🍁 | O60

572 8 1
                                    

Jaemin's POV

Kagabi, napuyat ako dahil nag video call kami ni Jiheon. Kahit na napuyat ako ay masaya parin dahil nginitian ako ni Jiheon bago kami matulog.

Ah! Niyaya rin pala ako ni tita (mommy ni Jiheon) na magtanghalian sa kanila, kaya ito ako ngayon, nag-aayos.

Mabilis akong natapos at naisip ko na maaaring hindi pa nag-aagahan si Jiheon.

Dumaan muna ako sa Gongcha at Dunkin' Donuts para ibili siya ng Milk tea at donuts. Alam niya kasi na ginagaya ko palagi ang inoorder niya kaya naisipan niyang milk tea is better than coffee. Para rin daw maging maayos ang kalusugan ko.

Nilakad ko na lamang ang pagpunta sa bahay nila.

"Jiheon, bisita mo." bored na sabi ni Juho hyung habang nilalaro ang PSP niya.

"Nana!"

"Hi Heonie! Nagdala ako ng pagkain, gusto mo?" alok ko sa kanya. Hinila naman niya ako papunta sa kwarto niya.

"Tamang, tama hindi pa ako nag-aalmusal." nginitian niya muna ako bago siya kumagat sa donut.

"Masarap ba?" tanong ko sa kanya. Tumango siya at inalok ako. Binuka ko naman ang aking bibig kaya sinubuan niya ako.

"Higa ka dito sa tabi ko Nana." she tapped the pillow beside her. Tumabi naman ako sa kanya.

"Ano ba ang pinapanood mo Jiheon?" tanong ko sa kanya.

"Detective Conan." sabi niya habang hinihigop naman ang milk tea.

"Sinong mas gusto mo? Si Detective Conan o si Kaito Kid?" tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung alam niyang nagkaroon kami ng Halloween party, pero sana piliin niya si Kaito Kid.

"Ikaw." sagot niya. Sino daw

"Huh? Akin ay si Kaito Kid." sagot ko.

"Hahaha, ikaw ang pinipili ko." sagot niya saakin.

Hindi naman agad ako nakapag-salita kaya nagpatuloy siya sa panonood sa laptop niya.

Lumipas ang ilang oras at nakatulog siya sa balikat ko. Cute.

Ilang oras din na ganoon ang aming posisyon. Hinahagod ko ang kanyang buhok. Ang cute talaga ng girlfriend ko.

May kumatok sa pinto. Akala ko ay si Juho hyung iyon pero si Jeno pala.

"Nana magtatanghalian na." sabi niya.

Ginising ko na si Jiheon at pumunta na kami sa dining area. Magakahawak ang aming kamay habang papunta doon. Nginitian naman ako ni Tita.

Walo (8) ang upuan na nandoon. Dalawa sa magkabilang dulo. At tig-tatlo nasa gitna.

Parang ganito: h=chair
hhh
h[TABLE]h
hhh

Tumabi ako kay Jiheon. Sa kabila ni Jiheon ay si Juho hyung. Katapat ko si Jeno at katapat ni Jiheon si Hue. Sa dulo nakaupo si tita (sa tabi ni Juho hyung).

Inihain na ni tita ang mga niluto niya. Tinulungan ko naman siya.

Magsisimula na sana kaming kumain kaso bumukas ang front door at pumasok ang isang lalaki, ka-edad lang siguro siya ni tita.

"Dad!" sigaw ni Jiheon. Siya lamang ang bumati kay tito. Wow tito, napaka feeling close ko naman hahaha.

"Magandang tanghali po." bati ko sa kanya. Tumango lamang siya saakin.

"K-kain ka na..." nauutal na sabi ni tita kay Mr. Baek.

Naupo sa tabi ko si Mr. Baek. Nagsimula na kaming kumain. Parang may hati sa lamesa dahil ang kinakausap ni tita ay si Hue at ako naman ang kinakausap ni Mr. Baek.

"Sana ay alagaan mo ang anak ko Jaemin." nakangiti saakin si Mr. Baek.

"Jeno, kapag hindi kayo kinasal ni Hue ako na ang gagawa ng paraan." sabi ni tita. Nginitian naman siya ni Hue.

"Ikakasal pa mamatay din naman." sabi ni Juho hyung.

"Juho!" sabay na sabi ni Mr. Baek at tita. Napahawak naman si tita sa kanyang buhok.

"Eh kasi naman ma, walang forever." sabi ni Juho hyung habang nakatingin sa pagkain niya.

"Meron kaya." sabi ni Jeno habang nakahawak sa kamay ni Hue.

"Tingnan mo nga kayo ma--" hindi na natapos ni Juho hyung ang kanyang sasabihin dahil lumapit si Mr. Baek kay tita.

"Ikakasal ulit kami." diretsong sabi ni Mr. Baek. Napatunghay naman si Juho hyung.

"P-po?"

"Ikakasal kami basta maging matatag lang ang relasyon ni Jiheon at ni Jaemin." sabi ni Mr. Baek habang nakangiti saakin. Napatingin din saakin si Juho hyung at Jeno.

-
Pagkatapos kumain ay nagprisinta ako na maghugas ng plato pero hindi pumayag si tita. Sila na daw ni Mr. Baek ang bahala.

"Mag date na lamang kayo!" sigaw pa sa amin ni Juho hyung.

Bago kami lumabas ay nagpasalamat saakin si Juho hyung dahil mabubuo ulit ang kanilang pamilya.

"Saan tayo Nana?" tanong saakin ni Jiheon.

"Naaalala mo ba noong nagpabibo ka para mapansin kita? Sa totoo lang gusto ko na mainis sa iyo noon. Ayaw ko kasi na may tumatawag sa palayaw (nickname) ko lalo na kapag hindi ko ka-close." -ako

"Alam mo din ba na kahit gusto kong mainis ay hindi ko kinaya? Hindi ko alam pero natuwa ako nang tawagin mo ako na Nana. Mabuti na lang dahil magaling ako na magkungwari." -ako

"Tuwing magbubukas ako ng cellphone, hinihiling ko na may makita ako kahit isang message lang na galing sa iyo. Tapos tuluyan na kitang nagustuhan pero alam ko naman na maaaring mapahamak ka dahil saakin, dahil nasanay ang mga fans ko na sa kanila lang ako sweet." -ako

"Tapos aaminin ko na ginamit kita para gumaling ako sa sakit ko. Kaya nagla-light pink ang buhok ko ay dahil malapit na akong mamatay dahil nakalimot ako." -ako

"Salamat at sorry Jiheon sa mga nagawa ko sa iyo." -ako

Niyakap ako ni Jiheon.

"Sorry Nana! Sorry kung mas gusto ko na nagla-light ang buhok mo, hindi ko alam na ganoon pala..." niyakap ko siya pabalik habang humihikbi siya.

"Ayos lang Jiheon, dahil sa iyo, gumaling na ako. Wag mo akong iiwan, promise?" tanong ko kay Jiheon. Tiningala niya ako habang may mga luhang pumapatak sa mga mata niya.

"Promise."

Nginitian ko siya at hinalikan sa noo. I love you Na Jiheon.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


×××
selcughs: YEOREOBUN! MARAMING SALAMAT SA PAGSUBAYBAY (HAHAHA) SA NANA :))) ♡ i love u~~ sorry if i can't mention you all (the new followers/ voters/ mga nagcomment)


❛ ⁿᵃⁿᵃ ً ⁿ‧ʲᵐTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon