🍁 | O25

419 6 0
                                    

Jiheon's POV

Natagpuan ko si kuya na tulala sa sala habang hawak ang kanyang cellphone.

"Oh kuya an--"

"Pupunta ka sa Busan." seryoso niyang saad.

"Kuya diba sabi ko sayo ayaw ko na--"

"Alam ko pero kailangan."

"Kuya naman--"

"Maghanda ka nang gamit. Wala kang pasok sa Monday diba?"

"Oo, pero--"

"Ihahatid kita." seryoso niyang sabi saakin. Pinayagan ba siya ni mom or dad?

"Alam ba ito ni mom--"

"Jiheon. Maghanda ka na lang."

I sighed, defeated.

Nilabas ko ang aking mga maleta at pumili ng pinakamaliit at yung may madaming bulsa.

Bumukas ang aking pinto at bumungad saakin si kuya Juho na hindi makatingin ng diretso saaking mata. I know, he's awkward because it's the first time he got mad at me.

"Tatlong araw lang yon. Ayos na kung itong bag ko ang gamitin mo." sabi niya at hinagis saakin ang kanyang itim na bag.

"Uhm. Salamat." sabi ko.

Awkward siyang umubo at tumingin sa taas. "Uhm. May dadaanan tayo habang papunta sa Busan." sabi niya at umalis na.

Ano naman kaya iyon?

Habang nagaayos ay bumaba ang aking buhok na kanina ko lang punoyod. Maybe I should cut it?

Pagkatapos kong maghanda ng gamit at lumabas ako para pumunta sa pinaka malapit na salon.

"Ano pong gusto ninyong style?"

"Uhm. maypapagupit po ako tapos kulot tapos--- pwede po bang makita ang hair color list niyo?"

"Uhh... sayang naman ang buhok mo, pero sige.."

"Eto po."

Tumango ang babae at nagsimula na nang mag ayos sa buhok ko.

Pagkatapos noon ay nagbayad na ako at nagtungo pabalik sa bahay. Binati ko si kuya ngunit hindi man lang siya lumingon saakin. Ang cold naman.

Matapos ang ilang minuto ay tinawag na ako ni kuya at sinabing pupunta na kami sa Busan.

See you soon Busan!!

❛ ⁿᵃⁿᵃ ً ⁿ‧ʲᵐTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon