Jaemin's POV
Umaga. Ako ang naunang nagising at ako din ang nagluto ng aming agahan.
"Sorry Heonnie, hindi agad kita naalala."
"Ayos lang Nana, alam kong mahirap para sa iyo ang nangyari."
"Paano ba ako naaksidente?"
"Hindi ko parin alam Nana, pasyensya na." Napatango ako sa kanyang sinabi. Paano nga ba ako naaksidente?
Tumunog na ang toaster hudyat na ayos na ang tinapay. Nagprito ako ng itlog at bacon. Bumili na din ako kanina ng mga cereals at gatas.
Inayos ko na ang lamesa at nilagay doon ang mga kutsara, bowls, at mga niluto ko.
Gigisingin ko na lang ang mga kasama ko. Inuna kong puntahan ang kwarto ni Jiheon at kumatok sa kanyang pinto ngunit mahina lang dahil baka mahimbing ang tulog niya.
Napangiti ako habang iniisip kung ano ang hitsura niya habang natutulog. Cute. Pagkabukas ko ng pinto ay nadatnan ko si Jeno at Jiheon na magkayakap.
"Salamat." sabi ni Jiheon. Tinapik ni Jeno ang likod ni Jiheon.
"I love you Heonnie." sabi ni Jeno habang nakapatong ang kanyang ulo sa balikat ni Jiheon.
Heonnie? Ako lang ang dapat natawag ng ganoon kay Jiheon!
Sinaraduhan ko ang pinto ng kwarto ni Jiheon at bumalik sa kusina para kumaing mag-isa.
Matapos maligpit ang mga ginamit ko ay lumabas muna ako para magpahangin.
Una si Hue. Ngayon si Heonnie ko? Jeno akala ko ba kaibigan kita? Bakit lahat ng gusto ko napapasayo?
Naglakad ako ng naglakad hanggang sa madala ako ng aking mga paa sa Starbucks. Mukhang kape ang solusyon saaking problema.
Inorder ko ang paborito kong kape at umupo malapit sa bintana. Tanaw ko ang iba't ibang buildings na hindi pa bukas dahil masyado pang maaga.
Sinuklay ko ang aking buhok, ang paborito kong galaw ni Jiheon. Nalagas ang kulay kalimbahin (pink) kong buhok.
Huh? Akala ko ba kapag naka-alala na ako ay magiging ayos na ang kalagayan ng buhok ko?
From J-Hyung:
Nana, kamusta?To J-Hyung:
Hyung naka-alala na ako.From J-Hyung:
Talaga? Ano? Kamusta?To J-Hyung:
Bumalik na sa dati ang kulay ng buhok ko pero nanlalagas ito.From J-Hyung:
Itatanong ko yan sa doktor. Sa ngayon wag ka munang kumain ng kung ano-anoHindi ko na nireplyan pa si Jehyun hyung dahil may babaeng umupo saaking harapan.
"Hi Nana!!" kaway niya.
Napasimangot ako. Naalala ko nanaman ang mga ginagawa niya kapag hindi nakatingin o kapag wala si Jiheon.
Nagtatakha niya akong tiningnan. Wag ka na magtakha kung hindi ako nakangiti sayo ngayon, tss.
Inubos ko na ang aking kape at lumabas ng Starbucks. Pero sinundan niya padin ako. Binilisan ko ang paglalakad at sa harap ko at nakita ko si Jiheon.
Nginitian niya si Yujin.
"Hi Yujin!! Dito ka na ba ulit natira?" tanong ni Jiheon kay Yujin.
"Ah, nakita ko kasi sa social mefia na nasa Busan kayo kaya naisipan ko din na pumunta." sabi ni Yujin. Ngumuso ako at tumabi kay Jiheon.
"Uuna na kami ni Heonnie ko." sabi ko kay Yujin.
"N-naaalala mo na siya?" gulat na sabi ni Yujin.
"Oo, kahapon kasi ay niyaya ako ni Nana na samahan siya para maka-alala." nakangiting sabi ni Jiheon.
Hindi ba nakokonsensya si Yujin sa mga ginagawa niya? Napaka-bait ni Jiheon para mapalapit sa isang tulad niya.
Nilayo ko si Jiheon kay Yujin habang hawak ang kanyang kamay.
Kahit na galit ako, kahit na hindi niya na ako mahal, pangako, aalagaan ko siya.
I patted her head while smiling at her. God, I love this girl.
BINABASA MO ANG
❛ ⁿᵃⁿᵃ ً ⁿ‧ʲᵐ
Short Story✓〔COMPLETED〕 罗渽民 °. j a e m i n ❜ e p i s t o l a r y ─────────── 🍃 in which jiheon likes jaemin's pink hair not knowing that it is a type of disease