🍁 | O37

412 9 0
                                    

Jiheon's POV

BUONG MAGHAPON. Oo, buong maghapon kaming nakatambay sa loob ng bahay dahil malamig sa labas.

"Heon, hot chocolate talaga ang sa iyo?" tanong ni Jeno.

"Yep."

Nilapag ni Jeno ang mga inumin namin sa lamesa na nasa salas. Balak din sanang dagdagan ni Jeno ng tubig ang kape ni Nana pero hinampas ni Nana ang kamay ni Jeno kaya napaso ng kaunti si Jeno ng mainit na tubig.

"Nana!" sigaw ni Jeno "Soksanghae!" (I'm upset)

Natawa na lamang ako sa dalawa at hinigop ang aking hot chocolate.

Binuhay ni Nana ang tv at doon lumabas ang show na "After School Club". Agad na nagliwanag ang aking mukha nang makita si Hyunjin doon. Sa sobrang saya ko ay nahampas ko si Nana na nasa kaliwa ko at inalog si Jeno na nasa kanan.

"Ikaw Heonnie ha! Baka crush mo si Hyunjin~" asar saakin ni Jeno habang tinutusok pa ang tagiliran ko. Umubo naman si Nana at ininom ang kanyang kape.

"Crush ko nga kasi si Hyunjin oppa!" pakikisakay ko sa biro ni Jeno.

Nilingon niya si Nana na biglang natahimik. Nginitian ko si Nana at pinisil ang kanyang pisngi.

"Ah Jiheon hindi pala ako magtatagal ngayon, pupntahan ko kasi si Hue. Nana ikaw na ang bahala sa kapatid ko ha?" si Jeno.

"Sige sige." si Nana.

Lumapit saakin si Jeno at bumulong "May CCTV dito ha, ingat ka." nginitian niya pa ako.

Pagkaalis ni Jeno ay nagluto ng tanghalian si Nana.

"Heonnie tara kain na tayo." pagyaya niya saakin.

Hinila niya ang upuan at hinilera sa tapat ko ang iba't ibang klase ng ulam.

"Uhh, hindi ko kasi alam kung saan magsisimula." sabi ko sa kanya. Umupo siya sa tabi ko.

"Susubuan na lang kita." nakangiti niyang saad. Uminit ang aking pisngi. Ano 'to? Biglaan? Bakit parang kanina ang sungit sungit niya?

Matapos kumain ay nagprisinta akong maghugas ng pinagkainan pero sabi niya ay siya na daw ang bahala.

Inayos ko na lang ang lamesa at pinatas ang mga platong kailangang hugasan.

"Eyy. Bakit ka gumagawa niyan Heonnie? Ako na." sabi ni Nana na ngayon ay nakasuot na ng dishwashing gloves. Napangiti naman ako sa kanya.

Nilapit niya ang mukha niya saakin at tinapik-tapik ang aking ulo.

"Masyado na akong spoiled." biro ko sa kanya. Nginitian niya na lamang ako.

Eto ang araw na pinakahihintay ko. Ang maalala niya ako at bumalik ang Nana na nakilala ko.





❛ ⁿᵃⁿᵃ ً ⁿ‧ʲᵐTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon