kapag nanalo. Kaso nagdadalawang isip pa ko, maaga ako umuwi para maka usap si mama at papa pero mukhang Hindi ko nanaman sila makaka usap

"Tawagan na lang kita kung sasama ako" sagot ko

"Good. Doon pa rin sa dati ang tagpuan, opps oo nga pala may bago ng rules Simula nung natanggal na si Boss Jj" si Boss Jj ay dating nagpapatakbo ng race car kaso natanggal siya ng napag alaman ang sekreto niya. Ang bago boss ngayon ay si William "No credits, No Race car" kay Boss Jj 'No Gasoline, No race car'

"Sige" binaba ko na ang cellphone, nagbihis muna ako ay saka pumunta sa kwarto ni mama. Maaga daw umalis si papa, at Hindi pa rin daw sila nag uusap ni mama

Kumatok ako pero walang nagbukas kaya, binuksan ko na lang

Nakita ko si mama nakahiga ng patagilid. May dalawang alak sa tabi ng kama niya. Lumapit ako mama

"Ma?" Umupo ako sa tabi niya "di pa rin ba kayo mag uusap ni papa?" Tanong ko pero Hindi pa rin siya sumasagot "baka pwede naman pag usapan niyo yan. Nasasaktan ako nakikita kang ganyan" dagdag ko, tumayo siya at saka pinunasan ang luha sa mata niya. Nang makita ko ang mukha ni mama, namamaga ang mga mata niya, namumula ang tenga at ilong niya.

"Anak. Sawa na ko" sabi niya habang humihikbi, niyakap ko siya

"Ano ba kasing problema niyo ma?" Tanong ko. Simula nang lumabas  si Alisha, lagi na lang sila nag aaway na Hindi naman namin maintindihan. Pero ang laging sinasabi ni mama "Pano pag pinatay ka niya"

"Wala na kayo doon" sabi niya kaya umalis ako sa pagkakayakap sa kanya

"Wala pala kami doon, pero bakit parang kasama kami doon. Pag nagaway kayo ni papa, Hindi kayo umaalis ng kwarto, ni Hindi man lang tinanong kami ni Alisha kung okay lang araw namin" napatingin siya sakin "Ma! Bata pa si  Alisha pero ganito na ang nakikita niya. Sabi ni Hannah, si Alisha ay laging nakwe kwento sa mama ni Frea tungkol sa araw na dapat sana ay sayo. Pero ano? Ikaw? Andito sa kwarto umiiyak, umiinom, nagdra drama dahil nag away nanaman kayo ni papa" naaawa ako kay Alisha. Akala mo lang masaya siya kapag kausap niya ako pero ang totoo gusto niya ako yakapin at umiyak sakin kaso away niya kasi alam niya matapang ako. Hindi ako umiiyak at kung iiyak siya sa harapan ko, naiiyak rin ako. Ganun ko kamahal siya

Her Other Side (ON-GOING)Where stories live. Discover now