Jaemin's POV
Pagkadating sa bahay nila Juho hyung sa Busan ay nagpaaalam na din siya agad.
"Jaemin. Sana makatulong ang trip na 'to sa pagaalala mo." sabi ni hyung at tinapik ang balikat ko.
"Salamat hyung."
Pagkapasok ay nakangiting nagaayos ng gamit si Jiheon. We'll take it slow.
"May mga itineraries akong hinanada kaso kung gusto ninyo munang magpahinga ay pwede naman." sabi ko kay Jiheon at Jeno. Parehas nila akong nginitian.
"Magpapahinga muna ako." sagot ni Jeno.
"Mag-aayos ako ng gamit pero pwede naman akong sumama na." sabi ni Jiheon. She brushed her blonde hair with her fingers and smiled at me.
Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Am I this crazy for her before?
Hindi nana, hanggang ngayon ganyan...
I gulped. Lumapit saakin si Jeno habang nahikab.
"Sige kayo na muna Nana. You'll need it." bulong ni Jeno. I gave him a sly smile.
Tumulog na si Jeno at lumabas na kami ng bahay ni Jiheon.
"Actually, wala akong itineraries na hinanda. Pwede ba na ikaw na lang ang magdala saakin sa mga memorable places mo dito sa Busan?" tanong ko kay Jiheon. She smiled. My heart raced again.
"Okay... pero anong meron sa buhok mo? Parang pa pink ng pa pink ah?" natutuwa niyang saad.
"A-ah k-kase--"
"Pero mas bagay sayo yung light pink." nakangiti niyang saad.
"Pero kapag light pink maaari akong mawala na sa mundong ito Jiheon."
Gustong gusto kong sabihin iyon sa kanya pero hindi ko masabi dahil hindi ko alam kung ano nga ba ang naging parte niya sa nakaraan ko.
I smiled at her. Kahit hindi talaga dapat ako nangiti.
Habang naglalakad kami at nakatitig ako sa kanya. Ang ganda ng mata niya.
"Nandito tayo ngayon sa park kung saan ako tumatambay noong bata pa ako." nakangiti niyang saad habang hinahawakan ang seesaw.
Then a memory came in my head.
"Hoy Jaemin bumalik ka dito!" sigaw ni lola habang may hawak na dyaryo.
Tawa ako ng tawa habang dala ang aking wallet na bigay saakin ni mama. Sa loob noon ay mga ipon ko para bumili sa stationary store.
"Huy Jiheon ang cute mo daw sabi ng bestfriend ko!!" bati sa kanya ng isang lalaki.
"Thank you!!" sabi nung Jiheon daw.
"Eto Jiheon oh. Binili ko itong singsing sa stationary store!" sabi nung isa pang lalaki.
Yun yung dapat kong bibilhin!!! Iisa na lang yun at bibilhin ko yun dahil magbe-birthday na si lola!
"Ako nga pala si Woojin Lee! Woojin na lang." sabi nung nagbigay ng singsing.
"Ah! Hi Woojin!" nakangiting saad ni Jiheon. Nagpaalam na yung dalawang lalaki kay Jiheon at nagtutulakan pa habang umaalis.
Nilapitan ko si Jiheon at kinausap siya.
"Hoy bata akin na yan. Magkano ba yan?" tanong ko sa kanya.
"Huh? Itong singsing? Bigay saakin 'to ni Woojin. Regalo 'to kaya mahalaga ito saakin." saad niya habang hawak ang singsing sa kanyang daliri.
"Kaya nga babayaran ko eh." sabi ko sa kanya.
"Ganito na lang, sabihin mo saakin ang pangalan mo at ibibigay ko ito sayo." sabi niya.
"Ako si Nana." sabi ko.
"Hindi mo man lang itatanong ang pangalan ko?" tanong niya.
"Ikaw si Jiheon." sabi ko. Ngumiti siya at inabot saakin yung singsing.
"Wow! Eto yung singsing sana maging magkaibigan tayo!" sabi niya habang nakangiti. Napangiti din ako.
"Iyo na lang itong saklob ko." sabi ko at nilagay sa kanya ang aking saklob.
"Ilang taon ka na ba?" tanong niya saakin.
"8"
"Eh? 5 ako. Hi Nana oppa!" nakangiti ulit siya. Hindi ko alam kung bakit pero kinilig ako sa sinabi niya.
Oppa? Honey?
"Huy nana nakikinig ka ba?" tanong niya. Hindi ko namalayang nasa harap na kami ng school.
More memories to gain.
BINABASA MO ANG
❛ ⁿᵃⁿᵃ ً ⁿ‧ʲᵐ
Short Story✓〔COMPLETED〕 罗渽民 °. j a e m i n ❜ e p i s t o l a r y ─────────── 🍃 in which jiheon likes jaemin's pink hair not knowing that it is a type of disease