Jiheon's POV
"KUYA ASA BAHAY NA AKO." sigaw ko. Magkaiba kasi kami ng direksyon na pupuntahan ni Nana kaya hindi niya na ako nahatid.
Pagkapasok ko sa bahay ay nagcecellphone si kuya habang buhay ang tv.
"Kuyaaa nasa bahay na ako." bati ko ulit.
"So?" mataray niyang tanong.
Dahan dahan akong pumunta sa likod niya at nakitang patay naman pala ang cellphone niya. Tss. Namiss yata ako.
"BAH!" nahulog siya sa upuan kaya tinawanan ko siya.
"HAHAHAHAHA KUYA ANO BA NAMAN YAN!" sinamaan niya lang ako ng tingin at nanahimik ulit.
Hindi ko muna siya kinulit at nag-ayos muna ng gamit. Pagkapasok ko sa kwarto ay may pagkain na nakahain sa desk ko. Ang sweet naman ni kuya.
Bakit kaya masungit siya ngayon? Anong ginawa ko? Haha.
From Nana:
Nakauwi ka na ba? :)To Nana:
yepPinatong ko sa tabi ang cellphone ko at nagsimula nang kumain.
From Nana:
Papasok ka bukas?To Nana:
oo naman hahaFrom Nana:
sige sige :)))To Nana:
bakit naman hindi haha|backspaceTo Nana:
okay okay hahaFrom Nana:
Gusto sana kitang kasabay sa recess at lunch, pwede?Wait. Bakit niya nga ulit 'to ginagawa?
Niligpit ko ang aking kinainan at naghugas ng plato. Nagpalit na din ako ng pambahay na damit at nahiga sa kama.
To Nana:
sige bf 😊From Nana:
bf?To Nana:
best friend, dati pa naman diba? :)Pagkatapos non ay hindi na ulit siya nagreply. Siguro nagpapahinga na siya?
Hayy may pasok na ulit bukas. Masaya ako dahil bati na kami ng bestfriend ko at naaalala niya na ako.
Iyon lang naman ang hiling ko eh. Ang maalala ako ni Nana ngayong malaki na kami.
Sana walang magbago. Sana magkaibigan padin kami hanggang sa pagtanda.
Kasama dapat namin si Yujin din. Sigurado akong sasaya siya kapag nalaman niya na magkaibigan na ulit kami ni Nana.
KINABUKASAN.
Hindi ulit ako pinansin ni kuya. Nahuli ko nga din siya kanina na may hawak na walis tambo habang nasaharap ng stove at may nilalagay na bawang at luya sa kawali. Tapos may kinakantang hindi ko maintindihan ang lyrics?
"Kuya hindi ka ba papasok?"
"Na na na nana na. Yabalabahiya yabalabahiya yabalabahiya!! Chuchuchuchu~" pagpapatuloy niya pa. Napanguso na lamang ako dahil may sayad na yata sa utak si kuya juho.
Pagkadating sa campus ay naghihintay saakin si Jeno-- ang weird kasing pakinggan kahit sa isip ko man lang na tawagin siyang "Kuya Jeno".
"Sinong hinihintay mo?"
"Girlfriend. Nagkatampuhan kasi kami kahapon. Ayaw niya palang nginingitian ko ang ibang babae. Hindi naman siya ganoon dati." malungkot na saad ni Jeno.
"PMS." sabi ko at iniwan siya doon.
"Ha? Anong pms?"
"Basta."
"Buntis ba siya kaya ganun?" tanong ni Jeno. Tinawanan ko na lang siya dahil mukhang mahihirapan siyang suyuin ang girlfriend niya.
Pagkapasok sa room ay pinalilibutan ang desk ko ng mga babae.
"Hi Heonnie~ nag breakfast ka na ba? Drink this yogurt!! 사랑해~
-j"
malakas na pagbasa ni Yujin sa note na nakadikit sa yogurt."Jiheon! Sino naman ang secret admirer mo ha?" asar saakin ng isa kong kaklase.
"Sus! Kaya ko din naman yang gawin." sabi ng isa kong kaklase na lalaki. Nagpatong siya ng apple juice sa desk ko.
Ginaya naman siya ng iba at kung ano ano pa ang pinatong sa desk ko. Habang inaasar ako ng iba ay halatang iritado na si Yujin.
"Class." sabi noong teacher sa unahan. "Please go to your proper seats. Now I want you to meet your new classmate, please state your name."
"I'm Woojin. Woojin Lee!" masigla niyang bati.
Nagpalakpakan naman ang aking mga kaklase.
"Please seat there. Ms. Baek pakitago niyang mga pagkain sa desk mo." sabi nung teacher. Nag-asaran naman ang mga kaklase ko.
Sasabihin ko sana kay Woojin na absent lang ang nakaupo doon pero hindi ko na lang sinabi.
"Woojin Lee, you are?"
"Jiheon. Baek Jiheon." parehas kaming napatigil. SIYA YUNG KABABATA KO!!
"Kailan ka pa lumipat dito?" tanong ni Woojin. Pero pabulong lang dahil nagdidiscuss na yung teacher.
"Since naghiwalay si mommy at daddy." bulong ko.
"Sorry hindi ko alam." bulong niya.
"Ayos lang matagal na din naman iyon." napalakas ang pagsabi ko ng "iyon" kaya napagalitan kami at pinalabas ng room.
Tinawanan na lang namin ni Woojin ang teacher namin pagkalabas.
"Jiheon, recess niyo na?" tanong saakin ni Nana. Pero kay Woojin siya nakatingin.
"Hindi, napalabas lang dahil maingay." natatawa kong saad.
"Sino siya?" tanong ni Nana.
"Ah! Si Woojin, yung nagbigay saakin dati ng singsing, tanda mo pa ba?" tanong ko kay Nana.
"Ahh, sabay tayo mag-recess ha?" paalala niya saakin.
"Okay okay!" sabi ko habang nakangiti sa kanya. Umalis na siya kaya pumunta na kami ni Woojin sa detention room.
BINABASA MO ANG
❛ ⁿᵃⁿᵃ ً ⁿ‧ʲᵐ
Short Story✓〔COMPLETED〕 罗渽民 °. j a e m i n ❜ e p i s t o l a r y ─────────── 🍃 in which jiheon likes jaemin's pink hair not knowing that it is a type of disease