🍁 | O45

324 9 0
                                    

Jaemin's POV

Si Woojin. Siya yung lalaking nagbigay ng singsing? Hindi maman siguro ako ipagpapalit ni Jiheon diba? Ako parin naman ang best friend niya diba?

From Heonnie Ko:
Nana baka hindi na ako makasabay sa pagkain sayo :(

To Heonnie Ko:
Bkt?

From Heonnie Ko:
Sasabay kase si Woojin saakin kasi bago pa lang siya dito, ayos lang naman yon diba?

To Heonnie Ko:
ah

Walang gana akong naglakad patungo sa mesa kung saan nandoon sina Jeno.

Si Jeno at Hue; Mark Hyung at Mina; Renjun at Jeni; Chenle at Jisung;

Wala lang doon si Haechan pero alam ko ay may kasama iyon.

"Nana, nakakain ka na?" tanong ni Jeno saakin. Ramdam ko naman ang pagkulo ng tiyan ko kaya inabutan ako ni Renjun ng pagkain.

"Masama ang hindi kumakain." sabi ni Mark Hyung.

"Mas masama ang mukha mo hyung." bulong ni Jisung na nasa tabi ko kaya pinisil ko ang pisngi niya.

"Aigooo Jithung-oppa!" sabi ko pa. Natawa naman ang iba habang si Jisung ay pilit na lumalayo saakin.

"Hyung!" sigaw niya.

"Eyyy dapat maalam ka na rumespeto sa nakatatanda Jisung!" saway sa kanya ni Renjun. Sumimangot na lang si Jisung at kumain ulit.

Si Chenle ang bumili ng pagkain ko at si Jisung naman ang bumili ng inumin ko. Pero, hindi gaya ng dati, tubig na lang ang inumin ko.

"Akala ko kasabay mo si Jiheon na kumain?" si Jeno.

"May kasama." sagot ko habang nakain. Umuna na si Mark hyung at Mina dahil may klase pa sila tapos sila Jisung naman ay iniwan na kami.

"Ah? Yun bang si Woojin Lee? Ang cute non eh." si Jeni. Sinimangutan ko siya pero hindi niya naman iyon nakita. Hehe.

Maya maya pa ay may isang babae na lumapit saamin... Si Yujin. Tumabi siya saakin at inakbayan ako.

"Hmm. Anong meron?" tanong ni Hue.

"Wala" sagot ko.

"Kuya nakita mo ba yong math notebook ko?!" sigaw ni Renjin kay Renjun habang natakbo papalapit.

Nang nakita ni Yujin na papalapit si Renjin ay kumapit siya sa braso ko kaya sinubukan ko na ilayo ang sarili ko sa kanya.

"Hi Nana!!" bati saakin ni Renjin. Nginitian ko siya.

"Nasa bahay, iniwan ko." masungit na sabi ni Renjun sa kapatid niya.

Hindi siya pinansin ni Renjin at umalis na.

"Ayaw kitang maging in-law." seryoso si Renjun nang sinabi niya iyon.

"Sus." pangaasar ko sa kanya. Cousin-in-law niya nga si Jeno eh. Bakit kapag ako hindi pwede?

Hinigit ako ni Yujin at napalspit ang pisngi ko sa labi niya kaya kaming lahat ay hindi nakapag salita.

Sa harap ko ay nakatayo si Jiheon habang may dala na potato pizza na paborito ko noon.








❛ ⁿᵃⁿᵃ ً ⁿ‧ʲᵐTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon