{Riri °^°: Tama na ang pagpapakilig hahaha gusto ko patayan na :> Happy Wednesday Evriwan ;> Enjoy Reading My Cookies💖 I will eat you later haha Charot :>}
Kill Nine: "Babaeng mahabang buhok"
Avinyl's POV
"Isang babae patay ng naglalakad lang papu----"
Napatingin ako kay inay ng patayin niya ang TV
"Puro kayo nood, tapusin niyo muna yung mga ginagawa niyo" sambit ni inay at saka umalis
Kinuha ko ang gamit ko at saka pumunta sa terrace, nahihiya ako kung sasabay ako sa kanila na magbasa.
Habang nagbabasa hindi ko maiwasan na maalala ang masasaya naming alala ng aking pamilya, ang hirap iwasan, miss na miss ko na sila. Pakiramdam ko nag iisa lang ako sa mundong ito
Pagkatapos kong magbasa, niligpit ko ang gamit ko at saka lumabas muna bahay
Lakad lang ako ng lakad, hanggang makarating ako sa kaunti bahay. Dito kasi sa aming tinitirhan mukha siyang probinsya kung titingnan kaso nasa syudad pa rin toh tago nga lang.
Nagulat ako ng may magsalita sa tabi ko "Naliligaw ka ba hija?" Napatingin ako sa kanya, matandang babae siya kung huhulaan ko ang edad paniguradong kasing edad lang siya ni inay
"Ahmm hindi po, alam ko po dito, actually naglalakad lakad lang ako" paliwanag ko, Ewan ko nga ba kung bakit dito nakarating ang mga paa ko eh
"Ganun ba. Sa susunod mag ingat ka, alam mo naman ata ang mga bali-balita ngayon" tumango lang ako. Parang namumukaan ko siya, weird lang kasi hindi ko alam kung saan ko siya nakita
"Salamat po sa paalala. Mauna na po ako" sambit ko, ngiti at tango lang ang naisagot niya at saka umalis
Ako naman bumalik na lang pabalik sa amin, ngunit bago man ako makapunta sa amin may nakasalubong akong dalawang lalaki, mukha silang nurse dahil na rin sa puting suot nila
"Nakita mo ba?"
"Hindi nga eh"
"Yung matanda talaga yun. Kahit anong gawin basta makatakas lang siya"
Iling iling sila umalis, sinong hinahanap nila? Matanda?Binaliwala ko na lang sila, at saka pumasok na bahay
"Saan ka galing Avinyl?" Tanong sakin ni inay
"Naglakad lakad lang po" sagot ko, tumango lang siya at saka lumabas ng bahay
Pumasok ako ng bahay at umakyat ng kwarto, nag ayos ako ng gamit ng hindi ko sinasadyang nasanggi ang picture ni inay. Gulat na napatingin doon, napapanood ko sa palabas na kapag nabasag ang larawan ng isang tao may mangyayaring masama doon. Wag naman sana! Inayos ko na lang iyon at nilinis, inayos ko talaga na walang matitira bubug
YOU ARE READING
Her Other Side (ON-GOING)
Mystery / Thriller"Wag kayong maingay, natutulog siya" "Wag kayong sumigaw, magigising siya" "Wag kayong mag usap, malalaman niya" "Wag kayong magsisinungaling, magagalit siya" "Wag niyo siyang Gagalitin, makakapatay siya" Sa mundong ibabaw na to, may isang babae ma...