Kill Seventeen: "Palawan"
Avinyl's POV
"Palawan is the name of an archipelagic province of the Philippines, named after its largest island and located toward the western edge of the country. Palawan archipelago lies between South Sea China in the northwest, the Sulu Sea in the southeast, Mindoro Island to the northeast, and Borneo to the southwest"
Inekis ko na ang sinearch ko at pinatay ang laptop. Tumayo ako sa kama
"Salamat ate" tumango lang si ate, ako naman lumabas na ng kwarto niya
Mukhang Maganda ang Palawan ah? Gusto kong pumunta! Apat na araw lang ang examination namin, at dalawang araw ang pagpapahinga para maghanda papuntang Palawan. Kaso hindi ko alam kung sasama ako?
Tinulungan ko si inay na mag ayos ng pagkain
"Bat ka andito? Hindi ka ba naghahanda ng gamit mo?" Taka akong tumingin kay inay
"Eh?"
"Mag ayos ka na ng gamit dahil sasama ka sa Palawan!" Naka ngiting sambit ni inay. Eh? Totoo?
"Okay lang naman po kung hindi ako sasama inay" sambit ko
"Ano ka ba! Magpakasaya ka! Dali na mag ayos ka ng gamit mo at sasama ka sa Palawan" tinulak ako ni inay pataas hagdan "magsaya ka doon ah. Wag ka mahihiyang makipag usap sa mga soulmate mo ah" napangiti ako Dahil sa sinabi ni inay, namiss ko si mama.
"Anak, be a good to your classmates ah. Wag ka din magpapasaway sa mga teachers mo" paalala ni mama habang inaayos ang uniform ko
"Opo mama" sagot ko habang kumakain ng lollipop
"That's my babygirl" kiniss ni mama ang pisngi ko
Pag pasok ko sa kwarto, kinuha ko yung maliit ng bag ko at inayos ang mga dadalhin ko.
-------
Tahimik lang kami kumakain"Magpakasaya ka doon Avinyl ah" napatingin ako kay itay ng nagsalita siya.
Ngumiti at tumango lang ako. I hope so!
"Dapat pagka uwi mo dito mag boyfriend ka na ah" nagulat ako sa sinabi ni kuya nel.
"Wala po yan sa iniisip ko kuya hehe" kaya ko pa bang magmahal, pakiramdam ko kasi kapag minahal ko yung isang taong nawawala agad siya
Pagkatapos Kumain, lumabas muna ako ng bahay at nagpahangin. Pero sa hindi inaasahan may nakita ako sa tabi ng puno
Babaeng mahaba ang buhok at nakaputi ang damit, nakatingin sa akin. Lalapit sana ako pero bigla siyang tumakbo
YOU ARE READING
Her Other Side (ON-GOING)
Mystery / Thriller"Wag kayong maingay, natutulog siya" "Wag kayong sumigaw, magigising siya" "Wag kayong mag usap, malalaman niya" "Wag kayong magsisinungaling, magagalit siya" "Wag niyo siyang Gagalitin, makakapatay siya" Sa mundong ibabaw na to, may isang babae ma...