🍁 | O16

480 10 0
                                    

Jaemin's POV

Pinagbuksan ko si Jiheon ng pinto at pinapasok siya sa dorm.

"Upo ka muna." sabi ko sa kanya. Mukhang hindi pa siya nag-uumagahan.

"Hmm... anong oras ng simula ng klase niyo?" tanong niya habang pinaglalaruan ang mga plastik ng dried seaweeds na may mukha ni Ten hyung.

"Nine pa. Kayo?"

"Eight." bored niyang sagot at kinain yung dried seaweeds.

"Nakainan na iyan ni Chenle, ipagluluto kita. Yun na lang ang kainin mo." sabi ko habang inaayos ang apron ko.

"Oh? Ang aga ng bisita ah?" bati ni Jeno.

"Ah, hindi kasi papasok iyang si Nana kung hindi pipilitin."

"Hindi naman talaga dahil may--" hindi natapos ni Jeno ang kanyang sinasabi dahil inakbayan siya ni Renjun.

"May?" tanong ni Jiheon.

"May, June, July, ㅋㅋㅋ" saad ni Jeno.

Umupo si Jisung sa tabi ni Jiheon at kinausap din siya.

"Jiheon gusto mo sabay na tayo sa pagpasok?" tanong ni Jisung.

"Iba na 'to Jisung ah~" tukso sa kanya ni Jeno.

"Nasaan nga pala yung iba ninyong members?" tanong ni Jiheon.

"Si Mark hyung at Haechan ay nasa 127. Si Chenle nasa bahay nila." sagot ni Renjun. Nagpatuloy na lamang ako sa pagluluto at binaliwala ang mga sinasabi nila.

"Hyung ako na ang magluluto para kay Jiheon." si Jisung.

"Ako na." sabi ko.

"Hyung--"

"Ako na nga sabi." madiin kong saad. Nagulat si Jisung sa sinabi ko kaya ngumuso siya at tumabi ulit kay Jiheon. Hay Nana pati ba naman si Jisung aawayin mo?

Bakit ba ako nagkakaganito para kay Jiheon?

"Kain na Jiheon." sabi ko. Tumango siya at ngumiti saakin. Ayan nanamang ngiting iyan. Napangiti din ako.

"Nana, you're healing." bulong saakin ni Renjun. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Yung buhok mo." dagdag niya. Kumuha siya ng salamin at tinapat iyon saakin.

Is she the heal?

❛ ⁿᵃⁿᵃ ً ⁿ‧ʲᵐTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon